Vote, comment and please follow.
ASH'S POV
Montecillo Mansion
Pagka-uwi namin sa Mansion ay agad kong pinagluto ng paborito nila ang kambal. Humahanap lang ako ng tyempo para sabihin ang about sa scholarship sa school at sa mga binalita sakin ni May. Hindi ko alam pano sisimulan pero bahala na."Ahm..Matt, Mike, may sasabihin pala ko!"
"What is it, Kitten?"
"Drop it, sweetheart!"
"About sa kung bakit ako nasa school. Ano kasi, nakapasok ako sa MU dahil may nagbigay sakin ng scholarship and pinapaalam ko kasi baka alam nyo kung si Don Montecillo ba yung nag offer non sakin!?"
"Uhm! I guess it's Dad. Wala syang nabanggit samin but sure it's Dad!" sabi ni Mike.
"Ah ganon ba! Ang bait naman ng Don magpapasalamat na lang ako sa kanya once na umuwi sya dito sa Mansion. At nga pala, please Mike..Matt 'wag nyo ng pakialaman yung sa scholarship ko o anupaman. Sapat na sakin yung nabigay nyong tulong at ng Don."
"No worries, sweetheart!" sagot naman ni Matt.
"May binalita sakin si May na gusto kong linawin-" napatingin sila pareho sakin kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko.
"Alam ko na nawala na si Christine sa MU at ang mga kaibigan nya and even ang pagkakasangkot ng Scorpion Clan sa nangyaring gulo-"
"Wala naman kayong kinalaman sa mga yon diba?" pagtatanong ko sa kanila.
"Tungkol don kitten, hindi namin alam na miyembro pala ng grupo ni Harold yung mga gunggong na yon. Si Christine, mas mabuti ng wala na sya sa MU baka ako pa ang makapatay sa kanya."
Tahimik lang ako na nakikinig sa mga sinsabi nila hanggang sa nabanggit din ng kambal ang tungkol sa pagpapalit ng bagong Director na talagang ikinalito ko.
"Hindi nyo alam na magpapalit ng Director ang school? hindi ba nababanggit ng Don ang tungkol don sa inyo?" pagtataka kong tanong.
"Well, actually, si Peter lang ang nagsabi samin na ang papalit na new director ay si Auntie Ingrid na kapatid ni Dad." sagot sakin ni Mike.
"And that women, matagal na syang hindi nagpaparamdam samin dahil sa naging clash nila ni Dad- dahil sa mana, sa company at mga iba pang yaman ng Montecillo na pinamana ng lolo namin kay Dad mismo lahat dahil sya ang nag-iisang lalaki-"
"Maaga din kasi nag asawa si Auntie Ingrid kaya kakaunting yaman lang ang napunta sa kanya. I sense trouble with that women, I know may plano sya kung bakit sya ngayon nasa MU at pumayag na maging Director ng school." mahabang litanya ni Mike.
Tahimik lang din si Matt na nakikinig, alam kong may hindi magandang motibo ang tita nila na si Madam Ingrid kahit hindi ko pa ito nakikita base na din sa mga kwento nila. Kung ano man iyon ay hindi namin alam. Kaya dapat na mas maging ma-ingat kami.
MATT'S POV
Montecillo University
(Quarters)
I simply massaged my temple while listening to the news of Peter. Ilan na sa miyembro ng Clan ang binangga ng Scorpion Clan, kaya hindi na dapat kami magsawalang bahala."Send a fucking message to Harold! Tell him to stop this fucking cowardice and face us. 8pm today at the abandoned building!"
Nagtitimpi kong sabi. Agad itong umalis upang ipabatid ang balitang sinabi ko kay Harold. Kailangan ng tapusin ito ngayon bago pa nila kami maunahan. At isa pa, para na din sa kapakanan ni Kitten, dahil ayokong nakikita sya na nag-alala para sa kanyang sariling kapakanan.
"Mike!" tawag ko dito mula sa telepono.
"8pm at the abandoned building, make sure na makakauwi muna ng maayos si Ash-"
"And get ready because we will make sure that there will be blood scattering on that building, and it will not be ours but on all of the Scorpion Clan."
"Got it, Matt! We can do this! I will also tell Aleli, Para maihanda ang mga guns at iba pang armas."
I ended the call and got up from my chair to look out the window at our quarter.
I will surely mark this day as the end of the Scorpion Clan.
-
ASH'S POV
Montecillo Mansion
Maaga akong sinundo pauwi ngayon ng driver ng kambal. May importante daw silang lakad ngayon at pagmimeetingan ayon kay Mike kaya ipinahatid na lamang nila ko dito sa Mansion.
Wala akong maisip na paglibangan kaya, naglibot-libot muna ko sa Mansion. Wala naman ang Don kaya makaka kilos ako ng maayos dito. Inuna kong libutin ang unang palapag nito na may apat na kwarto. Lahat ata ng gamit dito ay sobrang mamahalin. Nakakamangha din dahil sobrang lawak nito, samantalang ilan lang naman ang tumatao sa Mansion na ito.
Nasa unang palapag palang ako ay tinamad nakong ituloy ang paglilibot kaya naisipan ko namang lumabas muna sa Mansion at magpunta sa garden nito na katabi lang din ng garahe. Napapalibutan ang buong Mansion ng malawak na hardin at magandang landscaping.
Agad kong nakita ang mga tauhan ng Don na nag-aayos ng mga piyesa ng mga sasakyan na binigyan ko ng ngiti at pagbati.
"Magandang hapon po!" bati ko sa kanila.
"Magandang hapon din, Senyor!" bati nila sakin.
Nakipagkwentuhan pako saglit sa kanila at makaraan ay nagtungo ako sa isang maliit na bahay sa tabi ng garden. Bodega daw ito ayon sa mga trabahador na pinagtatambakan ng ilang mga pinaglumaang gamit sa Mansion. Actually, maraming maliliit na mga bahay dito na hindi ko alam kung para saan, ang iba kasi ay tinutuluyan ng mga trabahador at mga kasambahay.
Pumasok ako sa loob ng bodega at pinagmasdan ang kabuuan nito. Maalikabok na ang mga nakalagay na aparador dito at marami ding mga papeles at libro na halos lahat ay luma na. Mayroon ding mga muwebles at kung anu-ano pang mga gamit.
Agad na nakapukaw ng atensyon ko ang mga litrato na nakapatong sa mga aparador na sa palagay ko ay mga lolo't lola ng kambal at iba pang mga kamag-anak may katandaan na din kasi halos ang mga ito base sa larawan. At mula dito ay may isang family picture na nakasabit naman sa mas mataas na parte ng dingding na sa pagkaka-alam ko ay family picture ng Montecillo Family.
Tanging ang Don lang ang kilala ko dito at nakapagtataka dahil ayon sa kambal tita nila si Madam Ingrid na kapatid ng Don, ngunit dalawa lamang ang babae sa larawan ang isa ay ang lola ng kambal at ang isa naman na kaakbay ng Don ay paniguradong ang asawa nito na mama ng kambal. Totoo nga siguro na parang itinakwil na ng Montecillo family ang Madam Ingrid dahil kahit sa ibang litrato na nasa mga aparador ay wala itong kuha.
Ano kayang hitsura ng Madam?
At bakit ngayon lang ulit sya nagparamdam sa Pamilyang Montecillo?A.N Another update mga pips! Nakukuha nyo na ba ang mga sagot sa tanong nyo? haha. Mas maaksyong mga tagpo sa mga susunod pang chap, so kapittt! Hehe. 1,160+ words.
Still No.1 on lgbtstories. Salamat po!❤️
Thank you sa support, everyone!
Enjoy Reading!
HAPI_JD

BINABASA MO ANG
PSYCHO
Любовные романы"You can't escape us, Ash!" "And even if you do, we can still find you and make your life a living hell!" ⚠️Warning: This story involves explicit sex scenes and self-harm. It is also a man-to-man theme. Please do not read if you are triggered by any...