Kienne's POV
It's 9 pm in the evening. Kagagaling lang namin sa orientation. Dalawang oras mahigit kaming nakatunganga doon sa court malapit dito sa tinutuluyan naming village ngayon.
Inanunsyo at pinakilala na sa amin kanina ang inimbitahan nilang award-winning director na si Mr. Sebastian Cruz.Medyo dismayado pa nga si Yna dahil hindi natuloy sa pagdalo ang inimbita nilang artista dahil nagkaproblema sa schedule.
Bali-balita pa namang pogi ang artistang yun pero para sa akin, kahit na kamukha nya pa si Adonis. Wala akong pake.Pagkatapos naming naligo ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming cabin. Nakapagtataka lang dahil ako lang ang mag-isa sa Isang cabin eh samantala ang iba ay dalawahan at tatlohan. Magkasama nga sina Yna, Kylie at George. Si Addy naman kasama sina Lorenzo at Lucas.
Ako lang talaga ang nag-iisa. Sabi naman nila, pinareserve daw ito sa akin. Eh?Ang special ko naman kung ganun.
I was about to wear my pajama nang may biglang pumulupot na mga kamay sa bewang ko ng patalikod.
Biglang tumaas ang balahibo ko.Shuta.
May multo yata dito.
Juskolord. Sorry po, Panginoon. Magpapakabait na po ako.
"Hey baby", mahinang sambit nito habang nagsusumiksik pa sa batok ko habang ang mga kamay ay nakayakap sa akin.
Nang mabosesan ko ang ang boses nya ay nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko minumulto na ako.
Sya lang pala.
She's real.She's finally here.
"Y-yvon. Tinakot mo naman ako. Akala ko multo kayo",
"Yeah, I'm a ghost. A beautiful and sexy ghost", puri pa nito sa sarili nya.
"Woah", reaksyon ko. Unti-unti kong iniharap ang sarili sa kanya at nakataas na naman ang mga mahiwagang kilay nya mga mare.
"What? You don't agree with what I said?", sabay bitaw nito ng kamay sa bewang ko saka inilipat sa balikat ko.
"Hindi naman sa ganun. Nag-aagree naman ako kaso ang hangin mo", agad kong hinawakan ang bewang nito nang akma syang kakalas mula sa pagkakapulupot sa akin.
"Syanga pala, pano ka nakapasok dito eh nilock ko naman ang pinto kanina? ", imbes na sagutin ako ay may dinukot ito sa bulsa nya at iniangat ang susing hawak-hawak nya.
"I requested a duplicate key of your cabin",
Nang marinig ko iyon ay tila may narealize ako.
Kaya ba wala akong kasama rito dahil......
"Sandali, dito ka matutulog kasama ako?",
"Uh-huh",
"Ikaw nagpareserve nitong cabin?",
"Uh-huh", sabay tango nito.
Napakamot ako sa ulo ko.
Ayos din at mautak ang propesora nyo.
Pinili pa talaga nya itong cabin na distansya sa iba.
Ito lang kasi ang nalalayo kumpara sa iba na tagpi-tagpi.So alam na.
May binabalak."Yvon, baka nakakalimutan mong may mga kasama tayo at training itong pinuntahan natin, hindi bakasyon",
"So?",
"Anong so?",
"Ugh! Let them say and think whatever they want. Let me rest muna, okay. Later na yang mga tanong mo", maktol pa nito saka isinandal nya ang kanyang ulo sa dibdib ko.
May kung anong emosyon naman ang dumaloy sa katawan ko. Di ko alam. Bigla nalang nanlambot ang buong katawan ko sa simpleng gesture nyang ito.
BINABASA MO ANG
HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)
Storie d'amoreGirlXGirl PROFXSTUDENT MAKUHA KA SA KAMANDAG! Kung ang ahas ay may makamandag na lason. Si Ma'am naman ay may makamandag na alindog. SHE GOT ME WITH HER VENOMOUS CHARM. Di nakakamatay pero nakakabaliw. -JANELLA KIENNE P. MATIENZO