Kienne's POV
"Hoy, ano ba kayo. Para kayong timang na, ilang linggo lang naman akong mawawala.", pag-aawat ko sa mga kaibigan kong naging unggoy na. Kung makakapit kasi sa akin parang feeling nila hindi na ako babalik rito eh semestral break lang naman ito.
"Hoy, bitaw na ba", ayan nailabas ko tuloy pagkabisaya ko.
"Mga moron, bitawan nyo na si Jumbo Hatdog. Ibinilin nya rin naman sa atin ang condo nya, ang dami kayang supply yan. At least sa pagtatambay dun hindi natin sya mamimiss", at ayun na nga, hindi ko naman talaga planong ibilin sa kanila ang condo ko dahil alam ko uubusin na naman nila supply ko dun kaya lang yun lang ang paraan ko para tumahimik na ang mga ito sa kakapilit sa akin na pagkatapos na daw ng second semester ako babalik sa probinsya.
Namimiss ko na rin naman sina Inang Pim, Tatay at Jepoy kaya napagdesisyonan kong ngayon na ako uuwi pero ngayon kasama ko ang future asawa ko.
Charmos ginamos, ang yabang ko na."Kienne, let's go?", sambit ni Vanessa sa likuran namin. She's with Miss Jasmine. Di talaga sila mapaghiwalay.
"O, alis na kami. Kita nalang tayo ulit sa pasukan.", sambit ko sa tatlong nakakapit pa rin sa akin. Mga unggoy nga talaga.
Akala ko magmamatigas pa ang mga ito ngunit dahan-dahan itong kumalas at binitawan na ako ng tuluyan."Sige na nga babye na nga, ingat kayo sa byahe. Pakiss nalang sa kapatid mong pogi yiee", sambit ni Yna. Minsan na rin kasing nangialam sya sa cellphone ko kaya dun nya nahagilap si Jepoy at eto pinagtitripan na naman kapatid ko.
Wala syang pag-asa dun. Strict ako. Char.
Pero asa naman syang papayagan ko talaga. Jusko, parang kapatid na nga nya yun eh. Child abuse sya masyado.
Naku, kung makapagsalita naman ang hindi rin na-child abuse.
Pero consider natong sa akin. Atleast, hindi na ako minor."Siswak, mamimiss ka namin.",si George.
"Send regards nalang sa family mo, Kienne. We'll miss you.", si Kylie.
Etong mga to, kung makapagreact parang hindi na ako babalik.
Si Addy lang talaga ang hindi OA rito.Pagkatapos kung marinig ang mga habilin at hinaing nila ay panay naman tawag sa akin si Vanessa sa likuran. Hindi na kami nagririnigan rito dahil sa malakas na dahunog ng chaffeur.
Opo mga mare, chaffeur gamit namin papuntang Bukidnon at ang may pakana nito ay walang iba kundi ang maidlot kong future asawa, char.
Pero seryoso, pagmamay-ari nya ang chaffeur. Ang yaman nya sobra.
"O sige na, video call o chat-chat nalang tayo. Ingatan at alagaan nyo ang condo ko ha. Papatayin ko talaga kayo pag pakalat-kaalat kayo dun.", paalala ko sa kanila. Knowing them, mga party person.
Hindi sila tumugon bagama't tumango-tumango ito at ngisi ng ngisi.
Alam na.
Mapapatay ko talaga sila pagbalik ko dito.
"Ingat kayo, Jumbo Hatdog. Kita-kits!",
*********
Maayos at ligtas kaming lumanding sa patag at malawak na lupain malapit lang sa bahay namin.
Sa katunayan, pagmamay-ari ito ni Tatay, gagawin nyang pastuhan soon ng mga mapapakinabangang hayop gaya ng manok, kambing, bibe, baboy at marami pang iba.Malayo at bababa palang kami ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Inang Pim at sigurado akong si Jepoy na naman ang dahilan.
Alam kong narinig din iyon ni Vanessa dahil lumingon ito sa akin tila kinakabahan o natatakot.
Inabot ko ang kamay nito saka ngumisi sa kanya.
BINABASA MO ANG
HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)
RomanceGirlXGirl PROFXSTUDENT MAKUHA KA SA KAMANDAG! Kung ang ahas ay may makamandag na lason. Si Ma'am naman ay may makamandag na alindog. SHE GOT ME WITH HER VENOMOUS CHARM. Di nakakamatay pero nakakabaliw. -JANELLA KIENNE P. MATIENZO