Kinausap na ako ni Evren at ayos lang naman sa akin. Si Zashi nalang talaga ang hinihintay namin na magdesisyon. Pagkatapos ng araw na iyon ay nahahati na ang oras namin sa pagtatrabaho at pag-aalaga ng mga bata. May araw na ako ang nasa bahay, at may araw na si Zashi naman pero madalas dalawa kaming magkatuwang na inaalagaan sila. Hanggang sa lumaki silang makukulit at malilikot na mga bata.
Naibaba na si Zashi si Lace na tuwang tuwa.
"Amy, I want house in that tree," she pointed out the tree.
"No, maliit ka pa para sa tree house. Baka mamamaya mahulog ka pa doon."
Bumaba si Lace at tumakbo sa'kin para ako naman ang kulitin sa gusto niya. At sa huli ay paumayag rin kami basta napapalibutan ng foam na sahig ang puno at hindi kataasan.
"Ate! Alam mo ba kung anong nakita namin?" Nasa pinto palang ay sumisigaw na si Nicole. Hindi man lang sila kumatok, sarado naman ang gate. Inakyat na naman yata nila. Sa susunod talaga palalagyan ko na ng matutulis na bakal 'yun.
Nandito kami sa sala at nanonood ng cartoons kasama ang mga bata.
"Si Geno at Pau nasa kotse nagchuchuk-" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Nicole. Si Zashi naman ay isinuot ang headphone kay Zace at tinakpan ang tainga ni Lace.
"Damy!"
Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig ni Nicole habang nakatakip pa rin ang tainga ng dalawang bata.
"What do you mean? Umuwi si Geno?" kunot noong tanong ko.
"Ay, hindi ka pala sinabihan. Sinundo namin siya sa airport, para kaming nanonood ng k-drama kanina ng takbuhin ni Pau ang pagitan nila ni Geno. "
Walang nababanggit sa'kin si Geno at si Pau. Napapansin ko naman na ibang closeness yung pinapakita nila noon pero hindi ko akalain na-wait! Sila na without telling it to me?!
"Damy hindi ko po marinig." Tinuro pa nito ang TV.
"Yung bibig mo kung ayaw mong ipaputol ko 'yang dila mo." Inis na sabi ni Zashi bago tanggalin ang kamay niya sa tainga ni Lace at ang headphone kay Zace.
Niyaya ko si Nicole sa kusina para doon kami mag-usap.
"Ayon nga ate. Ang ante mo hindi nakapagpigil, nandoon sila ngayon sa presinto at nahuli ng pulis, bawal pala magpark doon tapos nahuli pa silang naghahalikan."
Napahilot ako sa sentido ko saka kinuha ang susi ng kotse. Palabas na sana kami ng makatanggap ako ng tawag.
"Mrs. Pallan?"
"Yes? Sino 'to?"
"Sa police station po ito. Kapatid niyo ho ba si Geno Amiel Ruiz?"
"Opo sir, nakarating na po sa akin na nahuli niyo po sila."
Ilang minuto pa kaming nag-usap, mabuti nalang at pumayag ito na paalisin sila Geno kahit hindi ko ito sunduin. Mayayari talaga sila sa'kin! Nagluto ako ng pananghalian at saktong nakahain na ng dumating ang dalawa na may nakakalokong ngiti.
"Ate-ouch!" Pasimple ko siyang piningot at kinurot ko din sa tagliran si Pau.
"Sige, ipakita niyo sa mga bata 'yang reaksyon niyo at didiinan ko pa 'yan. Sa susunod na gagawa kayo ng kalokohan ilugar ninyo."
"Y-yes ate!"
Binitawan ko na sila at sinamaan ng tingin bago umupo sa tabi ng mga bata.
"Buti nga sa'yo." Mahinang bulong ni Zashi kay Pau.
"Kumain na kayo, mag-uusap tayo mamaya."
Habang kumakain kami ay sunod sunod na doorbell ang tumunog. Wala naman kaming inaasahan na bisita at kung si Zashi ay mayroon siguradong ipapaalam nito iyon sa akin.
"Ako na."
Nagmamadali akong lumakad dahil parang atat na atat makapasok ang kung sino mang nasa labas.
"Sandali lang!"
Nagpapatuloy ang pag-doorbell nito, tila ba hinihintay na buksan ko ang gate. Pagbukas ko, may babae na tila mas matanda sa akin ngunit hindi ganoon katanda, kasama ang isang batang babae.
"Ah, dito po ba nakatira si Zashini?"
"Oo, dito nga po. Sino po kayo?" tanong ko.
"Ako si Minerva at ito si Avriel, inaanak ni Zashini," sagot ng babae.
Binuksan ko ang gate para sila makapasok. Namangha sila sa laki ng bahay namin na tila ngayon lang nila napuntahan.
"Wow! Sana ganito kalaki rin ang bahay natin," sabi ng batang babae.
Inanyayahan ko sila sa loob at inalok na kumain, ngunit tapos na daw sila at kumain muna bago pumunta dito.
"Ate Minerva? Ikaw ba 'yan?"
"Zashini!" Nakipagbeso si Minerva kay Zashini, na ikinasimangot ni Pau.
"Hindi ka pa rin nagbabago, mas paborito mo pa rin si Zashi," reklamo ni Pau habang niyayakap si Minerva.
"Magkakasama pa rin pala kayo," sabi nito.
Pinanood ko lang sila at sa wakas ah napansin ako ni Zashi na nakatayo. Mabuti naman at napansin niya ako!
"Ate Minerva, si Celeste pala, asawa ko," ngumiti ako.
"Babe, si Ate Minerva kaibigan namin nung freshmen pa kami. Pero mas matanda siya sa akin ng walong taon."
"Nice to meet you. Finally, nagkaroon na rin si Zashini ng taong makakasama niya. Dati kasi napakailap niyan sa lalaki at babae, akala namin gusto niyang maging madre," sabi ni Minerva.
Nagtawanan kami dahil doon. Hinayaan ko silang mag-usap habang inaasikaso ko ang mga bata. Napansin ko na kinukulit ng mga bata si Avriel na 12 years old na pala.
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
RomanceDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...
