Chapter 1

176 5 0
                                    

Vote, comment and please follow.

MIKE'S POV

Montecillo University

Ever since mom passed away, nag-iba na ang takbo ng buhay namin ni Matt at Dad. 12 years old kami ng iwan ni mom, because of a car accident and now we are turning 20 ng kakambal kong si Matt.

Matt is way more serious than me. Mas nakakatakot sya kung titingnan, while me mas mabait ako kahit papano. I will easily kill kung sino man ang bumangga samin o sakin pero si Matt itorture nya muna ito bago patayin.

Our family is a very well known in the Mafia world. Lalo pang lumakas ang Montecillo Clan ng mawala ang mom. Dahil ito kay Dad na hindi na namin halos makasama dahil sa pag-mamanage nito sa Montecillo Clan.

At bilang mga tagapagmana ni Dad, ng company at ng aming clan pinupursige namin ni Matt ang pagpasok kahit na hindi ito ang gusto namin.

"Bro, Mike! Anong atin!" bati ni Peter. Isa sa mga kaibigan namin ni Matt at anak din ng isang Mafia boss.

"Balita ko marami daw bagong transferee bro, maybe we could play with some of them."

"Kaya sayo ko e, yang play mo na yan bro sigurado ko manlulumpo ka na naman ng nga baguhan dito or maybe iisa-isahan mo ang mga chikababes na bago!?"

"Yun nga ang plano bro! And in fact, matagal tagal na din ng huli akong makapagpalabas."

"Baliw, matagal ba yung kahapon lang naririnig kong nag uungulan kayo ni Christine yung one of the cheerleader ng school. Ayos ka din e no!"

"Wala ng maraming satsat alam kong iisa ka din bro, tara sama natin si Matt andon daw sya sa quarter natin."

Patungo kami ni Peter sa quarter ng aming grupo o mas magandang sabihin, sa tambayan namin. Exclusive lang ito mismo sa aming grupo kaya naman hindi nakakapasok ang kahit na sinong estudyante o maging mga guro ng paaralang ito.

Lahat ng madaanan naming mga estudyante ay kanya-kanyang tabi o gilid, alam na alam na nila ang patakaran ng paaralang ito. Basta Montecillo o kakilala dapat magbigay galang.

ASH'S POV

Montecillo University

Ngayon ang first day ng class ko bilang isang freshie dito sa Montecillo University, Education ang kinuha kong kurso dahil na din sa hilig ko sa pagtuturo at sa mga bata. Ang cute kasi nila kung pagmamasdan. And by the way ako nga pala si Ash De Silva -18 years old.

Tanging ang Inay ko na lang ang kasama ko sa buhay, dahil bata pa lamang ako ay pumanaw na ang aking Ama dahil sa sakit nitong Leukemia.

Ang malungkot pa nga dito ay hindi kami magkasama ni Inay dahil na din sa nagtatrabaho sya bilang kasambahay. Ako naman ay pansamantalang tumutuloy sa apartment na hinuhulugan ko buwan-buwan.

Mahirap ang buhay, kaya naman nag dodoble sipag ako, mag-aaral sa umaga at sa gabi naman ay magbabantay sa isang convenient store.

Dahil nga sa naninibago pa ko dito sa Montecillo University, maaga akong pumasok para na din kahit papaano ay malibot ko ang buong lugar na ito. Nakamamangha dahil dati sa dyaryo at telebisyon ko lamang ito nakikita ngayon dito na ko mag-aaral. Bunga ito ng sipag ko at ni mama, salamat na lang din at tinanggap akong scholar dito.

Hiling ko na sana ay mairaos ko ang pag-aaral ko dito sa Montecillo University ng maayos, gaya ng pinangako ko kay mama.



A.N Hello guys! At ito na nga po ang POV ni Mike at ni Ash para sa Chapter 1. Next Chapter makikilala na natin ang isa pa sa kambal na si Matt.

Enjoy Reading!

HAPI_JD

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon