EPILOGUE

382 10 1
                                    

Zashi's POV

Pagkalabas ni Paula, Ate Fhey, at Nicole sa hospital ay bumalik na sila Tito sa US. Akala ko ay makakapag-usap pa kami ni Celeste, pero sa tuwing lalapit ako sa kanya ay para akong hangin. Hindi niya ako pinapansin at kinakausap, kahit sa araw ng pag-alis niya ay wala akong narinig mula sa kanya.

Ginugol ko ang oras ko sa paghahanap sa taong nagpalaya kay Uncle. Hindi na ako umuuwi ng bahay dahil wala naman akong uuwian doon. Isang buwan matapos silang umalis ay namatay si Manang, ang tanging pamilya ko sa mansyon. Ang resort kung saan nangyari ang krimen ay pansamantala ko munang ipinasara.

Minsan nalang ako kumain ng tatlong beses sa isang araw at matulog ng walong oras sa gabi. Madalas ay sa club ako dumi-diretso, pinagbawalan din ako ng magulang ni Paula na pumunta sa bahay nila para dumalaw.

"Zashi," nagmamadali itong tumakbo habang hawak ang isang envelope. "nakita ko na kung sino ang may kagagawan sa pagkawala ng Uncle mo."

"Sino?!" nagngalit ang mga ngipin ko at malakas na inagaw ang envelope kay Kuya.

"Si Gen. Cariaga, ang isa sa mga tiwaling pulis na kailan lang ay nahuli dahil sa pagbebenta ng droga sa mga menor-de-edad."

"Alam mo na ang dapat gawin diyan, Kuya." tumango ito at tumalima.

Kumuha ako ng beer sa ref at baso saka sinalinan ito. Finally! Sisiguraduhin kong hindi ka na makakatayo at hihilingin mo nalang na mamatay ka, Gen. Cariaga.

Nakaka-isang lagok palang ako ay may kumatok sa pinto.

"Come in!" malamig ang tonong ani ko.

Binuksan nito ang pinto ng bahagya at dinungaw ang ulo.

"Ma'am, good morning! Si Sir Kino po."

"Let him in."

"Bunso, magpahinga ka naman kahit kaunti. Pumapayat ka na, pumapangit ka na. Paano kung bumalik si Celeste? Madidissapoint yun sa'yo."

Humigpit ang hawak ko sa baso ng marinig ko ang pangalang iyon.

"She's not coming back."

"She loves you maybe she needs some time to-"

Binalibag ko ang baso sa pader at kumalat ang bubog nito.

"Is seven months not enough?! Ayoko ng umasa kuya."

Kinuha ko ang coat ko at tinalikuran si Kuya Kino. Pumunta ako sa parking at sinakyan ang bago kong kotse. Nagmaneho lang ako hanggang sa makarating sa dati naming bahay na ngayon ay bahay na ng mga taga-bundok, ito ang bahay na pinatayo ni Celeste.

Nakita ko ang mga bata na naglalaro sa bakuran at ang pamilyang sama sama. Kitang kita ang ngiti sa mga labi nila. Sana ako din, sana may pamilya din ako ngayon. Nang mamatay si Uncle ay sa normal na libingan at malayo kila Mom, Lolo, at Dad ang pinaglibingan nito dahil ayoko na sa tuwing pupunta ako roon ay makikita ko siya.

Nagmaneho ako at nakarating sa harap ng kumpanya ni Celeste, noon ay umaasa akong babalik siya dahil narito pa ang kumpanya, pero maayos itong tumatakbo kahit wala siya.
Lumubas ako sa kotse at pumasok sa katapat nitong building. Dala kong ang binoculars na lagi kong ginagawa sa tuwing napapadaan ako rito.

Pumunta ako sa rooftop at tinignan ang office niya pero wala pa ding tao doon. Naupo ako sa gilid at pinakatitigan ang buong siyudad ng bumuhos ang malakas na ulan. Bakit pa nga ba ako nandito?

Mag-isa nalang ako at walang pamilya, walang mauuwian. Tumayo ako at idinipa ang dalawa kong braso habang dinarama ang ulan at hangin. Tumuntong ako sa gilid ng rooftop at tumingin sa langit.

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon