Chapter 17

128 2 0
                                    

Vote, comment and please follow.

ASH'S POV

Amusement Park


Maaga kaming bumyahe ng kambal para sa pupuntahan naming Amusement Park sa Laguna. Si Mike ang nagmamaneho ngayon at nasa passenger seat naman kami ni Matt. I'm wearing my earphones now habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.

Sobrang excited ako ngayon dahil pang second time ko pa lang pumunta sa Amusement park at ngayon kasama ko pa ang kambal. Ang dami kong naiisip na sakyang rides at laruin na mga games.

Makaraan ang mahabang byahe ay sa wakas nakarating na din kami. Niyaya ko agad ang dalawa na magpa-picture sa malaking estatwa na nasa harapan ng park.

"Mike, Matt! tara let's take a picture here." masiglang sabi ko sa kambal.

Aba't tingnan mo ang mga ito, nakabusangot ang mga mukha.

"Bakit naman parang biyernes santo yang mga mukha nyo!?" tanong ko sa kanila.

"It's amusement park! And it's just for kids!" wika ni Matt.

"Kids ka dyan, pwede lahat dito no! Saka promise mag eenjoy tayo. Favorite ko kasi tong puntahan dati pa!" lungkut-lungkutan ko pang sabi.

Mukhang effective naman dahil napapayag ko silang magtake ng pictures at pumasok sa loob. Matapos kaming makapasok ay binigyan kami ng map na magsisilbi naming guide sa mga pupuntahan. Dinala ko agad sila sa pila ng Ekstreme Tower, dahil ito ang gusto kong una nilang masakyan. Hehe.

Nagpahila pa ang dalawa dahil ayaw na ayaw talaga nila sumakay hanggang sa napilit ko din sila pero may kondisyon pa ang mga loko.

"We will go on that ride or in any rides you want kitten, but in one condition!" sabi ni Mike.

"Oh! ano namang kondisyon yan!?"

"One kiss and one round! Syempre yung kiss ngayon namin kukunin yung round maybe later, tonight" pilyong sabi nito.

Naku po sabi na nga e! Puro hirit ang mga 'to.

"Osya sige deal! basta sa lahat sasama kayo ha!"

Napapayag ko na nag kambal at nakasay na kami sa Ekstreme Tower. Sobra-sobrang hingal ang inabot ko samantalang ang dalawa ay parang wala lang nangyari.

"Huhu! Nakakatakot talaga sakyan yang Ekstreme Tower, feeling ko naiwan kaluluwa ko sa taas!" sabi ko sa kambal habang hinihingal pa.

"You okay sweetheart? Akala ko ba kaya mo!? tapang tapangan ka pala e!" mapang asar na sabi ni Matt habang hinahawi ang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko. Ang sweet!

Nagpahinga lang kami saglit at sunod-sunod na pinuntuhan ang iba pang mga rides tulad ng Space Shuttle, Air race, at ang Flying fiesta na halos ako lang ang sumakay dahil ayaw ng dalawa.

Hindi na din namin nasakyan ang mga rides na mababasa kami ng tubig. Kumain muna kami saglit at habang papunta sa Skill Games ay mas lalo kong napapansin ang mga taong pinagtitinginan kami.

"Omy! Sino kaya sila!? mukhang mga artista!"

"Ang Po-pogi naman nila!"

Naramdaman ko na lang ang pag-akbay sakin ni Matt at ang paghawak ni Mike sa bewang ko habang naglalakad kami. Masyadong PDA ang mga ito, pero nakakakilig. Sino ba naman ang hindi mapapalingon e ang popogi ng dalawang kasama ko. And take note, akin na ang mga ito. Hehe.

Tinuro ko sa kanila yung game na makakakuha ng teddy bear dahil gustong gusto ko talaga non. Sobrang laki ng bear. Sa laro na pinuntahan namin ang kailangan lang ay mashoot ang maliit na ring sa bote na ang tawag daw ay "Ring Toss". Ako ang unang nagtry at nakakailang subok na ko ay wala pa ding nasushoot miski isa.

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon