Zashi's POV
Binuklat niya ang album saka ito inilapag sa harap ko.
"Nakita mo na siya noon hindi ba?" ani ni Ate Niesel sa'kin. Pamilyar ang mukha ng lalaki pero hindi ko alam kung saan ko nakita.
"He was your Uncle's lawyer." tinignan ko ang litrato ng mabuti. Medyo luma na ito dahil natambak sa basement.
"At ano naman ang kinalaman ng problema ko ngayon sa kanya?" Hinampas ni Ate Niesel ang table dahilan para mapapitlag ako sa gulat.
"I'm sorry. Medyo hina-high blood ako sa usapang 'to." Bigla siyang tumawa at saka sumeryoso ang mukha niya.
She's weird...really weird.
"Well, he's my brother. Siya ang kauna-unahang tao na pinatay ng uncle mo. Wala akong kapangyarihan para pag-bayarin siya dahil isa lang akong hamak na kontroladong abogada. Kaya tinutulungan kita para mawala na ang gumugulo sa inyo. At isa pa ay gusto kong tulungan mo akong sirain ang mataas na pader na pumipigil sa'kin para maabot ang pangarap ko. Iyon ay ang sirain ang batas ng angkan namin para matigil na din ang mga illegal nilang gawain."
"How would I do that? I'm still a teen—"
"Naisip mo ba na teenager ka pa para pumatol sa twenty-six years old?" She sarcatically said that made my eyes roll.
"Iba naman yunU." Tumawa siya dahil sa sinabi ko.
"Zashini, we badly need your help. Ako, si Kino, si Atty. Evren Roxas at Atty. Carlo Mendez, at ang pamilya ni Josepina Marayag."
"Wait—could you please explain everything to me?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"My brother, Kino's sister, Atty. Evren's fiancee and Atty. Carlo's son died because of your Uncle. And now Josepina a.k.a Pina died, also because of him.
"Patay na si Ate Pina?!" tumindig ang balahibo ko. Para 'kong binalot sa lamig.
"Yes, hindi pa namin masabi sa pamilya niya. Pinakain siya ng Uncle mo sa alaga niyang leon at ang masama pa don ay wala ng bangkay na iuuwi sa pamilya niya."
Kumuyom ang kamao ko at nagtagis ang bagang ko dahil sa narinig ko. Parang may kung ano sa dibdib ko sa isiping hindi man lang ako nakapag-paalam ng maayos. Paano na ang pamilya niya?
Napakasama mo Uncle! —You'll pay for this!
Paano kung dahil iyon sa sinabi niya sa'kin?
"Zashini, you have to help us. Hinihintay lang namin nila Kino na mahinog ka at matutong gamitin ang kapangyarihan mo sa mabuting paraan at para matulungan mo kami. Kailangan mong iligtas ang pamilya ni Fhey sa lalong madaling panahon. Napaka-sakim ng Uncle mo. Kahit si Lita ay kaya niyang iwanan sa ere para lang sa kayamanan."
Tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya. Mas lalong nadagdagan ang galit ko kay Uncle at ang pagnanais ko na lumaban. Itinabi ko muna sa isang tagong lugar ang dala niya kanina.
Hindi ako pinalaki para magtago kung may nakikita akong ibang taong nahihirapan. Hindi naman niya ko tinuring na pamilya pero kahit ganon ay gusto ko parin na maparusahan siya sa mabuting paraan.
Pag-labas namin ni Ate Niesel ng pinto ay nakatayo sa harap no'n si Celeste. Naka-cross arm pa ito.
"Are you done?" Hindi ko alam kung ako ang tinatanong niya dahil kay Ate Niesel siya nakatingin. Matalim ang tingin niya at sa tingin ko ay hindi maganda ang ibig sabihin nito.
Tumikhim si Ate Niesel para kuhanin ang atensyon ko. "Ahm...Zashini huwag mo na 'kong ihatid sa labas. Nariyan naman si Manang Yen." Tumango nalang ako at naglakad na siya palabas.
"Tara na sa kwarto." Pag-aya ko sa kaniya pero pinalis niya ang kamay ko na humawak sa baywang niya.
"Don't touch me!" Nauna na itong mag-lakad at ako naman ay napatanga lang.
The heck?
"Babe, what's wrong?" Sinundan ko siya. Mabilis ang mga hakbang niya pero mas mabilis ako sa kaniya.
"Hindi mo muna pinakilala sa'kin..." Walang ganang sabi nito.
"You're busy." Yayakapin ko sana siya pero humakbang lang siya palayo.
"Kahit na! Bakit kailangan naka-lock yung pinto? Anong ginawa niyo sa loob. Sino ba yun?" Sunod sunod na tanong niya.
She's jealous...
"She's Ate Niesel and she mean no harm—"
She cut me off."Baka nakakalimutan mong Ate rin ang tawag mo sa'kin noon. Malay ko bang may something kayong dalawa!"
"She's a lawyer—" She cut me off again.
"Oh tapos?! Anong klaseng paglilingkod yung ginawa niya sayo? Nangyakap ba?!...Nanghalik?...O gumiling sa lap mo?!"
Napansin ko ang isang maid na nakatingin samin. Pababa siya ng hagdan. Sinenyasan ko muna siyang bumaba. Sigurado akong rinig na rinig ang boses niya sa baba.
"Babe, sa room nalang tayo mag-usap." She just rolled her eyes and walked out.
"Babe, hintayin mo 'ko." Napasimangot ako dahil kailangan ko pa naman ng lambing niya.
Hinabol ko siya at nagpaliwanag.
"Tintulungan niya lang ako to fix our problem. She just gave something na makakatulong sa'kin."
Humarap siya sa'kin. Akala ko ay kakausapin niya na ako ng maayos.
"Like what? Makakatulong sa tawag ng puson mo kasi hindi ako pwede ngayon?" Malamig ang tono ng boses nito. Hayst!
Hindi talaga siya makikinig sa'kin.
"Babe, sasabihin ko naman sa'yo but just give me a time. Marami lang akong kailangan asikasuhin pa." She rolled her eyes again and walked out.
"Ewan ko sayo!" Hahabulin ko pa sana siya ng makalagpas na kami sa hagdan. Mabilis siyang lumakad papasok sa kwarto. Susunod na sana ako ng ibalibag niya ang pinto.
Pinihit ko ang door knob pero naka-lock na iyon.
"Diyan ka sa labas matulog!" sigaw nito sa akin. Bagsak ang balikat ko habang nakatingin sa pinto.
Dumating naman si Ate Fhey at nagtatakang tumingin sa'kin.
"Anong nangyari? Rinig na rinig ko sa kwarto yung boses niya. Parang ngayon ko lang siya narinig na ganyan?" Nakasimangot akong lumingon kay Ate Fhey.
"Ako dapat yung nagseselos eh."
Napalabi lang si Ate saka tinap ang balikat ko.
"Hayaan mo muna. Lalamig din ang ulo niyan. Mag-focus ka nalang. I'm sure kakausapin ka din niya."
Tumango nalang ako pero hindi ako umalis sa pinto. Umaasa akong bubuksan niya ang pinto. Sumandal lang ako doon pero hanggang sa makatulog akong naka-upo ay walang pintong bumukas.
A/N: Enjoy reading! Keep safe and loveyah!
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
RomanceDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...