CHAPTER 34

767 34 1
                                    

Celeste's POV

One week ago after, I moved out to Zashi's house. May sarili akong kwarto at siya ang nag-handa no'n. Isa daw yun sa parte ng panliligaw, ang i-respeto ako. Hinahatid niya ako sa trabaho pero magka-ibang kotse ang gamit namin. Dinadalhan niya ako ng pagkain at sinusundo.

Nandito kami ngayon kaharap si Atty. Roxas, may gusto daw siyang sabihin sa amin.

"Celeste, we finally meet each other again. It has been a long time." dinaluhan ako nito ng ngiti at kinamayan ako. Si Zashi naman ay masama ang tingin. Sinenyasan ko siya na ayusin ang mukha niya na 'di maipinta.

"Have we met? You look familiar." Parang nag-kita na kami noon pero hindi ko alam kung saan.

"Yes, we bumped to each other at the Lavinia Cafe and you spilled a coffee on my suit. I was in hurry that day and I have an appointment with Sir Federico."

"Ahh...yeah. I remember now." Umupo na ulit ako.

"I invited you two kasi may hindi pa 'ko binabasa sa Testament. Hindi kita mahanap ng maka-uwi si Zashi. May iniwan si Sir Federico sa'yo para magamit mo ito. At bilang pang-bawi na rin sa pagkamatay ng Mama mo."

"Sir, hindi nila 'yon kasalanan."

"Ito ang unang testament na ginawa niya. Pinamana niya sa'yo ang pera na iniwan niya at nagkaka-halaga ito ng six hundred million pesos." napanganga ako sa sinabi nito.

"S-six hundred million?! Naku! Baka nagkakamali ka. Hindi naman kami magkakilala para pamanahan niya ako ng ganyan kalaki." bakas din ang gulat sa mukha ni Zashi.

"Calm down, Miss Ruiz. Ginawa niya ito ten years ago. Ito ang gusto ni Sir Federico dahil parang apo na rin ang turing niya sa'yo." hindi pa rin ako nakakabawi sa pagka-bigla. Parang biglang lumipad ang isip ko dahil hindi pa 'ko nakahawak ng gano'n kalaking pera.

"Wala namang masama kung tatanggapin mo. Para sayo talaga 'yan." ani ni Zashi. Napa-isip ako dahil kahit kailan hindi ko hinangad na yumaman.

Pero may mas maganda naman akong pwedeng paggamitan ng pera tulad ng pagtatayo ng negosyo para makatulong sa mga tao hindi ba?

Kagaya ng naiisip ko na arcade games mas mapapalaki ko 'yun. But I have to use the money wisely.

Umalis kaming lumilipad ang isip ko. Si Zashi naman ay tawa ng tawa. May mga sinasabi siya pero hindi ko iyon pinapansin.

"Nakwento ito sa akin ni Lolo noon. Dapat nga tig-thirty percent tayo sa namana ko, ang hirap kaya mag-manage. Pero okay lang para sa future kids din naman natin yon." bumalik ako sa huwisyo dahil sa sinabi niya.

"Hoy!...Hoy! Anong future kids? Hindi pa nga kita sinasagot." Pero ilang taon nalang dadating na ako sa punto na bubuo ako ng pamilya.

"Kahit na doon din ang punta no'n." abot hanggang tenga ang ngiti nito. Lumalabas din ang dimple niya.

Napansin kong hindi ito ang daan pauwi. Sa tuwing may free time kami kung saan saan niya ko tinatangay. Naidlip ako dahil hindi naman niya sasabihin kung saan kami pupunta.

Paggising ko ay huminto na ang kotse. Nandito kami ngayon sa isang lugar kung saan maraming puno at bukid na matatanaw. Karamihan sa bahay ay gawa lang sa ply wood at yero. Hindi din ito kalakihan at ang mga bata ay nakasuot ng mga lumang damit.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makababa ako ay may lumapit na batang babae sa'kin.

"Baka naman pinaglilihian mo na yan." ani ni Zashi na nagbababa ng kahon mula sa apartment ng sasakyan. Sinamaan ko siya ng tingin at binuhat ang bata.

"Ano yan?" kaya pala busy siya nitong mga nakaraang araw.

"Bagong damit, laruan, candies at chocolate para sa mga bata." ngayon ko lang siya nakitang namimigay ng ganito. Ang dami ko pa talagang hindi alam sa kaniya.

Napatingin ako sa dumating na dalawang truck.

"Ma'am, saan po ilalagay?" tanong ng truck driver kay Zashi.

"Doon po kuya. Pakiayos nalang yung madaling kuhanin." Itinuro niya ang isang tent na color red. Naroon ang buong barkada niya.

Napanganga ako sa dami ng ibinababa nila. Mga bigas, noodles, delata at iba pa. Nakalagay na ang mga ito sa eco bag.

"Zashini!" tawag sa kaniya ng ginang na may katandaan na.

"La, diyan nalang po kayo ako na po ang pupunta diyan." may binaba siyang isang wheel chair saka binuhat iyon palapit sa matanda.

Ako naman ay nakasunod lang habang nilalaro ang cute na bata na 'to. Nagmano kami at hinaplos pa nito ang mukha ko.

"Kay gandang bata. Anong pangalan mo hija?" ani nito sakin.

"Salamat po. Ako po si Celeste."

"Asawa ko yan La." natawa naman si Lola dahil sa sinabi niya. Masyado siyang advance paano kung hindi ko siya sagutin diba?

Tinulungan ito ni Zashi na umupo sa wheel chair at dinala sa tent. Lumalapit sa amin ang mga bata. Ang magkakaibigan ay walang kaarte arteng niyayakap ang mga ito kahit pa madudungis sila. Ganon din ako.

Pinapila na niya ang mga bata. Malapad ang ngiti nila habang tinatanggap ang eco bag na may lamang limang pares na damit, dalawang sapatos, laruan at chocolates.

Naka-focus ako sa pagpapamigay ng yakapin ako ni Zashi mula sa likod.

"Ayieeeee!" Sigaw ng mga bata. Kinurot ko si Zashi sa tagliran niya. Hanggang dito ba naman ang harot harot niya. "Kayo po siguro yung kinukwento ni Ate samin noong nakaraang buwan." Nagtatanong ang mga mata kong tumingin kay Zashi.

"Binisita ko sila pagkatapos nung araw na umalis ka papuntang US." Napatango lang ako.

Dahil dito mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Maraming mayayaman na sakim sa pera kagaya nalang ng uncle niya at ni Lita. Pero siya, hindi niya binibilang ang mga nabibigay niya.

Nang matapos na ang mga bata ay sumunod na ang mga nanay at tatay nito para sa bigas at   grocery. Halos lahat sila ay kilala si Zashi na parang isa itong politician.

"Sabihin mo nga sa'kin. Tatakbo ka bang mayor?"

"Governor hahaha! Pero hindi. Lagi akong dinadala ni Lolo sa lugar na 'to at sa iba pa. Madalas ay feeding program. "

"Ang bait talaga ng pamilya niyo." Ngumiti siya sakin at bumalik na kami sa pamimigay.

Nang matapos ay pumunta pa kami sa dulo. Sinakay nalang namin sa kariton ng kalabaw ang mga dala namin. Sumakay din kami doon at ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin. Nakikita ko ang simpleng buhay nila pero masaya.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon