CHAPTER 48

521 25 1
                                    

Zashi's POV

Nakaramdam ako ng kaba habang palapit ako sa gate at nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko kung sino iyon.

"Geno?!" salubong ko rito dahil ngayon lang kami nag-kita sa personal. At nakakagulat dahil nandito siya ng walang pasabi.

Si Geno—my girlfriend's half brother.

"Ate Zashi." malapad ang ngiti nito bago ako salubungin.

Sinenyasan ko ang guard na ipasok ang dala nitong maleta.

"Why didn't you tell us that you're coming?" nakipag-beso beso ako at iginiya siya.

"I wanna surprise you two. And I know how dangerous for you to go outside." Napakunot ang noo ka sa sinasabi nito. "Ahm...dad told me."

"Ahh." Napatango nalang ako at ibinaling ang tingin ko kay Celeste na nagulat pa ng makita si Geno na agad ding nakabawi. She gracefully waved her hand to Geno.

They hugged each other ng makalapit kami.

"Hindi mo man lang ako sinabihan."

"Sorry." maikling sagot nito at kumalas sa pagkakayap.

Nagpaalam na kami na aalis na. Nang makasakay ako ay mabilis na umandar ang kotse. Kinapa ko ang bulsa ko para sana kunin ang phone ko pero wala ito doon. Tinignan ko din ang duffel bag na dala ko.

Sh-t! Naiwan ko sa bahay...

"Is there something wrong?" tanong sa akin ni Ate Niesel. Napansin niya yata.

"Ahh. I just forgot my phone."

"Don't worry you can borrow mine." kinuha niya sa bulsa niya pero hindi ko muna tinanggap. Mamaya nalang pag nagkaroon ng problema.

Sa buong byahe ay pinag-uusapan namin ang mga maaaring mangyari at ang solusyon kung magka-problema.

Hanggang sa makarating kami sa harap ng mansyon. Kusang bumukas ang gate para sa amin at sa tingin ko ay inaabangan na nila kami.

Pag-apak ng paa ko sa sahig ng harapan ng mansyon ay hindi na kagaya ng dati. Pakiramdam ko ay parang wala nalang itong bahay na ito kahit na madaming alaala ang naiwan dito.

Napalingon ako sa isang lion statue na may nakalagay pang danger sign. Hindi ko maiwasang malungkot sa isiping doon namatay si Ate Pina.

Napukaw ang atensyon ko ng tawagin ako ng isang tao na kinamumuhian ko.

Uncle...

"My dear niece!" He was about to hug me but I took a step back.

"Where's your hostages? I already have what you wanted. Ilabas mo sila." Ma-awtoridad kong sabi.

He pat my shoulder. Argh! so irritating...

"Masyado ka namang nag-mamadali. Why don't you get in first?" tinawag pa niya ang kasambahay para asikasuhin ako at ipagtimpla ng juice.

"Nope. Ito lang naman ang pinunta ko rito. Saka baka may lason pa yan." hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-tagis ng bagang nito. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng mansyon.

Ang daming nag-bago. Ang dating maaliwalas at maliwanag na kulay ay naging madilim. Wala na rin masyadong halaman at puro statue ng mga ahas, leon, dragon at kung ano ano pa.

Creepy...

"Makukuha mo lang 'to kung ilalabas mo sila at hahayaang umalis." Ini-angat ko pa ang attache case na dala ko. Bakas sa mukha niya ang saya at mabilis na tinawag ang mga alipores niya.

Hinanap ng mata ko si Lita pero mukhang wala ito rito. Hindi ako nag-tangkang pumasok dahil mas ligtas ako rito.

Sumandal ako sa hood ng sasakyan habang hinihintay na dumating ang inutusan niya. Salita siya ng salita pero wala aking ganang pakinggan iyon. Nilibot ko ulit ang paningin ko ng may makita akong krus sa 'di kalayuan.

Gawa lang ito sa kahoy at nakatali. Naka-umbok din ang lupa na ikina-kunot ng noo ko. Lalapitan ko na sana ito ng tawagin ako ni Uncle.

"Heto na sila. Ibigay mo na sa'kin 'yan." nakangising ani nito. Pero hindi ako tanga.

"Nope. I won't give this to you. Not unless you let them get in to the car. Gusto kong maka-alis muna sila rito ng walang kahit anong haharang."

Nawala ang ngisi nito.

"You're a b-tch! Sige na pakawalan niyo na yan." Sinundan ko ng tingin ang mga ito hanggang sa makasakay sa itim na van kung saan lumipat si Ate.

Lumapit sa'kin si Kuya Evren na ipinag-taka ko.

"Where's Niesel?" He whispered it into my ears.

"Hindi ba lumipat siya kanina?" balik na tanong ko dahil hindi ko siya napansin.
Napailing si Kuya Evren at luminga linga.

"Hindi bale si Carlo nalang ang sasama sa kanila. Kailangan na nilang maka-alis." Tumango ako at humarap kay Uncle na nakatingin sa amin.

Pag-alis ng van ay ihinagis ko sa harap niya ang attache case. Tinignan niya isa isa ang papeles bago tumayo at humakbang paatras.

"At dahil pamangkin kita. Hahayaan ko kayong maka-alis ng maayos. Sayo na ang mansion at hindi ko kayo guguluhin basta tuparin mo ang pangako mo."

Walang emosyon akong tumango at humakbang na din paatras. Hindi ko pinahalata na nagmamasid ako sa paligid.
Pag-sakay ko sa van ay sinabihan ko ang driver na paandarin na.

"Sandali! Nasaan si Niesel?" isinara na ni kuya ang pinto para hindi nila kami marinig.

"Ang usapan lilipat siya sa kabilang van para samahan sila, hindi ba?" Tumango ito at inilibot tingin habang nakasara ang mga pinto at bintana ng sasakyan.

"Uno si Niesel, saan siya nagpunta kaninang bumaba?" tanong nito sa driver na lumingon sa amin.

"Hindi ko po alam. Iniwan niya lang po sa'kin ito." ini-abot niya ang phone ni Ate Niesel sa'kin. Nagtatakang binuksan ko ito. May password pero nabuksan ito gamit ang face recognition.

Sh-t!

Nakaramdam ako ng kaba dahil baka kung anong mangyari sa kanya! Kailangan naming bumaba.

"Kuya. Nasa loob si Ate!" akmang bababa na ako ng pigilan ako ni Kuya.

"You can't just go inside and find her!"

"Pero baka mapahamak siya." bababa sana ulit ako ng pigian niya ulit ako.

"Hindi ko alam kung bakit siya umalis pero tignan mo." Itinuro nito ang screen ng phone. Lumalakad si Ate dahil gumagalaw ang camera. "Kailangan muna nating masiguro na ligtas ang lahat bago tayo bumuo ng plano. Kilala ko siya may mission siya para sa sarili niya. Ang kailangan lang natin ay iligtas siya pagkatapos niyang magawa iyon.

Nang umandar ang sasakyan ay nakalingon parin ako. Baka sakaling humabol siya samin pero hanggang sa maka-uwi kami ng bahay habang pinapanood ang ginagawa niya."

Nagkakabit siya ng camera at recording device sa mga sulok ng mansion. Nawalan na kami ng signal dahil malayo na kami at kung babalik kami ay siguradong lilikha iyon ng gulo.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon