SPECIAL CHAPTER 1.2

594 13 1
                                    

"Up! Up!" hawak ni Lace ang kamay ni Avriel, na gustong magpabuhat. Piniga ni Avriel ang pisngi ni Lace bago buhatin. Hinalikan ni Lace si Avriel sa pisngi, at napansin ko si Zace na nakatingin ng masama.

"Ate Aviel likes me," asar ni Lace.

Natawa ako sa kanilang dalawa, minsan lang kasi sila mag-asaran dito sa bahay.

"Lace, bumaba ka na. Ang bigat mo na, baka nangangawit na si Avriel," sabi ko habang akmang kukunin si Lace ngunit bigla itong pumalahaw ng iyak.

"Okay lang po, gusto ko rin naman siyang buhatin. Ang cute cute niya po, ang kulit pa," sabi ni Avriel.

"Mukhang may pinagmanahan si Lace," tukso ni Nicole kay Zashi.

"Ano yun?" tanong ni Zashi.

"Mahilig sa mas matanda," sagot ni Nicole.

Nag-tawanan kami ulit dahil namula si Zashi.

"Actually, si Avriel parang susunod sa yapak namin. Mas mahilig kasi siya sa laruan at damit na pang-lalaki. Palagi kong sinasabi sa kanya na susuportahan namin siya kung sakali man na alam niyo na-maging parte din ng LGBT," sabi ni Minerva.

Napansin ko nga kanina sa bihis ni Avriel imbes na dress ang suot ay naka-jeans, white shirt at black jacket ito. Binalikan ko si Lace na kinikiskis ang ilong niya sa ilong ni Avriel habang tuwang-tuwa. Napaisip ako sa sinabi ni Nicole, pero kung dumating man ang panahon na iyon, susuportahan namin si Lace sa anumang desisyon niya. Basta't nasa tama at walang ibang masasaktan.

THE END

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon