SPECIAL CHAPTER II

13.5K 267 34
                                    

"Happy Birthday, Yana..", bungad na bati ko sa kapatid ng asawa ko saka inilagay ang dala kong bulaklak sa gilid ng libingan nya.

"Ken, bati ka na kay Ate Yana", tumango naman ang anak ko habang buhat-buhat ni Vanessa.
Sa katunayan, kanina ko pa yan sinusuway na bumaba na dahil baka mabibigatan si baby.

Yes mga mare, tama ang basa nyo.

We are having a baby number two!

At pinapangarap ko na sana babae naman this time. Kasi gagawin kong bakla. Eme.

1 month palang syang buntis kaya hindi pa masyadong halata. Sexy pa rin ang baby damulag ko.

"Tita, happy birthday po. Mommy and I baked a cake for you.", masiglang bati ni Ken. Napakunot-noo naman ako sa sinabi nito sa huli dahil kasali naman ako sa gumawa ng cake. Bakit mommy lang nya ang may acknowledgement?

"Uyy, tinulungan ko kayo sa pagbake ng cake ha. Wag kayong others jan.", kunwari tampo ko sa dalawa.

Alam nyo mga mare, simula nung nabuntis ulit si Vanessa ay sobrang magkakampi silang mag-ina. Sa tuwing sinasaway ko si Ken sa mga bagay na delikado o nakakasama sa kanya gaya na lamang nung halos ubusin na nya yung tsokolate sa ref. Sinaway ko kasi baka masobrahan o makasira sa tyan nya ngunit yung saway ko ay bumalik din sa akin mga mare.

Piangsabihan ba naman ako ng asawa ko na huwag ko daw hadlangan ang kagustuhan ng bata. Jusko, hindi naman sya ganun dati eh. May mga panahon nga na hinahayaan nyang umiyak ng umiyak si Ken huwag lang masunod ang kagustuhan ng bata.
Pero ngayon, ewan ko nalang sa kanila.

Hinahayaan ko nalang din dahil baka palayasin pa ako ng mahal kong asawa.

"Opo, mama pero paglalagay ng toppings lang naman po ang ambag mo. Not compared to me and mommy, we gave an effort to bake it for Ate Yana's special day.", mahabang litanya ng anak namin.

"Sus, effort din yun noh", sabi ko habang nilalagay at inaayos ang iba pang dala naming bulaklak para kina Mama at Papa.

Vanessa's parents. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang natatawag ko na sila ng ganito. Hindi nga lang nila naririnig pero alam ko naman na nanonood sila ngayon mula sa langit.
At gusto kong ipagmalaki sa kanila na maayos ang kalagayan at masaya ang anak nila sa puder ko. May maayos, buo at masayang pamilya.

"Babe, baba mo na si Ken. Baka ngalayin ka nyan.", saad ko sa kanya.

"Ken, bitaw na kay mommy. Sige ka, baka sipain ka ng baby brother or sister mo.", akala ko ay magmamatigas pa silang dalawa ngunit maya-maya ay sinunod din nila ako. Nangalay na rin siguro ang baby damulag ko.

Habang abala ako sa pagseset-up ng mga pagkain sa lamesa dito sa libingan ng mga Yapchengco.
Masyado kasing sosyal ang libingan ng pamilyang to, parang bahay kung ituring.

Sana all nalang talaga. Hindi na rin lugi kung madeads.

Habang ginagawa ko iyon ay bigla namang yumapos sa leeg ko itong asawa ko. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Ken na nakaupo sa rocking chair rito habang tutok na tutok sa nilalaro nito sa cellphone.
Nilingon ko muna dahil baka kung ano na naman ang gawin ng isa rito, makikita pa ng bata. Jusko, kotang-kota na ang mga mata ni Ken sa kalandian namin pero mostly, ako ang nilalandi ng isa rito.
At nagpapalandi rin naman ako. Wala kayang rason para tanggihan itong makamandag na nilalang nato.

"You smells so good, my love.", hindi ako nakapalag sa biglang pagsuksok at pagsinghot nya sa leeg ko.

At tsaka seryoso?!

Nanglalandi sya sa harap ng pamilya nya?

Ow, mukhang nakakahiya lalo na't buong pamilya nya ang naririto ngayon except lang kay Kuya Vince na nagpapakarami na. Akala nya kasi baog sya kaya sinusulit nya ang mga panahon na kaya pa nyang bumuo ng mga supling.

HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon