Zashini's POV
I should have done that before.
Nag-tagis ang bagang ko ng marinig ko ang sinabi ni Uncle at ang reaksyon ng mga press nang malaman nito na isa akong lesbian.
Hindi pa dapat ako lalabas pero kumukulo ang dugo ko. Hinayaan ko silang sugurin si Uncle habang naka-ngiti at pinupuri ako ng mga Kuya at Tito ko. Ang mga board members na naging pamilya ko at suportado ako.
"Where are you going, Uncle?!" sigaw ko sa microphone. Sarado ang mga pinto kaya wala itong mapuntahan.
"D-mn you! Hindi mo na ako ginalang!" pilit nitong binubuksan ang pinto na kusa namang bumukas.
"Mr. Mack Enzo Pallan. You are under arrest. Iba't ibang kaso ang sinampa laban sa'yo at isa na doon ang murder, harassment, estafa at marami pang iba. May karapatan kang manahimik at magsa-walang kibo. Lahat ng sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa'yo."
Pinosasan siya ng mga pulis. Napuno ng bulongan ang paligid.
"Everyone, please, let's restart this event. I didn't renounce my position; it was just a scheme. I had to do that para iligtas ang mga mahal ko sa buhay." kinuha ko ang puting panyo sa bulsa ko. May bahid ito ng dugo kaya ibinalik ko.
Sumenyas ako na bigyan ako ng tissue.
"Ms. Zashini, ano po ang dahilan ng mga kasong kinakaharap ng Uncle mo?"
"Bago ko sagutin ang tanong mo. I wanted to say something first. To the families of those who lost loved ones, I extended my sincere condolences. Hindi maibabalik ng sorry ang pagka-wala ng anak, ina, ama, kasintahan at kaibigan niyo. Pero nais kong mag-bigay ng tulong lalo na sa mga takot na lumantad." Kumuha ako ng tissue para punasan ang mga luha ko. Tahimik ang lahat at para bang nakiki-sabay sa pighati na dinaramdam ko.
"Tulungan niyo akong bigyan ng hustisya ang pagka-matay ng mga inosenteng tao sa kamay ng aking kadugo. Dahil kagaya ninyo, nawalan din ako ng mga mahal sa buhay dahil kay Uncle. Iba't ibang kaso ang kailangan niyang harapin pero hindi tayo nakasisiguro kung ligtas na ba tayo. Kaya handa namin kayong bigyan ng proteksyon."
Marami pa silang tinanong pero hindi ko na iyon natapos. Nagpa-schedule nalang ulit ako ng press conference.
I'm on my way home nang tumigil ang sasakyan. Narinig kong bumangga pa ito.
"Manong bakit?" sinilip ko pa ang sasakyan sa gilid namin.
"Nag-U turn po. Tinamaan po tayo."
"Bumaba ba?" sumilip pa sa bintana si Manong Edgar bago ibalik ang tingin sa akin.
"Oho, babain ko lang po." binuksan ni Manong ang pinto at iniwan itong bukas.
"Hindi kayo nag-iingat!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.
"Sir, pasensya na po. Mabagal lang naman po yung takbo namin. Bigla lang po kasi kayong nag-U turn." mahinahong sagot ni Manong.
"Sinasabi mo bang kasalanan namin?!" muling sigaw nito.
"Sir, hindi naman po sa—" naputol ang sasabihin ni Manong ng muli itong sumigaw.
"Eh parang yun yung pinapalabas mo eh!"
Hindi ako nakapag-pigil kaya binuksan ko ang pinto saka bumaba.
"Excuse me." tawag ko sa lalaki na naka-talikod sa akin. "Tito?!" napa-kurap ako ng humarap ito sa'kin.
Hindi man lang nagbago ang reaksyon niya at mas lalo pang sumama ang timpla ng mukha niya.
"It's you! Ikaw yung dahilan kung bakit nasa peligro ang buhay ng anak ko! Ikaw ang dahilan kung bakit siya umalis sa altar at nawawala ngayon!" dinuro duro pa ako nito.
Hindi ako sumagot at napayuko lang.
"Kapag may masamang nangyari sa anak ko. Magbabayad kayo!"
Nawalan ako ng imik hanggang sa umalis na ito sa harap ko. Binalibag pa nito ang pinto ng sasakyan.
Sumakay na kami sa kotse hindi para umuwi kundi para pumunta sa bahay ni Amery.
Pag-pasok ko palang ay kilalang kilala na ko ng mga tao dito. Walang pinag-bago.
"Zashini!" tumakbo palapit sa'kin si Amery. "I missed you so much!" hinalikan pa ako nito sa pisngi.
Amery was my first love. She's my best friend but she left me because her family moved out to Spain.
"I missed you too! Where is she?" kumalas ito sa pagkaka-yakap at lumakad. Ako naman ay naka-sunod lang.
"Sa guest room."
"Manang paki-prepare po ng lunch." ani nito bago tuluyang umakyat ng hagdan.
Humugot ako ng malalim na hininga bago pihitin ang door knob. Mahimbing siyang natutulog habang tuyo ang kanyang mga labi. Nangitim na rin ito at may mga bakas pa ng lason sa ugat niya.
Dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama para haplusin ang maamo niyang mukha.
"I'm sorry. It was my fault." kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon.
I kissed her forehead bago bumalik sa pag-haplos sa buhok niya.
I kissed the back of her palm.
"Hindi sana nangyari 'to kung nabantayan kita ng maayos." tumulo ang luhang pinipigilan ko.
Amery pat my back.
"I promise ito na yung huling beses na malalagay sa peligro ang buhay mo. If I have to sacrifice mine, I'll do it."
Iniwan na ako ni Amery. Hindi ko mai-alis ang tingin ko sa kanya kahit saglit. Puno ng pagsisisi ang nararamdaman ko.
Kung maibabalik ko lang sana ang oras.
Hindi ko namalayan na naka-tulog ako habang naka-upo at hawak ko ang kamay niya. Nagising lang ako ng maramdaman kong may kumukurot sa akin.
Nag-angat ako ng ulo para tignan iyon. Antok na antok pa ako. Pag-mulat ko ng mata ko ay nakita ko ang mukha niya at bakas doon ang pagtataka.
"Are you for real?"
Nagulat ako ng sampalin niya ako ng malakas.
"Ouch!" daing ko habang hawak ang pisngi na sinampal niya.
Mabilis siyang tumayo mula sa pagkaka-higa.
"Zashi?!"
Inalalayan ko siyang umupo. Naka-rinig ako ng katok kaya pumunta ako sa pinto. Nakita ko si Amery na may dalang pagkain.
"Pinainit pa ulit. Hindi na namin kayo inostorbo kanina."
"Thank you!"
"Sabihin niyo lang pag may kailangan kayo."
Tahimik kong kinuha iyon saka inilagay sa gilid ng kama.
"Bakit hindi ka nag-sasalita?" kunot noong tanong niya sa'kin.
I sighed. Hindi ako maka-tingin sa mata niya. Hinila niya ang braso ko dahilan para mapa-upo ako ng mas malapit.
"Bakit ngayon k-ka lang? A-akala ko hindi ka b-babalik."
Hinarap ko siya at pinunasan ang mga luha niya gamit ang daliri ko.
"I'm sorry. Kasalanan ko 'to." tinuro ko ang bakas ng lason sa katawan niya. "I'm—I'm really...I'm really sorry." hindi ko na napigilan at mahigpit ko siyang niyakap.
"S-sorry." rinig ko din ang pag-hikbi niya.
"It wasn't your fault, okay? I'm glad that you're here. Na-miss kita sobra. Bakit ba ang tagal mo? Muntik na akong matali sa iba tapos ngayon ka lang dumating."
"I'm sorry."
"Shhh!" pag-pigil niya sa kakahingi ko ng tawad.
"Yung mga tanong ko."
TBC..
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
RomanceDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...