SPECIAL CHAPTER 1.0

419 9 1
                                    

Celeste's POV

"Lace bumaba ka nga diyan!" sigaw ni Zashi habang nakatingala sa puno ng mangga kung saan naka-akyat si Lace. "Zace why did you let her climb the tree?!"

"Damy she's not listening to me." Zace pouted and ran towards me with his teary eyes. Dahil siguro tumaas ang boses ni Zashi. Yumakap ito sa akin at nagpabuhat kahit pa may kabigatan na rin siya dahil anim na taong gulang na at may katabaan.

Salubong ang dalawang kilay ni Zashi na pilit inaabot ang paa ni Lace na tuwang tuwa. Si Zace at Lace ay adopted twins, nakakabigla man pero parang galing na rin sila sa amin na kumukupkop at nag-aruga sa kanila. Hindi nga lang maitatago kung saan sila galing at ipapaliwanag naman namin sa kanila sa tamang panahon. Papunta kami sa airport noon para magbakasyon ng makatanggap ng tawag si Zashi.

"Hello?"

"Zashi your aunt!"tumingin siya sa amin. Sa pagkaka-alam ko ay walang asawa si Mack, sinong auntie ang tinutukoy ni Kino?

"What happened to her, Kuya?"

Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya hudyat na masamang balita ang dala nito.

"She's dead."

Hindi na nagsalita pa si Zashi at nagmamadali kaming lumabas ng airport kahit pa tinatawag na kami dahil lilipad na ang eroplano. Naroon pa rin ang kotse at si Mang Gabo. Hindi na ako nagtanong at sumakay nalang ng pagbuksan niya kami ng pinto. Pamilyar ang tinatahak naming daan. Ito yung baryo na pinuntahan namin noong nagpamahagi kami ng relief goods. Napagawi ang tingin ko kay Zashi na bakas ang pag-aalala. Hinawakan ko ang kamay niya na malamig.

"Alam kong hindi ito ang tamang oras para ipaliwanag mo sa akin ang nangyayari. But I'm just here beside you, I'll be your crying shoulder and the someone you can rely on."

Habang binabagtas namin ang daan patungo roon ay bigla nalang tumigil ang sasakyan.

"Kuya, bakit tayo tumigil?!" Bumaba pa ng sasakyan si Zashi.

"Naubusan ho tayo ng gas at may butas din ang gulong ng sasakyan."

"Kuya naman. Alam mo namang nagmamadali tayo diba?! Do something!"

Tumalima ang driver at inumpisahang palitan ang gulong. Bumaba ako para pakalmahin siya. Ako na mismo ang tumawag kay Kino para sunduin kami. Wala pang trenta minuto ay nakarating na ito. Para kaming nakikipagkarera dahil bilis ng takbo ng sasakyan pero hindi na ako nagreklamo pa.

Pagdating namin ay may isang babaeng nakaratay at isinasakay sa sasakyan. Nakipagpatintero kami at ganon nalang ang gulat ko ng himatayin si Zashi sa harap ko mabuti nalang ay mabilis namin siyang nasalo ni Kino. Nagbigay naman ng espasyo ang mga tao at may nag-abot pa ng tubig sa amin.

"Hahanapin ko lang si Evren, hintayin mo nalang siyang magising."

Habang unan ni Zashi ang hita ko dito sa mahabang kawayan na upuan ay rinig na rinig ko ang bulungan ng mga tao.

"Kawawa naman yung mga bata, nawalan na ng ama, nawalan pa ng ina."

"Oo nga. Sana lang hindi lumaking mamamatay tao ang mga anak nila."

Hindi ko na sila pinansin at maya maya lang ay dumating si Evren na may kasamang dalawang babae na may hawak hawak na dalawang sanggol.
Sakto naman na nagmulat na ng mata si Zashi.

"Zashini."

Bigla siyang tumayo na hawak hawak ang ulo saka lumabas at tinakbo ang walang buhay na katawan ng isang babae.

"Anong nangyari sa kanya?! Iligtas niyo siya!"

I know she's devastated right now, paano kaya niya nakayanan noong namatay ang mga magulang niya?

Nilapitan namin siya at pinigilan pero ayaw niyang magpapigil. Niyakap ko nalang siya kaya kahit papaano ay kumalma na ito. Umalis na ang sasakyan at nanatili kami sa posisyon naming dalawa.

"Zashini nag-iwan ng sulat at huling habilin si Merissa."

Tulala lang si Zashi kaya't ako na ang nagbasa ng sulat para sa kanya.

"Hija, alam kong ginawa mo lang ang nararapat para maparusahan ang mahal kong asawa. Masakit man sa'kin na itinatago niya ako dito sa baryo bilang isang dating katulong pero hindi nabawasan ang pagmamahal ko para sa kanya. Ngayong wala na siya, hindi na matutupad ang pangako niyang maipagamot ako at ilang linggo nalang ang natitirang araw ko dito sa mundo. Nais ko sanang ikaw ang kilalaning magulang ng mga anak namin, ang mga pinsan mo. Alam kong lalaki silang maayos at malusog kung ikaw ang mag-aalaga sa kanila. Hinanda ko na ang mga dokumento na kakailanganin mo para sa pag-ampon sa kanila."

Mahaba pa ang sulat pero hindi ko na iyon tinapos. Bumuhos ang luha ni Zashi habang mahigpit na hawak hawak ang isang bracelet. Wala siyang imik nang makauwi kami pati sa burol at libing.

Matapos ang isang linggong pagdadalamhati ay nakita ko siyang bumangon muli na may ngiti sa kanyang labi. Hawak hawak niya ang babae na sanggol at ang isa naman ay nasa stroller.

"Babe, ano na nga ang pangalan nila?"

"Itong lalaki ang pangalan daw ay Zace Ezekiel, at 'yan namang babae ay si Lace Eviana.

"Zace at Lace." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Zashi at maingat na ibinaba si Lace para tawagan si Evren at ihanda ang mga papeles na kakailangan para sa pag-adopt.

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon