CHAPTER 63

1.3K 26 1
                                        

Celeste's POV

Nagpakuha kami ng litrato kay Geno at nagmistulang photo shoot ang anniversary namin. Mayroon din yatang isang daang photos na may iba't ibang pose at backgrounds. Nagulat kami ng may lumapit sa amin na mga high school students. Nandito yata sila para magtour.

Nagpapicture sila sa amin na sinundan pa ng mga ibang tao doon. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi naman kami artista o sikat. At sa huli, nagpakuha ako ng litrato na sama sama kaming lahat ng mga nagsilbing pamilya ko hanggang sa mapagod kami.

Parang nawala lahat ng mga masasamang nangyari sa'kin. Yung pakiramdam noon na wala akong pamilya at parang may kulang, napunan nila iyon sa loob ng maikling panahon at mapupunan pa nila iyon.

"Zashi ikuha mo din ako." nagpout pa ako pero sinamaan niya ako ng tingin saka padabog na kinuha ang hipon, inihaw na isda, isaw at betamax.

"Can we change now?" nakanguso niyang tanong habang nakatingin sa suot ko.

Mas nag-aalala pa siya sa'kin dahil nakasuot ako nito kaysa sa sarili niya. Tinakpan niya pa towel ang hita ko at dito kami umupo sa hindi masyadong kita ng mga tao.

"Baby babalik pa tayo doon sa dag-" she cut me off.

"Pwede naman tayo mag-swimming na T-shirt ang suot 'e." umupo siya pero patalikod sa akin. She's upset! The plan is working.

"Pero mas komportable ako dito."

"Okay, if that's what you want." Bigla siyang tumayo at lumakad patungo sa cr para siguro magpalit mag-isa.

Palihim ko siyang sinundan. Halos talisurin niya lahat ng buhangin dahil hindi man lang niya tinataas ang paa niya at halatang walang gana.

"Baby!" Hindi niya ako pinansin at tuluyang pumasok sa cr. Habang nagbibihis siya ay mabilis akong bumalik sa cottage para mabilis na ihanda ang sorpresa ko para sa kanya.

"Everything is ready." Ani ni Nicole na hawak hawak ang balloons habang si Paula naman at ang iba pang kaibigan nila ay hawak ang malaking card board na may nakasulat na "HAPPY ANNIVERSARY".

May mga tinawag din kaming bata na may dalang mga pula at asul na rosas. Pumwesto na silang lahat habang hinihintay ang pagdating ni Zashi. Ako naman ay nagsuot ng roba dahil kukuhanan kami ni Geno ng litrato at video. Paglabas niya ng cr ay isang isang inabot sa kanya ang rosas hanggang sa makarating siya sa cottage ay mayroon pa rin na nag-aabot.

Palingon lingon siya sa paligid habang namumula ang mukha na inaabot ang mga bulaklak, nakatingin din kasi sa kanya ang mga tao.

"P-para saan 'to?" ani niya sa anak ni Fhey na huling mag-aabot pero hindi siya nito sinagot kagaya ng sinabi ko.

Nakatingin pa rin siya sa bulaklak at inaamoy amoy ito habang naglalakad pabalik sa cottage.

"Babe, nagpalit na ako." kinalabit niya ako pero hindi ko siya pinansin at pumasok pabalik sa cottage.

"Sa'n yan galing?" napatingin ako sa nagsalita at nagpanggap na walang alam.

"H-hindi ko alam."

"Alam ni Celeste?" kunwaring tumingin sa akin si Fhey. Mabilis na nataranta si Zashi at naghanap ng mapaglalapagan ng bulaklak.

"Babe. M-may nag-abot lang sa'kin na m-mga bata."

"Mukha namang hindi bata ang magbibigay niyan sa'yo sa dami ng bulaklak na hawak mo."

"Babe. I swear I didn't know anything about this." Niyakap niya ako mula sa likod at habang nakapatong ang leeg niya sa balikat ko ay sinensyasan ko sila na umayos pagkatapos ng eksena na gagawin ko.

"Maghiwalay na tayo." pilit kong pinatigas ang boses ko kahit na natatawa pa ako. Naramdaman kong lumuwag ang yakap niya sa'kin.

"N-No!" namgungusap ang mga mata niya at sinapo ang pisngi ko. "I promise, hindi ko alam kung kanino iyon galing."

"Zashi narealize ko na hindi tayo bagay. Kung gusto mo talaga ng babae susuportahan kita pero ang laki ng agwat natin."

"I don't care!" mabilis siyang lumuhod sa harap ko na kinagulat ko. "Wala akong pakielam kung 7 years o mahigit pa yung agwat natin. Mahal kita and I can't live without you!" Humahagulgol ito habang nakayakap sa beywang ko. "P-please, don't l-leave me. I'll give everything you w-want just s-stay with me." ani nito na nakaluhod habang yakap ako.

"I can't do this anymore. Tumayo ka na diyan." Hinila ko siya pero nanatili siyang nakaluhod.

"I'm begging you. Don't leave."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakaramdam ako ng guilt ng makita ang mapula niyang mata. Nakakadurog na makita kung paano siya nag-react. I won't do this anymore.

"Sorry baby, it's just a prank." Hindi ko magawang sumaya dahil sa ginawa ko. You're an idiôt, Celeste!

"A-are you s-sure?" Tumango ako at ngumiti. Lumuhod ako at hinalikan siya saka masuyong hinila patayo.

...

"Zash, happy birthday!" pabirong sabi ni Nicole habang inaabot ang lobo.

"Nang-aasar ka ba?"

"Nahh. Hindi mo naman mahahawakan paliparin nalang natin sa labas kasi ngawit na ako. Ang tagal mo magdrama"

"Don't. May mga letters yung balloons." pagpigil ko.

"Zash!" sigaw ni Pau habang hawak ang cardboard.

Nagulat kami ng may pumutok na party poppers kahit wala naman akong nabili na ganoon. Napatingin ako sa may hawak at nanubig ang mga mata ko ng makita ko si Mama na nakangiti sa akin.

"B-Babe, you did all of this? And those flowers were from you? " Napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya.

"Yes, baby. I'm sorry!"

"Akala ko talaga—" inilapat ko ang hintuturo ko sa labi niya.

"I'm not going to leave you."

Hinila ko siya patungo sa regalo na nakalapag sa higaan na gawa sa kawayan.

"Open it!"

Binuksan niya ang unang malaki na kahon. Palingon lingon pa ito sa akin habang unti unting natatanggal ang wrapper.

"What's this?" Nagkibit-balikat lang ako.
Napahinto siya ng tuluyan ng mabuksan ang box.

"I just thought na 'yan yung gusto mong mangyari ngayon kaso lang alam nating lahat na malabo na. Kaya ayan, kahit man lang sa painting nagkasama sama tayong lahat."

Hinawakan niya ito na para bang ngayon lang siya nakakita ng painting sa buong buhay niya. Binuhos ko ang oras ko sa paggawa nito kahit na hindi ako masyadong pamilyar sa mukha ng mga magulang niya. Mabuti nalang ay may nakuha akong litrato para mapag-sama sama kaming lahat doon na parang nangyari ito ngayon.

"I—it's ahm...I...I don't know what to say. Ito yung pinaka-espesyal na regalong natanggap ko sa buong buhay ko."

Sunod niyang binuksan ang isang nakabalot na regalo.

"E-Eternity Flower?!" Lahat sila ay nagulat sa regalo ko.

Eternity flowers, often used to symbolize eternal love and commitment, can serve as a subtle yet meaningful sign from a woman to her partner that she is ready to fully commit or get married. By gifting eternity flowers or incorporating them into their relationship, the woman communicates her desire for a lasting and enduring union with her partner.

TBC..

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon