CHAPTER 47

612 22 1
                                    

Celeste's POV

I'm so proud of her. At a young age kaya na niyang i-manage ng sabay sabay ang mga company na namana niya. Pero syempre kailangan parin niya ng tulong mula sa mga ate at kuya niya na nagsisilbing taga-turo niya sa kung ano ang pwedeng gawin.

I wonder kung paano siyang pinalaki. Nakwento niya sakin na mula alas-syete ng umaga hanggang alas-otso ng gabi ay tinuturuan siya sa pasikot sikot sa company tuwing weekend at walang pasok. Ganon din sa weekdays, pahinga ng kaunti tapos ituturo na naman sa kaniya ang mga dapat gawin.

Hindi pa siya adult pero hinog na ang isip niya. Kaya na niyang makipag-sabayan at napaka-matured ng isip niya. Pero syempre may pa-baby side parin na sa'kin niya lang pwedeng gawin.

Maaga kaming gumising dahil inip na inip na ang Uncle niya. Kinakabahan ako sa kung ano ang maaaring mangyari.

How can we protect ourselves if we'll lose everything?

"Zashi gusto kong sumama." Pamimilit ko sa kanya.

"Babe, hindi pwede. Ikaw ang lagi nilang ginagamit laban sa'kin. Hindi malabong gawin nila ulit yun. Saka baka mapahamak pa kayo." I pouted but it won't work on her.

"Hindi kami mapapakali kung nandito lang kami at naghihintay."

"Mas hindi ako mapapakali kapag napahamak  kayo—ikaw." She cupped my face. Nakikita ko ang takot sa mata niya pero hindi niya lang pinapahalata.

Tumango nalang ako at napilitang pumayag.
"Babe, it's me. You don't have to hide your emotions."

Bumagsak ang balikat niya saka ako niyakap.
Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Natatakot ako."

Ganon din kami dahil hindi sigurado kung susunod ba ang mga ito sa napagka-sunduan. Pero alam kong may awa ang diyos.

"Shhh...Ipagdasal nalang natin." Nanatili kaming nasa ganoong pwesto. Si Fhey naman ay hindi mapakali at paikot ikot.

"Zashini, let's go!" kumalas siya sa yakap at tinignan si Pau.

"Pau, kayo na muna ang bahala dito. Wag niyo silang palalabasin. Nay, yung mga bilin ko po. Kung kailangan itali niyo ang mga 'yan para hindi makalabas." Tumango ang mga ito.

Kasama namin ngayon ang mga kaibigan niya para daw may kasama at karamay kami.

Niyakap ko si Fhey na kanina pa umiiyak.

"P-paano kung—" I cut her off. We have to think postive and be prepare for the possible outcome of that transaction.

"Calm down. Lakasan mo ang loob mo."

Para makita namin ang nangyayari ay naglagay ng camera si Zashi sa button ng polo niya. Kinakausap naman namin siya sa pamamagitan ng earphone.

Lumapit ulit sa'kin si Zashi para mag-paalam.

"Babe, mag-ingat ka. Kailangan mong umuwi ng buhay. Do everything to save them." Kinakabahan ako dahil para akong namamaalam sa mahal ko sa buhay."

"I will."

Hinila niya ako sa kusina at sinakop ng halik ang labi ko. Habol ang hininga naming dalawa bago yakapin ang isa't isa.

"I love you!"

"I love you too!"

Bumalik na kami at isa isa niyang niyakap ang mga kaibigan niya. Kahit ang mga kasambahay at katulong ay niyakap din niya.

Maraming mga bantay sa labas para makasiguro sa kaligtasan ng lahat.

"Zash, mag-ingat ah. Ililibre mo pa kami." Pabirong sabi ni Pau. May ibinulong pa siya kay Zashi na hindi ko narinig. Pero alam kong tungkol yun sa'kin dahil napatingin sila sa'kin.

Binatukan lang niya si Pau saka sumunod na niyakap si Nay Yen.

"Anak mag-iingat ka. Tandaan mo kahit anong mangyari kailangan maka-uwi ka ng ligtas. Ipagdarasal nalang natin na bumalik na sa katinuan ang isip ni Mack."

"Naku! hindi po ganon kadali. Pinapaikot na ng pera ang ulo niya."

"Amain mo parin siya. At sana ay hindi pa niya nakakalimutan iyon." Tipid lang na ngumiti si Zashi.

Pagdating sa Uncle niya ay parang nawawalan na siya ng pag-asa na magbabago pa ito. Pagkatapos ng lahat ng mga kasamaang nagawa nito.

"Celeste." tawag sa akin ni Niesel dahilan para mapatingin sila sa gawi namin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tumingin ako kay Zashi at tumango lang ito. Nag-punta kami sa likod ng hagdan.

Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

I feel awkward...

"Ahm...is there any problem?" naiilang kong tanong sa kaniya.

Kinuha niya ang wallet sa bulsa niya at napanganga ako ng buklatin niya ito.

May litrato doon ng tatlong bata. Sa tingin ko ay siya yung isa—pero bakit kasama niya ako?

Mas matanda lang siya sa'kin ng limang taon.
Sa litratong ito ay sa tingin ko six years old palang ako ay siya at eleven.

"I used to play with you. Tinuring na kitang parang kapatid, kami ni Kuya. Bunso pa nga ang tawag namin sa'yo. He also wanted to marry you pag-laki mo dahil sobrang cute mo daw." nakangiting ani nito.

Hindi ako makapaniwala. Baka kasi kamukha ko lang.

"B-baka nagkakamali ka."

"Nope, si Jane Gomez ang ina mo, hindi ba? Sa amin ka niya na dinadala noon dahil magkaibigan sila ni Mama. Madalas ka nilang iwanan sa amin noong baby ka pa." Napatanga ako dahil doon. But it feels nice to have a sister kahit na hindi ko kadugo.

May kapatid kasi ako pero lalaki.

"Sorry...maliit pa kasi ako no'n kaya hindi ko alam." Nahihiya kong sabi. Ginulo niya ang buhok ko.

Feeling close agad ah...

"It's fine. I hope dumating yung araw na magka-bonding tayo nila Mama at ni Tita Jane."

"Sana...pasensya na hindi lang ako sanay dahil wala naman akong kamag-anak na kilala. Hindi ko rin alam kung sino ang mga kilala ni Mama."

"Okay lang. Saka salamat nga pala kasi kung hindi dahil sa'yo hindi kami makakarating sa punto na'to." Hinawakan niya ang kamay ko na mas nagpabigat sa atmosphere.

"Huh? Bakit ako?"

"Because you saved our saviour."

Ngumiti nalang ako at sakto naman na lumapit samin si Zashi. Nakangiti ito samin. Sa tingin ko ay alam na niya ang tungkol dito.

Well, Niesel is kind. May pagka-bipolar nga lang.

Bumalik na kami sa sala. Nakasalubong namin si Evren na nakakunot ang noo.

"Zashini mukhang may bisita pa kayo. May lalaki do'n sa gate hinahanap niya si Celeste.

Tumingin siya sa'kin at alam ko ang ibig sabihin no'n kaya umiling lang ako. Wala naman kasi akong iniimbita na kahit sino.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon