Zashi's POV
Isang buwan mula ng una at huling pag-tawag ni Ate sa amin. Isa't kalahating linggo pa bago ako mag-take ng exam. Binubuhos ko lahat ng oras ko sa pag-babasa habang iniiwan ko ang laptop ko na nakabukas.
I'm hoping that Ate will call me to say goodluck and I can do it. I need her support.
Pero hanggang sa dumating ang araw ng exam ay wala akong narinig mula sa kaniya.
"Goodluck, Zash! Kaya mo yan!" Sigaw sakin ni Pau na ihinatid pa ko hanggang sa room kung saan gaganapin ang exam.
May iba't ibang type ito. Mayroon ding oral kung saan bibigyan nila ako ng tatlompung segundo para sagutin iyon.
Nandito rin ang head at director ng university na toh. Kumpleto yata ang lahat ng staff sa school na'to. Naka-live din kami na makikita sa loob ng school na'to para panoorin ng mga iba pang estudyante.
They're looking forward for the 3rd person na magiging mukha ng university nila. Nauna na ang anim na estudyante sa akin pero lalabas lang ang resulta kapag tapos na kami, apat nalang kaming natitira. It took them five hours at recorded din ang buong exam. Lalabas iyon sa tv kaya mas lalo akong kinakabahan.
Itinaas ni Pau ang kamao niya as a sign na laban lang. Inimagine ko nalang na nasa likod niya si Ate at sinusuportahan ako.
The exam started.
Natapos kong sagutan ang paper na ibinigay nila sakin habang nakatutok ang camera sa pag-sasagot ko. Pagka-bigay ko palang ay binigyan nila ako ng time para mag-pahinga habang chine-check nila ang papel.
Multiple choice ang kasunod kung saan kailangan kong pumili sa mga choices na ibibigay nila. But it's actual and it will take one hour to finish.
Naka-upo ako at sinasagot ang bawat tanong sa exams. Nakatingin silang lahat sakin. Kalmado kong sinagot ang mga iyon pero kinakabahan ako kapag hindi ko alam ang sagot. Inaabot pa ako ng last seconds bago ko maalala ang napag-aralan ko.
Two hours nalang at medyo nakahinga na 'ko ng maluwag. Susunod ay identification and fourty seconds naman.
"Mag-recess ka muna para mas gumana ang isip mo." ani ni Pau habang inaabot ang tubig at sandwich.
"Si Ate, hindi ba siya tumawag?" umiling lang si Pau at ako naman ay napabuntong-hininga.
"Miss Pallan, you have five minutes more." rinig ko sa speaker. Lumilipad ang isip ko habang hinahalukay ko ang mga binasa ko.
Pumasok na ako sa loob para sa huling round.
Kalmado ang mukha ko pero sa loob ko ay nagwawala na ang mga lamang loob ko.Sinagot ko lahat ng tanong base sa pagkaka-intindi at mga nabasa ko. Nang matapos na ay nag-bigay sila ng masigabong palakpakan. Kinamayan ko sila bago ako lumabas ng kwartong iyon.
Kailangan ko pang mag-hintay ng apat na araw.
They invited us to watch the next person. Para daw kung may mali kami ay malaman at matutunan pa namin iyon.
I got bored watching them while looking at my phone.
Bakit kaya hindi na siya tumawag? Nahuli ba sila? Panatag ako dahil hindi naman sila sinasaktan ng mga iyon.
I'm always not in the mood until the day of announcement.
Nakaupo kami ngayon sa stage sa harap ng lahat estudyante sa school. I'm wearing a formal suit.
Hindi na ko masyadong nakinig sa speech. Naramdaman kong may nakatingin sakin at nakita ko si Carmela sa bandang kanan malapit kay Pau. Nakangisi ito sakin.
Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa i-announce ang naka-pasa sa exam. Nilalamon ako ng kaba dahil lima na ang hindi umabot ang score. It has to be perfect pero may isa o dalawang mali. Matatalino ang mga toh, pano pa kaya ako?
Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nilaktawan nila ang pangalan ko. Nagtatanong ang mga mata ni Pau na nakatingin sakin kaya nag-kibit balikat nalang ako.
Tatlo nalang kaming hindi natatawag. Nagulat ako ng biglang tawagin ang nasa dulo bilang isa sa mga pumasa. Gayon din ang katabi ko. Tumatayo pa sila at sobrang lakas ng palakpakan. Pano naman ako na walang kakilala rito?
Hindi ko alam kung ayaw lang nilang tawagin yung pangalan ko dahil nag-announce muna sila. Ang pinaka-una at mabilis mag-sagot ang siyang magiging top notcher at makakakuha ng medalion na bilang pangatlong mukha ng school na toh.
Mag-papatayo rin sila ng statue na katabi ng first, second at founder ng university.
Paano kung bagsak ako? Napatingin ako sa gawi ni Pau at namilog ang mata ko ng makita ko ang buong tropa.
Nandito sila???
"Our top notcher for this year and the one who will recieve the third gold medalion. She'll have her own statue in front of our university. She'll also compete with Steinhadnt Unversity top notcher. None other than, Zashini Louise Pallan!
I was more shocked when I heard my name as a top notcher and wait? What?!
Anong?! Walang nabanggit si Attorney na competition. Natulala ako dahil do'n at kahit tinatawag na 'ko ng emcee. Bumalik lang ako sa huwisyo ng kalabitin ako ni Pau. Kasama ko na sila ngayon sa stage.
Binigay ko ang pinaka-magandang ngiti ko. Nakipag-shake hands ako sa kanila at kita ko ang mga banner na gawa ng mga estudyante.
"Congratulations! Good luck next week." ani sa akin ng director na mas ikinalapad ng ngiti ko.
Masaya kaming umuuwi pero hindi parin nawala sa isip ko ang kasalanan sakin ni Attorney.
"Atty. Roxas you didn't tell me na may competition." naiinis kong sabi. "Kailangan ko pang mag-tagal ng one week."
"I'm sorry, Zashini. I never thought na magiging top notcher ka. Ang goal lang ay makapasa ka but you made it! We're so proud you and I know tuwang tuwa ang pamilya mo kung nasaan man sila ngayon." napangiti ako sinabi nito.
"Ate will be happy too." nag-paalam na ako kay Atty. to celebrate with my friends.
"Artista na siya oh." natutuwang sabi ni Hanna na itinaas pa ang kanang kamay ko. Tipid akong ngumiti habang patingin tingin sa laptop ko.
"Congratulations! Unexpected but you deserve it!" Nakangiting sabi sakin ni Pau habang nakaharap din siya sa laptop. Hinihintay namin ang tawag ni Ate dahil baka mapanood niya ako sa tv or social media.
TBC...
BINABASA MO ANG
MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED
RomanceDISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...