Vote, comment and please follow.
ASH'S POV
Natapos ang unang araw ng klase ko ng matiwasay, may iilan na din akong nakilala at mga naging kaibigan. Andito na ako sa apartment ko para maglinis ng katawan at magpahinga sandali bago pumasok sa convenient store na pinapasukan ko.
Ganito na lagi ang ganap sa pang araw-araw ko, papasok ng 7am sa MU, uuwi sa apartment, magpapahinga at maghahanda naman sa panggabing trabaho na 7pm hanggang 10pm.
Simpleng jeans at white shirt ang sinuot ko makaraan kong maglinis ng katawan. Inayusan ko lang din ang buhok ko at nagpabango ng kaunti.
Ewan ko ba pero maraming nagsasabing mas mukha akong babae kaysa lalaki, dahil na din siguro sa maliit kong mukha at pangangatawan, maging height ko hindi rin ganon katangkad tulad ng sa iba.
Pagpasok ko sa Convenient Store si Bryan ang unang bumungad sakin, kasamahan ko dito.
"Good evening Ash! Pogi natin ah!"
"Pogi ka dyan, wala namang bago sakin ngayong araw. Mang aasar ka na naman Bry eh!"
Hindi na lihim kay Bryan na hindi ako straight, kaya lagi ako nitong inaasar ng kung anu-ano. Madalas pa ko nitong sabihan na may gusto sya sakin, alam ko namang straight si Bryan at nang-aasar lamang kaya't sinasakyan ko na lamang sya.
MATT'S POV
Malakas na pag-ring ng Cellphone ang nagpagising sakin. Ang tagal ko palang nakatulog dala ng puyat. Galing ako sa bar kahapon, nag aya kasi ang mga kaibigan namin ni Mike ng inuman.
"Hello! What the f*ck Mike! Alam mo namang puyat ako."
"Bro, Matt! buhay ka pa pala!"
"Tara na dito, nandito pa kami sa quarter. Let's have some drink. Andito din sila Peter at ang barkada."
"Yeah, sige! Pupunta na. Magbibihis lang ako."
Pinutol ko na ang call at tumayo para magpunta sa banyo. Naalala ko na naman si Audrey. Audrey? Aubrey? Hindi ko na matandaan ano talaga ang name nya, basta ang naaalala ko hayok na hayok ang babaeng yun sakin kagabi.
Pinaandar ko na ang aking sasakyan at agad nagtungo sa MU. Naabutan ko ngang lasing na lasing na ang barkda maging si Mike at ang kaibigan naming si Peter.
"Tsk! mga mahihinang nilalang!"
"Bro! Sakto andyan ka na pala, kanina ka pa namin hinihintay pinaalis na namin mga chikababes sa tagal mo!"
"I see, pano pa tayo iinom nyan mga tumba na kayo. Saka wala ng beer dito sa case!"
Napansin kong wala ng beer, kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa pinakamalapit na store dito sa MU. Pwede ko naman iutos ito kaya lang halos lasing na din ang barkada kaya nagkusa na lamang at agad pinaandar ang sasakyan.
Express Store
Pagkapasok ko sa Store, agad kong napansin ang dalawang staff nito na naghaharutan, or I must say naglalandian. Wala na din masyadong customer dahil gabi na.
"Excuse me miss, may I have a case of beer?"
Agad tumigil ang dalawa at bumalik sa kanilang pwesto, dito ko lamang napansin ang hitsura ng babae, napakaganda nitong pagmasdan at tila mala anghel ang mukha. Innocent look kumbaga.
"He..llo sir good evening! Right away, Sir! and pasensya na po hindi po ako girl so drop the 'miss po." may utal nitong pagsagot.Nakakalaglag panga ang hitsura nito kahit hindi pala sya babae, maputi ang kutis, may kaliitan ang katawan, at mapungay ang mga mata, may kung anong nagliyab sa loob ko at sa loob ng aking pantalon ng marinig ang boses nito.
"Sorry for that, but you look beautiful, sweetheart!"
Naging balisa na ito sa pagkilos at tarantang kinuha ang beer na binibili ko. So, Ash is the name base sa nameplate nito. Nice name, for a beautiful man.
*Smirk
Enjoy Reading!
HAPI_JD
BINABASA MO ANG
PSYCHO
Roman d'amour"You can't escape us, Ash!" "And even if you do, we can still find you and make your life a living hell!" ⚠️Warning: This story involves explicit sex scenes and self-harm. It is also a man-to-man theme. Please do not read if you are triggered by any...