Vote, comment and please follow.
ASH'S POV
Montecillo University
Ngayon ang araw ng examination day at lahat ay abala sa kabi't kabilang mga ganap sa MU. Base sa kambal at kay May ay ngayon ding hapon darating ang bagong Director ng school para magpakilala sa lahat.
Pinagpapawisan na halos ang mga kamay ko sa hirap ng exam na ito, napatangin ako sa orasan na nasa dingding at ilang minuto na lang ay matatapos na ang pang umagang klase at pagsusulit.
Time check, 11:30am.
Ilang minutong pagpiga pa ng utak at natapos din ang exams. Agad kaming nagpunta ni May sa canteen upang kumain ng Lunch. Dito ay nagkwentuhan kami sandali habang kumakain.
"Nga pala Ash, mamaya ba ay sasamahan mo ang twins sa gaganaping welcome party para kay madam Ingrid sa quadrangle?" tanong nito.
"Oo May, pupuntahan ko na lang sila sa quarters nila pagkatapos natin kumain. Ikaw pala?" balik kong tanong dito.
"Huwag mo na kong intindihin Ash, may kasama ko mamaya." natutuwa nitong sabi.
"Sino na naman yang bago mong lalaki aber!?" pag-uusisa ko kay May.
"Ahm si Peter!" nahihiya nitong sabi.
"Naku, naku ang kaibigan ko lumalablayp na pala!" pang-aasar ko pa kay May.
Hindi naman na bago sakin na pinopormahan ni Peter 'tong kaibigan ko. Mabait naman si Peter, kaya kahit papano alam kong safe si May sa kanya.
Nang matapos kaming mag lunch ay nagpaalam na kami sa isa't-isa ni May.
Montecillo University
(Quarters)
Pagkarating ko sa qaurters ay naabutan ko pang nagmimeeting ang ilan sa Montecillo clan. Papatapos na din kaya hinintay ko na lang din sila."Hello, sweetheart!" bati ni Matt.
"Hi, Kitten!" bati naman ni Mike.
Kapwa sila sabay na humalik sa magkabilang pisngi ko na agad kong ikinapula.
"Ahm, tapos na ba kayong kumain?" tanong ko sa kambal.
"Yes Kitten, so ano tara na ba sa quadrangle?" pag-aya ni Mike.
"Let's go!" pagsang-ayon ni Matt dito.
Sabay-sabay kaming naglakad tatlo papuntang quadrangle ng school kung saan gaganapin ang welcome party para kay madam Ingrid. Kumpara noong unang mga tagpo, ngayon ay mas nasanay na kong pinagtitinginan ng mga estudyante na makakasalubong namin.
Pagkarating sa venue ay agad kaming naghanap ng mauupuan, hindi pa pwedeng magtagal ng nakatayo si Mike dahil na din sa tama nito sa balikat.
Tungkol naman sa nangyaring gulo nung nakaraang gabi, ikinwento lahat sakin ng kambal ang mga nangyari. Nakakapanlumo, ngunit ito ang mas tama para sa kapakanan ng bawat isa at maging ng mga estudyante dito sa MU.
Wala ng Scorpion Clan na manggugulo, wala na din ang mga mean girls. Sana ay magtuloy-tuloy na ang kaayusan dito sa MU.
Nagsimula na ang programa at pinakilala ang mga panauhin. May ibang nagsalita para sa Don Montecillo, na ayon kay Matt ay spokesperson ng kanyang ama. Hanggang sa pumasok ang isang babae na bakas ang pagiging elegante dahil sa mga suot nitong naglalakihang alahas. Medyo may katandaan na din ang madam, ngunit mababanaag pa din ang angkin nitong ganda.
"Let us all welcome, the new director of Montecillo University, Madam Ingrid Montecillo!" pag-aanunsyo ng emcee sa harapan.
Lahat ay nagbigay ng paggalang at pagpalakpak para sa bagong director ng school. Tahimik ang lahat na nakinig sa kanyang speech hanggang sa matapos ito. Pansin kong tahimik ang kambal sa buong duration ng programa, mahahalatang hindi talaga nila gusto ang presensya ng madam.
BINABASA MO ANG
PSYCHO
Romance"You can't escape us, Ash!" "And even if you do, we can still find you and make your life a living hell!" ⚠️Warning: This story involves explicit sex scenes and self-harm. It is also a man-to-man theme. Please do not read if you are triggered by any...