Chapter 31

13K 364 42
                                    

Kienne's POV

"AB negative?",

"Baby?",

"Yes, it's the rarest blood type that occurs in the world's population. And about the baby, she's 2 months pregnant kaya as long as possible or within this day ay dapat masalinan na sya ng dugo para sa ikabubuti nya at ng baby.",

2 months pregnant?

Kaya pala iba ang mga kinikilos nya. Ito pala ang dahilan kung bakit sobrang clingy nya sa akin at ang busaw kumain ng balimbing.

Magkakababy na kami.

Gustuhin ko mang maging masaya sa balitang yun subalit natatabunan ang kasiyahang iyon ng pag-alala sa isipang nanganganib ang buhay ng dalawang mahalaga sa buhay ko.

Hinintay ko si Kuya Jio magsalita baka sakaling magrepesenta ito bilang donor tutal magkadugo naman sila pero sa reaksyon ng kanyang mukha ay tila salungat ito sa aking iniisip. Nanatili lang itong tahimik at parang lumilipad ang isip.

At dahil hindi ko na kayang hintayin pa si Kuya ay nagsalita na ako. Hindi na kasi ako mapakali sa kalagayan ni Yvon.
I want her to be safe as long as possible.

"Doc, AB negative po ako. I'll donate my blood to her.", walang pagdadalawang-isip kong boluntaryo.

Ganito naman talaga pag sobrang mahal mo ang isang tao. Gagawin mo ang lahat, makasama mo lang sya ulit.
At ganun din ako kay Yvon. Kahit na wala pang label ang relasyon namin pero kayang-kaya kong ibigay sa kanya lahat, kaya kong isakripisyo ang sarili ko. Kahit pa ibigay ko lahat ng dugo ko ay gagawin ko makasama ko lang syang muli. Sila ng magiging anak namin.

Tumango naman ang doktor saka nagtawag ng nurse para igiya ako sa isang room para icheck muna ang kalusugan ko kung pwede ba akong maging donor o hindi. At salamat naman sa Panginoon dahil nakapasa ako sa mga test saka isinagawa ang pagkuha sa akin ng dugo.

Para ito sa kaligtasan ng mag-ina ko.

Nang matapos ako makuhanan ay bumalik ako ulit sa waiting area kaharap ng emergency room. Pansin kong konti nalang silang nag-aabang. Wala na ang apat kong kaibigan at si Miss Farrah pero sina Kuya Vince at Miss Jasmine ay naririto pa.

"Nasaan na po sila?", bungad kong tanong sa kanila nang makalapit ako.

"They're checking the condition of rescued students pero babalik din naman sila dito.", tugon ni Miss Jasmine. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Ngiting hindi abot hanggang tenga dahil hindi pa rin humuhupa ang pag-aalala ko.
At sa tingin ko ay naintindihan rin naman nya iyon.

Uupo na sana ako sa tabi ni Miss Jasmine nang magsalita si Kuya Vince sa likuran ko kaya napalingon ako doon.

"Kienne, salamat.", sambit nito. Makikita pa rin sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala sa kapatid.

"Para saan po, Kuya?", nagtatakang tanong ko rito.

"For donating your blood to my sister.", napangiti ako sa sinabi at pagpapasalamat nya pero hindi na dapat nya ito ipagpasalamat pa.

"Kuya, wala po yun. Mahal ko po ng sobra ang kapatid nyo at sapat na yun para ibahagi ko rin kung ano ang meron ako. Hindi ko kayang mawala sya, Kuya.",

Ngumiti naman ito saka biglang inabot ang isang kamay ko.

"Napakaswerte ng kapatid ko sayo.",

"Parang baliktad po ata.", pareho kaming natawa sa naging tugon ko.

"Kahit na ang pangit ng ugali nun?",

"Kinakaya ko naman po pagiging tigreng-dragona nya. Natitiklop kasi yun sa isang bagay eh.", may kompyansa kong sabi rito.

HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon