CHAPTER 7

805 33 1
                                    

Zashi's POV

Lumapag ang eroplano sa bansa kung saan ko unti unting bubuoin ang plano ko. May sumundo sa amin sa airport at ngayon ay papunta na kami sa bahay kung saan kami pansamantalang titira ni Pau.

May iilang kasambahay doon siguro mga nasa dalawa o tatlo dahil second floor lang naman iyon. Sinabi ko rin kay Atty. Roxas na huwag masyadong mag-lagay ng mga kasambahay.

Nang makarating kami ay naupo lang ako sa couch at hinintay si Paula na matapos sa paglalagay ng gamit niya. Magpa-patulong akong ilagay ang mga gamit ko dahil yun lang ang naisip kong plano kung paano ko siya makaka-usap.

"Zash. I'm done!" sigaw niya sa akin mula sa taas. Sumunod na ako sa kaniya papunta sa kwarto ko.

Nang patapos na kaming ilagay ang mga gamit ay pinatong ko ang tuwalya sa kama saka pumunta sa cr. Naghintay ako ng tatlong minuto bago tawagin si Paula.

"Pau! Yung tuwalya ko naiwan paki-abot!" rinig ko ang hakbang ng mga paa niya na palapit sa cr.

"Here." I purposely grab Pau's hand para maka-pasok siya sa banyo. 

"What the hell?!" wala akong tinanggal na saplot sa katawan ko dahil ito lang ang paraan para makapag-usap kami.

"Shhh!" Inilagay ko ang hintuturo ko sa bibig niya para patahimikin siya.

"Moan." ani ko sa kaniya na walang lumalabas na kahit anong sounds na manggagaling sa bibig ko. Tinaasan niya ako ng kilay habang naka-kunot ang noo niya. Pinag-dikit ko ang dalawang palad ko para pumayag siya.

"Mmm—ahh! Ahhh Zash!" Yumuko ako sa  ilalim ng salamin kung saan ako mag-hihilamos at mag-sisipilyo. Hindi ko makita kung nasaan ang pulang ilaw kaya kinailangan ko pang humiga sa sahig.

Great! Naging kulay green nga ang ilaw na hindi masyadong makikita dahil mahina at nakasiksik iyon.

Hinila ko siya sa bath tub na wala pang laman.

"We only have ten minutes to talk. First, we cannot talk outside dahil napapalibutan ng camera ang kwarto ko. Dito sa cr ay may audio recording device na nasa ilalim no'n. Tinuro ko kung saan ko 'yon tinignan. Sa kwarto mo ay puro recording device lang kaya you don't have to worry.

"So, para saan yung ungol na yon?"

"Madede-activate ang system pag nakarinig sila ng moan. Hindi ko pwedeng gawin yon dahil kilala na ng system na 'yan ang boses ko. Sa mansion din ay mas maraming nakalagay na recording device at hindi lang 'yon kahit ang mga katulong doon maliban kay Manang Yen ay kasabwat nila. Binabayaran sila para bantayan ang mga kilos ko o kahit anong sasabihin ko o pag-uusapan natin."

"Wait, what?"

"Uncle Mack has a plan. Hindi ko alam kung ano yun pero narinig ko silang nag-uusap. Lahat ng mga sasabihin ko o mga plano ko ay kailangan niyang marinig kaya niya pinalagay ang mga 'yan. Mabuti nalang at may natira pang katinuan sa utak niya para iwasan na marinig o makita ang mga maselan na bagay na mangyayari dito sa loob kahit wala naman."

"Naguguluhan ako pero bakit parang bumabalik sa katinuan 'yang utak mo?"

"I'm just pretending Pau."

"Huh?"

"Nilalagyan nila ng gamot ang kinakain ko. Within five months ay magkakaroon ako ng sakit sa pag-iisip. Kaya hindi ako makakain ng maayos sa bahay. I have to pretend na kinakain ko yung pag-kain pero niluluwa ko iyon. Mabuti nalang at walang camera doon. Kailangan nilang makita na tumatalab ang gamot. Kung sakaling sa akin mapupunta ang mana ni lolo ay si uncle lang, ang kaisa-isang maaaring humawak ng lahat ng meron ako. May hinanda din siyang papeles na papapirmahan niya sakin sa oras na magkaroon ako ng sakit, katibayan iyon na pinahihintulutan ko siyang gamitin ang mga kayamanan na meron ako." napatango si Pau sa sinabi ko. Sa tingin ko ay naintindihan niya na ang sitwasyon.

"Napaka-sakim talaga ng uncle mo. Kaya pala pinipilit ka niyang sa ibang bansa nalang mag-aral."

"Pero pabor din ako do'n. Mas malalaman ko ang nangyari kay Ate kung makukuha ko ang mana. Sinisigurado kong babalikan ko sila." I gritted my teeth. Ramdam na ramdam ko ang init at galit na dumadaloy sa dugo ko.

"Zash, I don't think that's a good idea."

"No one can stop me Pau. Kinuha nila lahat sakin. Masyado nilang pinahirapan si Ate."

"How if buhay pa si Ate Celeste?" Napatingin ako kay Pau dahil sa sinabi niya sakin.

"What do you mean?"

"Five days ago, nung natulog ka sa bahay. Nakatanggap ako ng tawag. Kaboses na kaboses niya si Ate. Nagpakilala siya bilang si Ate Celeste at tingin ko ay humihingi siya ng tulong pero hindi natuloy ang sasabihin niya." napatayo ako dahil sa sinabi ni Pau.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" galit kong sabi sa kaniya. Paano kung totoo iyon? Paano kung buhay si Ate at kailangan niya ng tulong?!

"Hindi ko sinabi dahil sa kalagayan mo."

"Kahit na. Kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Sigurado akong may kinalaman dito si Mrs. Cruz."

"Zash, nandito na tayo. Ikaw na ang may sabi na kailangan mong makuha ang mana ng lolo mo. Paano mo makukuha kung uuwi ka?" napa-isip ako sa sinabi niya. Pero paano kung wala ng oras?

Nag-isip ako kung paano mapapabilis ang pag-uwi ko. I called Atty. Roxas to request a new house without a maid.

"Attorney please secure the house. Hindi ako komportable sa bahay na ito at isa pa ay ma-attitude ang kasambahay na pinadala niyo." tama lang din naman ang sinabi ko dahil ni hindi man lang sila nito tinulungan kanina.

"Kung gusto niyo ay magpapadala ulit ako ng bago." suhestiyon nito.

"Hindi na po. We can do the household chores."

"Oh sige."

"Ahh siya nga po pala. Naalala ko lang yung personal assistant ni Lolo diba po dito sila lumipat?"

"Oo, bakit?"

"Is she available? Gusto ko sana siyang i-request as my lady guard."

"Tamang tama, naghahanap din siya ng trabaho ngayon. Bukas na bukas din ay papupuntahin ko siya riyan."

"Sige po."

"Sandali lang huwag mong papatayin." Tumingin ako kay Pau na kanina pa tingin ng tingin sa paligid namin. Nandito kami sa isang sikat na restaurant. Naghihintay na makabalik si Atty. Roxas sa linya.

"Zashini, I have a good and bad news for you."

"What is it?"

"The good news is isasama nila kayo sa advanced level. Makakagraduate kayo sa loob ng apat na buwan pero kung gusto niyo ng mas madali ay kailangan niyong mag-take ng exams ng mas maaga pero kapag hindi kayo nakapasa isasama nila kayo sa normal level kung saan 9 months bago kayo maka-graduate. The bad news is isa nalang ang slot para sa gustong mag-advance ng exam."

"I get it pero akala ko 4 months ang minimum?"

"Yes, mag-aadvance ka lang ng exam at lalabas ang result ng mas maaga. Pero kasabay niyo parin na gagraduate ang advanced level kahit makapasa kayo."

"Paanong naging good news yon, Attorney?"

"Sa oras na makapasa ka ay pwede ng basahin ang will habang hinihintay ang graduation mo. Pwede kang umuwi ng Pilipinas at bumalik nalang. Pero ayos lang ba sa inyo kung maiiwan si Paula? Isa nalang ang slot, isa sa inyo ang kailangan mag-sacrifice." napa-isip ako doon. Sinamahan ako ni Pau pero iiwan ko lang siya rito?

"It's okay. Mas marami siyang kailangan intindihin at ayusin. Kaya ko naman maiwan dito saka isang buwan lang naman 'yon. At hindi kaya ng IQ ko na i-advance ang exam." Mas lalo akong kinakabahan dahil doon. Paano  kung hindi ako makapasa? Mas tatagal ako dito.

"Zash, you can do it. Ito lang ang paraan para makauwi ka ng mas maaga."

Tama, ito nalang ang paraan para malaman ko ng mas maaga ang nangyari kay Ate.

"Thank you!"

TBC....

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon