Zashi's POVNang gabing umalis ako, akala ko ay magiging maayos agad ang lahat. Natutulog ako ng marinig ko ang sunod sunod na tunog na galing sa phone ni Ate Niesel. Mabilis kong dinampot iyon saka tumayo.
Tumakbo ako palabas ng bahay at hindi pinansin ang mga tingin at tawag nila sa akin. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at hindi ko pinansin ang mga busina ng mga nilalampasan ko.
Nakita ko sa rear view mirror na may naka-sunod sa akin pero hindi ako nabahala ng makita ko ang kotse.
I recieved a message from Ate Niesel's phone. She's seeking for help. They're on their way to Pallan's private island.
Iyon ang isang isla na namana ni Uncle...
"F-ck! Bakit ngayon pa?!" Sunod sunod ang busina ko dahil wala akong madaanan. Traffic.
May kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Itinuro nito ang isang motor at nakasakay doon si Kuya Kino. Agad akong lumabas at isinuot ang helmet. Pinaubaya ko na ang sasakyan ko dahil nasa mabuting kamay naman ito.
Nang umandar ang motor ay may tatlo pa kaming kasunod. Sa iba kami dumaan at doon ay walang traffic.
Hindi namin sila naabutan ng gabing iyon. Kaya heto at hinahanap parin namin sila. Maraming naka-bantay sa bawat sulok. At masyado din malaki ang isla kaya hindi kaya ng isang araw na paghahanap.
Walang signal dito kaya hindi ko na rin ma-reach ang numero na nag-text.
Kung saan saan na kami napadpad.Sa gubat, ilog, kweba at pati malalaking bahay doon ay pinasok din namin. Mabuti nalang at mababait ang mga tao roon. Ngayon ay nasa isang kubo kami para mag-pahinga.
"Zashini..." Mahinang tawag sa'kin ni Kuya. Bukod sa akin ay may iba pa kaming babae na kasama. At lahat sila ay maaasahan.
"Hmm?" Walang gana kong sagot habang nakahiga sa hammock at nakatingin sa mga bituin.
"Sumunod satin si Chico."He's my Lolo's messenger. At ngayon ay sa akin na siya nagtatrabaho. Tradisyon na ito ng mga pamilya namin.
Lahat ng mahahalagang balita na kailangan naming malaman ay kailangan nilang masabi samin sa lalong madaling panahon. Nasa kanila kung paano nila iyon sasabihin at kung hindi nila kami ma-reach through devices. Hahagilapin nila kami kahit nasaang lupalop man kami ng mundo. Susundan nila ang bawat bakas kung saan kami naroon.
"Anong dala niya, Kuya?" Tumayo na ako para sumunod.
"Bad news." umihip ang malakas na hangin. Tinatangay nito ang buhok ko. Pumunit ako ng tela mula sa itim kong damit at saka ko ito tinali.
"Chico." pag-kuha ko sa atensyon niya.
"Ma'am." iginiya nila ako papasok sa loob ng kubo.
"It's about Ms. Celeste Ryle Gomez Ruiz."
Binalot ako ng kaba. Dalawang araw na din kaming hindi nagkikita. Wala din kaming communication. Lord please, protect her...
Hindi pa ako nakakaupo ng tuluyan pero napatayo ulit ako.
"What about my girlfriend?! May nangyari ba?" hinawakan nila ako para pakalmahin.
"She's in the hospital." napayuko si Chico.
"D-mn it!—For what reason?!"
"She got poisoned. Humahanap na ng lunas ang pamilya niya. At sa ngayon ay wala pa itong nakikitang paraan bukod sa ipakasal si Ms. Ruiz kay Elmo."
"The hell?!" nahampas ko ang lamesa at natabig ko ang baso. Tumama ang kapirasong bubog sa kamay ko pero hindi ko ito pinansin.
"Yes, Ma'am."
"Chico, help them. Gamitin mo lahat ng assets ko. Kahit employee ay hingan mo ng tulong baka mayroon silang kilala. Sa mga board members, siguradong tutulungan nila ako. Suyurin niyo ang lahat ng Pharmaceutical company. Wala akong pakielam kung sa bansa natin yan o sa ibang bansa!"
Tumayo agad si Chico para mag-paalam. Nangatog ang mga tuhod ko.
