Zashi's POV
"Is that true?!" Pilit niya akong hinawi. Hindi ako maka-tingin ng diretso dahil sa nagawa ko.
"Zashi...answer me!" Mas lalong tumaas ang tensyon sa pagitan naming dalawa habang ang mga kasama namin ay naka-upo, naka-sandal sa pader, at palakad lakad dahil hindi mapakali.
God, what I have done?...I thought it'll be good for us if I keep it with myself.
"Ginawa mo nga. Nakikita mo ba yung nangyari dahil sa lintik mong desisyon?!"
"Anak, tama na." Pagpigil ni Mama habang hawak ang braso ni Celeste.
"Ma, hindi. Kailangan naming mag-usap."
"P-patawarin mo ako. Hi-hindi...w-wala akong a-alam na n-nakatakas siya s-sa pinagkulungan n-namin sa k-kanya."
Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napatayo silang lahat dahil doon.
"Tignan mo si Paula! Si Fhey! Si Nicole! Tignan mo silang tatlo! Ngayon, sabihin mo sa'kin na wala kang alam." Pilit siyang inaawat ni Mama pero nagpupumiglas pa rin siya.
Paulit ulit niya akong tinutulak para tignan ang lagay ni Paula na nasa ER, walang malay at puro saksak ang katawan. Si Ate Fhey at Nicole ah nasa OR pa rin dahil sa mga balang tinamo nila sa katawan. Maayos ko silang iniwan doon para ayusin ang mga susunod na gagawin namin sa lunes sa kabilang bahagi ng isla. May kalayuan ito at hindi ako naka-uwi agad dulot ng malakas na ulan, kailangan pa namin sumakay sa bangka. Basang basa pa akong tumakbo patungo sa hospital kung saan sila isinugod.
Akala ko ay tapos at maayos na ang lahat. Kung sino man ang tumulong kay Uncle para makawala siya ay siguradong magbabayad siya!
"Ano?! Hindi ka makasagot? Zashi...alam mo kung ano ang ginawa ng Uncle mo samin! Saksi ka sa lahat ng yun..."
Parang dinudurog ang puso ko dahil sa mga hikbi na namamayani sa buong paligid. Hindi ko magawang tignan si Paula. Ang tànga ko! Kung hinayaan ko nalang sana siya na mamàtay noon, hindi sana mangyayari ito!
Apat na buwan na mula ng hatulan si Uncle ng kamàtayan. Buong akala ng lahat ay namatay siya sa silyà-elektrika, pero hindi.
"Kuya Evren, pumapayag na ako."
Kaharap ko si Kuya sa office ko. Pabalik balik ako sa paglakad at hindi ako mapakali. Tama ba ito?
"Zashini, sisiguraduhin kong mataas ang seguridad kung saan natin siya ikukulong."
"Kuya, siguraduhin mong walang makakaalam nito. Huwag na huwag mong ipapaalam kay Uncle na tayo ang nagdala sa kanya doon."
Bago bîtayin si Uncle ay ipinagbawal namin ang mga press conference. Lahat sila ay naka-abang sa labas at naghihintay na ilabas ang bangkay niya. Tinabingan ako ni Kuya Evren at Kiya Kino para maayos akong makapunta sa harap. Si Uncle ang pinaka-huling isasalang sa silyà-elektrika. Palalabasin lang namin na si Uncle ang bãngkay na nakuha lang namin sa isang punerarya.
Sinenyasan kami ng pulis na kinausap ni Kuya para tumungi doon sa security room.
"Siguraduhin niyo na hindi ako sasabit rito. Tanggalin niyo ang kahit anong magtuturo sa akin na ako ang nagpakulong sa kanya rito."
May isang tunnel sa bilibid kung saan sila dumadaan para dalhin ang preso na nabigyan ng pagkakataon upang mabuhay pero sa loob lang ng kulungan sa ilalim ng lupa. Tanging ang may mga mataas na katungkulan lang ang gumagawa no'n. Doon pagsisisihan ng mga preso ang mga ginawa nila hanggang sa dumating ang oras ng kamatayan nila.
Nakita siya roon. Alam ko kung gaano ka-secure ang lugar na iyon dahil ako mismo ay pumasok din. Pero paano siya nakalabas?
Bumalik ako sa huwisyo ng ibato niya sa akin ang promise ring na kapares ng nakasuot sa akin. Nagka-sundo kami noon na hindi namin iyon huhubarin at sa oras na hubarin namin ay wala na kami at malabo ng bumalik kami sa dati.
"Hindi na namin kailangan ng explanation mula sa'yo. Nangako ka sa'kin, Zashi. Nangako ka na hindi na ito mauulit...na sisiguraduhin mo ang kamãtayan niya kahit pa Uncle mo siya. Lunukin mo yung pangako mong napako! Dahil sa bwisit na pangako mo na 'yan, nakaratay ang mga taong laging nasa likod at handang sumalo satin!"
Sunod sunod pang umagos ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya na lumakad palayo sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdamang sumigid ang kirot doon.
"Zashi!" ang huling narinig ko bago ako bumagsak sa sahig.
Pagmulat ng mata ko ay nasa isang kwarto na ako dito sa hospital at tintignan ng doctor. Hinanap ng mga mata ko si Celeste pero wala siya dito, wala rin si Mama. Ang tanging nandito kang ay ang iba kong kaibigan.
"Ms. Pallan, kailangan niyo po munang magpahinga. Mas makabubuti kung hindi kayo lalabas ng kwartong ito at huwag mag-isip ng kung anu-ano para hindi ka ma-stress."
Tipid akong ngumiti at nagpasalamat sa doctor. Grabe nga naman yung buhay sa'kin. Bakit lagi nalang ako yung kailangan mawalan?! Akala ko tama lang ang desisyon, pero ngayong patay na si Uncle sisiguruhin ko pa rin na magbabayad ang tumulong sa kanya...
TBC..
Hala sorry po akala ko na publish ko na lahat hindi pala😭 kaya pala kulang kulang tas andaming nag tataka dun sa last chap na nai publish ko na nasa end na agad kaya ginawa ko dinelete ko ulit yun tas e pupublish ko na po ulit lahat huhuhu sorry po ulit.😭😅
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
عاطفيةDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...