Professor Versoza in the media.
Kienne
"O Kienne! Kumusta naman yung zero mo?", kantyaw sakin ni Addy ngayon dito sa cafeteria.
At dito pa talaga nya ibabandera yung itlog ko sa maraming tao. Hayst."Titigil ka o uupakan kita jan?", di ko alam Kaibigan din pala to nina Yna.
Tss, Pag minamalas ka nga naman.
Nandito din sina George at Kylie. Nasa iisang table lang kami.
Pagkatapos ko dun sa office ni Ma'am, dumiretso na agad ako dito at mabuti naman binilhan na nila ako ---- cookies & cream milk tea and burger.
Medyo tunaw na yung ice ng milk tea pero okay na to.
Gutom na rin kasi ako eh."Ano yung sinasabi ni Addy na zero?", tanong ni Yna.
Hayst, di ko gustong pag-usapan to pero sige na nga."Yung pre-test natin kahapon. Malay ko ba sa mga sagot dun at tsaka isa pa pre-test lang dapat Yun eh, di naman dapat Yun recorded", paliwanag ko sa kanila.
"What? Recorded?",
"Mm, sabi sakin ni Miss Versoza tsaka pinare-take nga ako kaya ako natagalan.", tugon ko Kay Yna.
"Sayang, 5/10 lang akin, ikaw ba Addy ilan Yun sayo?",binaling ni Yna ang tingin sa kanya na busy lumamon ng burger.
Busaw din pala to."Wag na baka mainggit lang kayo", yabang talaga nito at ako pa talaga siniguro nyang tingnan.
Papatayin ko na talaga to."Enough na yan, guys. Nagpapaka-stress kayo masyado sa bagay na yan. Nagsisimula palang ang school year. Pwedeng-pwede pa yan mahabol", Tama nga naman si George.
"So since we are all complete already, pag-usapan na natin yung bar hopping natin this Saturday",
Bar hopping?
Saturday?
Ba't di ko to alam?"Malamang, bago ako sa grupo."
My devil brain.So ayun nga, napag-usapan nila yung pagba-bar this Saturday. Ayoko Mang sumama Pero wala akong nagawa since bago nga ako sa grupo.
Pa-welcome na rin daw nila sakin.
Ang sweet naman nila. Sa bar pa talaga.
At Isa pa, weekly routine na rin daw nila ito.*********
Pagkauwi ko sa mansyon ng lolo't lola, nasa sala pa lang ako, Amoy na Amoy ko na ang paborito ko ------ ADOBONG ATAY NG MANOK.
"Naks naman, mukhang mapaparami po ako ng kain nito ha", sabi ko Kay lola sabay mano sa kanya.
"Kaawaan ka ng Diyos ,apo", andito na ako sa kusina, halos nakahanda na ang lahat. Tanging di lolo nalang ang kulang.
"Si lolo po?", Tanong ko nito habang tinutulungan sya sa paghahanda ng Plato at kutsara.
"Nandun pa sa kwarto, Maya -Maya ay bababa na rin Yun", tumango naman ako.
Di nagtagal, lumabas na rin si lolo. Ang pogi Kong lolo Glenardo "Glen" Matienzo at ang maganda Kong lola Josefina "Pinang" Matienzo.
Nagmano muna ako Kay lolo saka kami kumain ng sama-sama.Natanong nila kahapon kung ayos lang ba yung University na Napili nila for me. Sabi ko naman oo kahit distracted ako masyado sa Isang professor dun.
"Nga pala iha, sa Sabado magagamit mo na kotse mo. Naasikaso ko na lisensya mo", sabi ni lolo sa kalagitnaan ng aming salo-salo. Tumango naman ako.
Bumili sila ng Kotse para sakin para hindi daw ako mahirapan dito sa Maynila since marunong din naman daw akong magdrive.
Tumutol ako nung una Pero wala rin akong nagawa.
Palibhasa kasi, ako lang yung anditong apo nila.
Spoiled masyado.
BINABASA MO ANG
HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)
RomanceGirlXGirl PROFXSTUDENT MAKUHA KA SA KAMANDAG! Kung ang ahas ay may makamandag na lason. Si Ma'am naman ay may makamandag na alindog. SHE GOT ME WITH HER VENOMOUS CHARM. Di nakakamatay pero nakakabaliw. -JANELLA KIENNE P. MATIENZO