Celeste's POV
Mabuti nalang at isang araw lang ang tinagal ng lagnat niya. Hindi ko siya hinayaang pumasok kahapon dahil baka mabinat siya.
Ngayon ay maayos naman na.Gusto namin puntahan bukas yung dating bahay namin na nasunog. Plano namin na ibenta na ang lupa na 'yon pero parang hindi ko yata kaya. Iyon ang kauna unahang bagay na naipundar ko sa buhay ko. Saka nalang siguro kapag sigurado ng hindi mag-iiba ang ihip ng hangin.
"Babe, bisitahin kaya natin sila Tito sa US?" suhestiyon niya habang nagda-drive.
"Sure but when?" Pareho kasing busy ang schedule namin this month.
"Next month?"
"Okay, sasabihin ko kay Dad. Siguradong matutuwa sila. Gusto ka nilang makilala noon pa."
"But how if against si Tito?" Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. She seem bothered.
"I'm independent and Dad always support me sa kahit anong gusto ko. At ikaw, gusto kita." nakita kong namula ang pisngi niya dahil doon.
"I'm not prepared." tumawa lang ako.
Ibinaba niya lang ako sa company ko kung saan naroon ang kotse ko. Pareho kaming may pasok kaya kailangan muna namin maghiwalay.
"Bye! I love you!" I kissed her lips.
"I love you too! Ingat sa pagda-drive."
Mamaya ko balak kausapin si Fhey. Pakiramdam ko talaga ay may mali. Napapabayaan na niya ang trabaho niya. Yung mga dapat niyang gawin ay minsan ako na ang tumatapos.
"Fhey, bakit parang pumapayat ka?" pansin ko sa kaniya. Parang hindi na siya natutulog dahil sa dark circles sa ilalim ng mata niya.
"Ahh hindi. Nagda-diet kasi ako." Hindi nalang ako nag-tanong pa.
Umalis na siya sa harap ko at ako naman ay humarap na ulit sa ginagawa ko. Tumunog ang phone ko, hindi ko sana papansinin ng makita ko kung sino iyon.
"Babe, I miss you!" ani nito na nakabusangot pa. Napangiti ako dahil doon. Isinandal ko ang phone sa tasa para habang nagtatype ako ay kausap ko siya.
"I miss you too!"
Nag-angat ako ng tingin ng makarinig ako ng katok.
"Come in!" Hinintay ko itong makapasok. "What is it?"
"Ma'am kasi po." She seem bothered. I can see some bad news in her face.
"Bakit?" napakunot ang noo ko. Ito kasi ang humahawak sa mga sales ng company.
"Ma'am yung funds po ng company."
"What about the funds?" Nakikinig lang samin si Zashi. Hindi siya nagsasalita.
"N-nawawala po." nakayukong sabi nito.
"What?!!! Paanong nawala?!" Napatayo ako dahil doon.
"H-hindi ko din po alam. Nung tignan po namin sa account wala na." Napahilot ako sa sentido ko.
"Paulit ulit niyo bang chineck?" I tried to calm myself.
"Maraming beses na po. Pero wala po talaga."
"Don't tell anyone about this. You may go now." Nanghihina akong umupo sa swivel chair.
Nagpaalam na ako kay Zashi. Sa bahay nalang kami mag-uusap mamaya. Naintindihan naman niya dahil sa ngayon ay hiwalay ang trabaho namin sa ganitong bagay.
I decided to go home not to finish my paper works there but to make an excuse para pumunta si Fhey sa bahay. I have a bad feeling. Ang department, ako at si Fhey lang ang maaaring makagalaw no'n.
I'm sorry Fhey but we have to talk...
Nasa kalagitnaan ako ng biyahe ng may matanaw ako na matandang lalaki na nagtutulak ng kariton. Wala namang masyadong dumadaan. Nagkaka-laglag ang mga laman ng kariton kaya bumaba muna ako para tulungan ito.
"Tay tulungan ko na ho kayo. Pinulot ko isa isa ang mga prutas na dala nito. Tingin ko ay wala din itong tirahan dahil wasak wasak ang mga damit niya. Nang matapos ay nakatawid na ito. Kinawayan niya ako at nag-pasalamat.
Babalik na sana ako sa kotse ko ng may mapansin akong mga naka-mask na nakatayo sa pinto at ang isa ay nasa loob. Anong ginagawa nila sa kotse ko?!
Lumakad na ako palayo para tumakas dahil hindi maganda ang kutobko. Bigla nalang akong sigawan ako nito.
"Hoy! Saan ka pupunta?!" Tumatawa pa ang mga ito. Kinakain ako ng takot dahil naiwan ko din ang phone ko sa kotse. Kumaripas ako ng takbo ako at naghanap ng pwedeng taguan.
Diyos ko iligtas niyo po ako!
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa matapilok ako. Hinubad ko ang sapatos ko at iniwan ito doon. Nag-tago ako sa talahiban.
Sana hindi nila ako mahuli...
"Hindi mo kami matataguan! Lumabas ka na diyan. Halika na miss, sumama ka na samin."
Nakita ko itong may hawak na baril.Napapikit ako ng ikasa nito ang baril na hawak niya.
Holy mother of god, protect me from these people! Please!
Niyakap ko ang sarili ko at nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko.
Zashi help me!
Tawag ko sa kaniya sa isip ko umaasa na baka bigla siyang dumating para iligtas ako.
Tumingin ako sa paligid at tumingin kung may dadaan. Nakita ko ang matandang lalaki na tinulungan ko kanina. Kausap nito ang lalaking naka-mask sa kotse ko. May ini-abot itong pera.
They trapped me?!
Tumingin tingin ako sa paligid habang paikot ikot ang tatlong lalaki na humahanap sa'kin. May dumating pa na mga naka-motor.
"Nahanap niyo?!" sigaw nito bago bumaba. Naka-helmet ito at ng tanggalin niya iyon ay nagulat ako. Mas nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko.
Elmo?!
"Hindi pa bossing. Huwag kang mag-alala nandiyan lang 'yon. Mahahanap namin siya."
Anong pakay niya sa'kin?
Akala ko tuluyan na siyang mabubura sa landas ko. Nawiwindang ako sa nangyayari.
Bakit ba kasi umalis agad ako ng mag-isa?
Naiiyak ako sa takot. Niyakap ko ang sarili ko at nag-dasal ng paulit ulit. Nakadukdok lang ako ng may marinig akong kaluskos mula sa likod ko.
"Huli ka!" napatayo ako at yakap ang sarili ko. Tatakbo na sana 'ko ng harangin ako ng mga nasa likod ko.
"A-anong kailangan niyo sa'kin?!" Hindi nila ako sinagot at tuloy sila sa pag-tawa.
"Hi! My dear Celeste." Nakangisi itong lumapit sa'kin habang hawak ang isang syringe.
"N-no! P-please! Elmo don't do this!" I'm begging for him to stop but he didn't listen to me.
Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa mag-kabilang braso ko. Naramdaman ko nalang na tumusok sakin ang karayom.
"E-Elmo let m-me go!" Nanghihina na ang katawan ko. Parang hinigop ang lakas ko at ang huling salita na lumabas sa bibig ko ay ang pangalan niya.
"Zashi..."
TBC...
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
RomanceDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...