Celeste's POV
"Celeste mag-iingat ka." tipid na ngiti lang ang binigay ko kay Manang bago ako sumakay ng kotse. May inabot silang papel sa akin at ng basahin ko iyon ay nagulat ako. Pero hindi ko iyon pinahalata sa kanila dahil alam kong si Zashi ang may bigay nito.
Nag-pahatid ako sa company at doon ko tinawagan si Dad. Nagpa-book ako ng flight papuntang US. Wala na rin akong bahay na uuwian kaya pansamantala ko munang iiwan ang comapany.
"Celeste, ikaw ba yan?! I'm glad that you're here." bati sakin ni Fhey.
"Yes, ikaw munang bahala rito. Magbabakasyon lang ako kay Dad." seryosong sagot ko.
Hinawakan niya pa 'ko sa braso para kumpirmahin kung ako talaga ito.
"May sakit ka ba?" sinalat pa niya ang noo ko dahil wala talaga kong gana.
"Wala, hayaan mo muna 'kong mapag-isa." isa lang ang nakikita ko sa bawat tingin ni Fhey sakin 'awa'. Napabuntong hininga ako at inayos ang mga papeles na nakatambak rito. Pinirmahan ko iyon at binigay kay Fhey ng may malaglag na litrato.
Pinulot ko iyon at nag-umpisa na namang bumagsak ang mga luha ko.
It was my photo with Zashi noong last christmas. Pinasan niya pa ako para lang maisabit ang star sa dulo ng christmas tree.
Pinunit ko iyon saka itinapon sa basurahan. Sa sofa na dito sa office ako natulog. May damit din ako sa drawer kaya doon ako naligo sa cr.
Paggising ko ay nakatanggap ako ng tawag. Sa isang araw na ang alis ko. Sumakay ako sa kotse ko na nakaparada sa parking at pumunta sa nasunog kong bahay.
Binuksan ko ang gate at pumasok ako doon ng makita ko si Zashi na nakaupo sa garden na tuyong tuyo ang mga halaman.
Hindi pa ko handang makita siya. Kailangan ko munang maka-usap si Dad para malaman ang buong katotohanan. Hindi ako tanga para basta basta maniwala kay Mom.
Oh, I forgot. She's not my mother.
Handa na akong tumalikod ng tawagin niya ako.
"Ate."
Naramdaman kong lumapit siya sakin.
"Ate." Hindi ko siya nilingon pero hindi ako makagalaw. Nagtatalo ang isip ko kung lilingunin ko ba siya o hindi.
Niyakap niya ako mula sa likod. Napapikit ako habang pinipigilan ko ang mga luha na nagmumula sa mata ko. Naririnig ko ang mga hikbi niya pero hindi ako makapag-salita.
"I miss you." ani nito pero bago pa ako makagawa ng bagay na pagsisisihan ko ay tinanggal ko na ang kamay niya na nakapulupot sa akin.
Mahigpit at ayaw niya akong pakalawan.
"Zashini bitawan mo 'ko." I reply in a cold, vile tone."Zashini b-bitawan mo a-ako." binuhos ko ang buong lakas ko para matanggal ang braso niya pero hindi sinasadyang mapalakas iyon dahilan para mapa-upo siya sa sahig.
"Hindi ako naniniwala sa mga sinabi nila. Nararamdaman kong hindi totoo ang mga paratang nila sayo. Ate bumalik na tayo sa dati. I'll protect you. Hindi na kita iiwan."
Anong paratang? Ako pa yung masama?
Pinipigilan ko yung sarili ko dahil ayokong ilabas yung galit ko sa pamilya niya. Bago pa siya mag-salita ay iniwan ko na siya roon. Paulit ulit niyang tinatawag ang pangalan ko.
Sorry Zashi for breaking my promise...
Pinalis ko ang luha ko at bumalik na sa company. May natira pa akong pera sa vault mabuti nalang, hindi pa nawawala doon.
Sa loob ng dalawang araw ay ganon lang ang ginawa ko. Sa labas ako kakain at sa office matutulog at maliligo. Hanggang sa sumapit ang araw na hinihintay ko.
Nang makalapag ang eroplano ay sinundo ako ni Geno. Masaya nila akong sinalubong sa bahay nila kaya kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
"I'm glad to see you dear." nakipagbeso-beso ako kay Auntie, ang asawa ni Dad. Binati rin ako ng mga pinsan ni Geno.
"It's been a long time, Auntie. Thank you for welcoming me. By the way where's Dad?" hindi na ako nag-paligoy ligoy pa dahil iyon naman talaga ang pinunta ko rito.
"He'll be here soon. Do you want to eat?" umiling ako nag-paalam muna. May mga damit ako dito na binili Dad para daw pag-uuwi ako. May sarili pa akong kwarto.
Natulog muna 'ko dahil sa jetlag.
Paggising ko ay nakahain na sila pero hindi pa nag-uumpisang kumain. Hinihintay yata nila ako.
"Celeste come here." tinap pa ni Auntie ang space sa pagitan nila ni Dad.
"Akala ko ayaw mong pumunta kasi maiiwan si Zashi doon." Nakakaintindi naman ng tagalog si Auntie kaya ayos lang na mag-tagalog kami ni Dad.
"May importante po akong kailangan malaman mula sa inyo." seryosong sagot ko.
"Let's talk about it later." tumango lang ako at tahimik kaming kumain.
Pagkatapos kumain ay inaya ako ni Dad sa office niya.
"So, what is it?" paninimula niya bago kami umupo.
"Dad, who's my mother?" napatingin siya sa akin habang nakaupo sa swivel chair at ang kamay ay nasa baba niya.
"Why are you suddenly asking this?" hindi nito pinag-tuonan ng pansin ang sinabi ko at niligpit ang mga papeles na nasa table.
"Dad, your ex wife told me. I have the right to know the truth." sinundan ko siya ng tingin habang may kinukuha sa mga dokumentong nakasalansan.
"Hindi ko sinabi sayo dahil iyon ang mas makabubuti. Pero sa tingin ko panahon na para malaman mo ang totoo. Nagkaroon ng ibang lalaki ang Mama mo. Nagsama lang kami dahil pinagkasundo kami ng mga magulang namin. Akala ko ay maayos ang kalagayan mo sa kaniya pero ang ang ama-amahan mo, nagkaroon ka ng malubhang sakit dahil sa pinapainom ka niya ng alak. Napag-alaman naming nag-aadik siya pero hindi siya hiniwalayan ng Mama mo kaya napilitan akong kuhanin ka sa kanila." umupo si Dad habang hawak ang isang blue notebook.
Inalapag niya ang isang litrato sa mesa. Pamilyar sakin ang babaeng ito. Nasa wallet iyon ni Zashi, nakwento niya sakin na iyon ang huling litrato nila bago mamatay ang yaya niya noong baby pa siya.
"Nakulong siya at nagtrabaho naman ang Mama mo sa mga Pallan. Iyon ang dahilan kung bakit nagulat ako noong unang makita kong kasama mo si Zashini."
"The reason why my mother died..."
TBC...
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
RomanceDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...