"You should go." Napatingin ako kay Kuya. Isa isa ko silang tinignan. Ang mga mata nila ang nagsasabing kailangan kong umuwi at sila na ang bahala rito.
Hindi ako naka-sagot, paano sila Ate at si Yaya?
"Kami na ang bahala sa kanila." nakangiting ani ng isang babae na kadarating lang."
"She's my cousin. Matinik yan" napatango nalang ako.
Sinamahan nila kami palabas ng gubat pero hindi pa kami nakakalabas ay may narinig na kaming humarang kay Chico na nauna samin.
"Ikaw! Parang hindi ka pamilyar. Iyang suot mo hindi panggubat!"
Nakaramdam ako ng kaba ng lumapit ito sa kanya. Kusang sumama si Chico. Tumingin pa ito sa amin at nangungusap ang mga mata.
"Kuya." nilingon ko si Kuya Kino. Wala na siya sa likod namin pati ang pinsan ni Kuya Carlo.
"Where are they?"
"Tumuloy na tayo. Sila na ang bahala roon."
Inabot kami ng liwanag sa paglalakad. Nang maka-tungtong ang paa ko sa bayan ay nagkalat ang mga armadong lalaki. Bakas ang takot sa mga mukha ng tao.
Lalakad na sana ako ng biglang may nagtakip ng bibig ko. Hinila nila ako papasok sa isang barong barong. Ganon din ang ginawa nila sa mga kasama ko na pumapalag pa.
F-ck! What's happening?!
"Tao po!" Pareho kaming napalingon. Nakatakip parin ang bibig ko. Hindi ko makilala ang mukha nila dahil nababalot ito ng tela.
"Imeng bilisan mo!" Dali daling binuksan ng isang lalaki ang malaking drum na nakalubog sa lupa. Walang nag-bukas ng pinto at sa tingin ko ay iyong mga armadong lalaki ang kumatok.
"Pasok!" Pabulong na sabi nito.
Sumunod lang ako sa kanila habang pinipilit kong tignan sila Kuya. Pag-apak ko sa drum ay ganon nalang ang gulat ko ng bigla akong dumulas pababa. Isa itong tunnel na may laki na panglimang tao. Wala ring hangin sa loob at para kaming nagpapadulas.
Tiniis ko ito at sila ay parang sanay na. Bumagsak ako sa isang hukay na nakatakip ng damo. Napapikit ako dahil pakiramdam ko ay masusuka ako.
Nakarinig ako ng malakas na tawanan.
"Kay tagal nating hindi nagkita, Miss Pallan."
"S-sino kayo?"
"Ama, ibalato mo na siya sa'kin. Maaari bang siya ang aking mapangasawa at ang kasal ay sa kaarawan ko ganapin? Isang malaking regalo ito." ani ng lalaki na may itsura. Simple lang ang mga suot nilang damit. Ang mga tsinelas nila ay luma na.
"Si Marimar ang para sa iyo. Malaki ang utang na loob natin sa pamilya nila. Kung hindi dahil sa kanila ay baka wala na ang ating buong angkan." tinapik nito ang braso ng lalaki.
Ako naman ay naguguluhan parin. Tumingin ako kay Kuya Evren na nagkibit-balikat lang.
"Nabalitaan namin ang pagpunta ng iyong amain. Lumikha ito ng gulo sa pagitan ng ibang tribo. Sumasama ang mga ito sa kanya dahil sa binibigay nitong salapi. At ang hindi susunod ay pinaparusahan nila. Pati ang karamihan sa mayayamang pamilya ay nakipag-kasundo sa kaniya."
Lumakad kami papunta sa isang upuan na gawa sa kawayan. Pinaupo niya ako at hinainan ng mga prutas at iba pang pagkain.
"Ilang kasamahan na namin ang namatay kaya heto kami at nagtatago—" napalingon ako sa isang dalaga na humahangos.
"Paki-usap! Tulungan mo kami." Lumuhod ito sa harap ko at hinawakan ang kamay ko gamit ang kamay niya na may putik pa. "Ang mga kapatid ko. Kinuha sila, paki-usap, kailangan ko ng tulong mo."
Ani nito sa akin na para bang isa akong diyos na isang salita ko lang ay maililigtas ang pamilya niya.
TBC...
A/N:Hello po,Akala ko wala nang naghihintay dito sa story meron pa pala : )
Thank you sa feedback🤗❤
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
RomanceDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...