Kienne
Akalaing mo yun, biglang nawala sakit ng noo ko pagkatapos ng ginawang kalapastangan sakin ng dakilang tukso. Dalawang araw na rin ang nakalipas matapos ang pangyayaring yun.
At aaminin Kong marami akong nadasal sa mga oras na Yun.Plus one na talaga ako sa langit.
Pagkatapos ng duty ko sa HOT Radio ay dumiretso ako sa condo ni Addy dahil kinukulit na ako ng loko sa major output namin eh may dalawang linggo pa naman bago ang deadline.
Kasalukuyan kaming nagbabangayan ngayon kung anong movie ang irereview namin.
Marami syang suggestions Pero lahat naman walang kwenta."Porn addict ka talaga. Gusto mo bang ma-singko ha.", naiinis na ako sa Isang to. Ilang oras na kami ditong nakatunganga sa condo nya at ni Isang part ng review ay wala pang nasisimulan.
Pano ba kasi lahat ng suggestions ng loko ay puro erotic gaya ng Fifty Shades, After, 365 days at tsaka yung movies ng Vivamax."Eh kasi naman di mo ako tinutulungan mag-isip. Kanina ka pa ngiti ng ngiti jan. Nababaliw ka na ba ha.",
Me Smiling?
Masyado bang obvious?
Pano ba naman kasi si Ma'am nagpakilig na naman sa loob ng office nya after my classes that day nung binato nya ako ng marker.
"I'm sorry for what I've done earlier. I didn't mean to throw it on your forehead. I just didn't expect it will hit you.",
So ganun na lang yun?
Pagkatapos nya akong gawing dart board?
Hayst.
Kahit naiinis ako sa kanya ay nagagawa pa ring lumambot ang puso ko sa simpleng gesture lang ni Ma'am.
Kasalukuyang dinadampian nya ang noo ko ng ice pack dahil nagsisimula na itong bumubukol.
Hindi ko alam ba't ginagawa ni Ma'am to eh sya rin naman may kagagawan nito.
Baka kasi di nya sinasadya o nadala lang ng bugso ng damdamin. Sa isip ko.
Nagtataka nga ako ngayon dahil naging pusa na naman sya sa mga oras na to.
Ang hirap talagang i-predict tong guro na to."Aray, Ma'am!", nangingiwing daing ko nang idiin nya ang ice pack sa bukol ko.
Mapanakit masyado."I'm talking to you, idiot.", at dahil malapit lang kami sa isa't-isa ay naaamoy ko ang kanyang mainit at mabangong hininga.
Buhay na buhay na naman kaluluwa ko.
"S-sorry po, Ma'am. May iniisip lang po kasi ako.",
"So I'm talking to the air, here? How dare you, Matienzo.", naiinis nyang sambit. Ang hot nya Lalo dun.
Napangiti naman ako nang wala sa oras."Stop smiling. Hindi bagay sayo.",at dahil dun ay lumawak pa lalo ang ngiti ko. Inaasar si Ma'am.
Hindi bagay pala ha."Are you crazy, Matienzo?",hindi ako sumagot. Ngiting-ngiti pa rin ako.
"Aww! Aray po!, Ma'am. Masakit po!", daing ko ulit nang idiin nya ang ice pack sa bukol ko. This time ay sobrang diin na mga mare kaya napahawak na rin ako sa hawak nyang ice pack para iwaksi sa noo ko pero malakas sya mga mare kaya wala na akong magagawa.
Mapanakit!
"Still ignoring me?", naiinis nyang sambit habang ako hirap na hirap na sa pinanggagawa nya. Hindi na maipinta ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)
RomanceGirlXGirl PROFXSTUDENT MAKUHA KA SA KAMANDAG! Kung ang ahas ay may makamandag na lason. Si Ma'am naman ay may makamandag na alindog. SHE GOT ME WITH HER VENOMOUS CHARM. Di nakakamatay pero nakakabaliw. -JANELLA KIENNE P. MATIENZO