Celeste's POV
Pinalis ko ang luha ko habang tinitignan sa bilog na salamin ang mga labi ko na nagingitim. Hanggang ngayon ay wala parin kaming balita kay Zashi.
We have less than two weeks left para makahanap ng ibang solution.
Napukaw ang atensyon ko ng tawagin ako ni Pau. Nasa pinto siya na bahagyang nakabukas at hawak ang doorknob. Si Pau ang nagbabantay sa'kin ngayon. Ang ibang kaibigan nila ay umuwi na at sila Daddy naman ay naghahanap ng pwedeng makatulong samin.
"Ate. May bisita ka." walang emosyon akong tumingin ng buksan niya ang pinto.
I sighed after seeing his freakin' face.
"What are you doing here?" I coldly said.
May dala pa itong prutas, bulaklak at chocolate. Anong akala niya sa'kin masusuhulan? Ang kapal talaga ng mukha ni Elmo.
"Buti nalang pumayag na si Tito na bumisita ako." He's referring to my dad.
"Ilagay mo nalang diyan. Gusto ko ng magpahinga." Tumagilid ako ng higa. Tinaasan ito ni Pau ng kilay. Nakatayo kasi si Pau sa gawi kung saan ako tumagilid. Naramdaman kong lumabas na ito.
I cannot imagine na papayag si Dad ng ganon ganon lang. Yes, they beat him up but after that parang wala lang yung nangyari kahapon.
"Celeste!" Hingal ang boses nito at malakas ang bukas ng pinto. Napatingin kaming lahat.
He's worried? Tsk!
He had the audacity to come here after doing this to me.
"Anong ginagawa mo rito?! Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita samin. Pagkatapos mong lasunin ang anak ko!" Sinugod ito ni Dad ng suntok. Hindi man lang ito lumaban.
Sumunod din si Geno. "You f-cking assh-le! You'll regret this!" Walang pumigil sa kanila hanggang sa dumating ang security guard. Pumutok ang labi ni Elmo at nagkaroon din siya ng pasa sa mata.
Hawak hawak ang tiyan niya habang nakahandusay sa lupa.
"Hindi niyo ko pwedeng patayin." Ngumisi pa ito. "Kahit ilang beses niyo pa kong bubugbugin. Luluhod kayo sa harap ko alang alang kay Celeste. Pero makukuha niyo lang ang vaccine sa oras na kasal na kaming dalawa." Tumayo ito at hawak ang sikmura habang akay akay ng guard palabas.
Sinundan ito ni Dad. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik si Dad sa loob.
"Anak, patawarin mo si Daddy. Kung hindi ako makakahanap ng vaccine ay kailangan natin sundin ang gusto niya."
Walang salitang namutawi sa bibig ko. Bumuga ng marahas na hininga si Dad bago muling nag-salita.
"I'll do everything para makahanap ng ibang paraan. Kahit maubos ang pera natin."
Hindi parin ako sumagot kaya umalis na ito.
Naramdaman kong tumulo ang luha ko.
Tinawag ako ni Pau dahilan para bumalik ako sa huwisyo."Ate...ayos ka lang? Inaalala mo parin ba yung nangyari kahapon?" tipid akong ngumiti bago tumingin sa pinto. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang nangyari kahapon.
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Si Pau naman ay nag-tatype sa phone niya habang nakakunot ang noo.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga litrato namin ni Zashi. Mas lalo akong pinanghihinaan at nalulungkot sa isiping wala siya sa tabi ko.
Napukaw ang atensyon ko ng tumunog ang phone ko na handa ko na sanang ibaba. Walang gana kong tinignan kung sino iyon. Umaliwalas ang mukha ko ng makita ko ang screen.
Si Zashi!
"Pau! Si Zashi!" nagulat pa ito sa sigaw ko. Umikot ito papunta sa kabilang gilid saka umupo sa kama.
Pinindot ko ang answer button.
"Babe." pagod ang boses nito. "I'm sorry hindi kita masamahan diyan."
"Zashi? Nasaan ka? Anong nangyari bakit hindi pa kayo umuuwi?" sunod sunod kong tanong.
"Nasa isla kami. Noong gabing umalis ako nakatanggap ako ng tawag from Ate Niesel. Kailangan niya ng tulong para sundan si Uncle."
"Bakit ngayon ka lang tumawag? Nag-alala ko sa'yo. Akala namin napano na kayo." nilakasan ko ang volume dahil humina ang boses niya.
"It was confirmed. Babe, your mom, she's alive."
Parang may kung ano sa dibdib ko ng marinig ko iyon. Hindi ako makapag-salita at para akong sasabog sa tuwa.
"Sinong buhay? At anong babe?" Napalingon ako kay Dad na kakapasok lang kasama si Geno at si Tita.
"I told you Dad. She's not into guys." pag-singit ni Geno na nakangisi pa.
"Dad...si Mom, she's alive. Sabi ko naman sa'yo diba?" Nakwento ko na sa kanya ito kagabi. Hindi siya makapaniwala.
Lahat sila ay pumunta sa gawi namin para makita si Zashi. Pabulong na binati ni Zashi si Dad. Sa tingin ko ay nagtatago sila ngayon.
"Zashini. Would you mind explaining it?" ani ni Dad.
"Tito. Matagal na panahon rin po siya na ikinulong ni Uncle."
Kumuyom ang kamao ni Dad. Kahit papaano ay may pakielam parin siya kay Mom. Wala naman akong nakitang mali doon at hindi rin nagrereact si Tita. Sa tingin ko ay naiintindihan niya ang sitwasyon.
"Gag- talaga 'yang Uncle mo! Hindi lang dapat sa kulungan ang bagsak niya."
"Nakita ko po ng dalawa kong mata. Alam kong siya si Yaya. Hinahanap parin po namin siya hanggang ngayon."
Tumango si Dad. "Mag-iingat kayo. Bumalik ka rito at may kailangan tayong pag-usapan tungkol sa inyo ng anak ko. Kailangan namin ng tulong mo. You have one week o ipapakasal ko siya kay Elmo."
"Dad! That's not gonna happen!" I gave him a warning look.
"I'll be there po." Tumingin siya sa mga mata ko. "Humingi ako ng tulong kay Mr. Furrer. Pinag-aaralan pa kung anong gamot ang kailangan mo." Hindi pinansin ni Zashi ang huling sinabi ni Dad. Pero bakas sa mukha niya ang takot.
Hindi na ko magtataka kung paano niyang nalaman. Nagpaalam na ito samin. Ngayon ko lang napansin na nasa isang kubo siya kanina.
Sinabi rin niya na mahirap humanap ng signal kaya hindi niya alam kung makakatawag ulit siya.Sana ay maging ligtas sila. Sana maibalik nila si Mom. At makauwi sila ng walang kahit anong galos.
Naiwan na naman kami ni Pau pero ngayon ay katabi niya si Geno at nagkukwentuhan silang dalawa.
Nagpahinga lang ako hanggang sa makaramdam ako ng antok. Natulog muna ko para mag-ipon ng lakas. Lalo na ngayon na nabuhayan akong muli.
TBC...
A/N:Sorry po sa sobrang late na Ud, Marami lang gawa, Btw thank you sa supporta sana wag kayong umalis hanggang sa matapos ang storyang ito: )
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
RomanceDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...