Vote, comment and please follow.
ASH'S POV
Montecillo University
Natapos ang klase ng mas maaga ngayong araw, nagkaroon kasi ng emergency meeting ang mga prof kasama ang head ng MU para sa gaganaping student month.Taun-taon itong ginagawa ng MU bilang pagpapahalaga sa mental, emotional at physical health ng mga estudyante. Ang aktibidad na ito ay may kinalaman sa sports, games, at ibang activities na maeenjoy ng mga estudyante kabilang na ang iba't ibang clubs.
Time Check, 3:30pm.
Papunta nako sa quarter ng Montecillo clan gaya ng bilin sakin ng kambal. Madadaanan ang building ng mg engineering kaya pansamantala akong napasulyap sa mataas nitong pagkakatindig. Sabi nga ng karamihan dito sa MU, ang building na ito ang maraming elite students kaya hindi nakapagtatakang maganda pati na din ang disensyo ng building na'to.
Time Check, 3:37pm.
Maaga pa naman kaya naisipan ko munang pasukin ang building, hindi ko pa din kasi nakikita at nalilibot ang kabuuan ng school na ito. May iilan-ilan na lang akong estudyanteng nakikita dahil na din sa maaga ang uwian ngayon, malamang may kanya-kanyang agenda na sila.
Habang naglalakad ako sa pasilyo nitong bldg. paminsan minsan akong sumusulyap sa mga rooms. Nakakamangha talaga ang ganda ng MU. Bago pa man ako makarating sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag may mga grupo na ng kalalakihan akong nakita.
Sa dami namang pwedeng pagtambayan dito pa nila naisipang tumambay sa hagdan. Paniguradong nag aabang ang mga ito ng mabubully o kaya naman ay mapagtitripan. Naparolyo na lang ako ng mata sa sariling iniisip. Pabalik na sana ako at hindi na tutuloy ng may kung sinong peste ang sumitsit sakin.
"Psst! Psssst!"
"Uy bata halika dito!" mayabang nasaad ng lalaking naka suot nga ng uniporme nakatanggal naman ang mga butones nito.
Napaharap ako sa lalaking nagsalita dahil sa sinabi nito. Sa tantsa ko ay anim silang kalalakihan na nandito. Lahat ata ng estudyante ng MU mala artistahin ang mukha at may adonis na pangangatawan. Maitsura din ang isang to.
"Sinong bata ang tinatawag mo? For your information, Mr. Mahambog, hindi nako bata at hindi porket mas malalaki kayo kumpara sakin ay tatratuhin nyo na lang akong parang bata."
Hindi ko alam san ko nakuha ang lakas ng loob na sagutin ang isang to, sabihan ba naman kasi ako na bata. Narinig ko ang tawanan ng mga kasama nyang nasa likuran maging sya ay nakangisi na ngayon.
"Sabihin mo yan kung hindi ka na mukhang bata na inagawan ng laruan kung magalit." Sagot nito sabay tawa ng malakas.
"By the way, I'm Harold. Nice meeting you Ash De Silva. They are right, you look feisty. That's why interesado sila sayo."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Sya yung Harold!? Ang leader ng nakalaban nila Matt at Mike na grupo nung nakaraan. May sinabi pa sya ngunit hindi ko na gaanong narinig dahil sa pagkabigla.
"Ganyan ka ba talaga? ang dali mong mabasa dahil sa pinapakita mong ekspresyon. You're cute, Ash!"
*Smirk
"Che! dyan ka na nga!"
Hindi ko na sya pinatapos pa magsalita ng kung anu-ano at patakbo na kong umalis ng building na yon. Finally, nameet ko na si Harold and I must say hindi sya ganon ka agresibo tulad ng kambal o baka naman dahil hindi ko pa talaga sya lubos na kilala.

BINABASA MO ANG
PSYCHO
Romance"You can't escape us, Ash!" "And even if you do, we can still find you and make your life a living hell!" ⚠️Warning: This story involves explicit sex scenes and self-harm. It is also a man-to-man theme. Please do not read if you are triggered by any...