Chapter 13

19.1K 461 87
                                    


Kienne

"What's that again?", naiirita at naiinis na sambit ni Ma'am Versoza nang buksan nya ulit ang pintuan ng silid.

Pano ba naman kasi, di matapos-tapos ang discussion nya dahil sa mga estudyanteng katok ng katok.

In short, inistorbo nila ang klase ni Ma'am!

Pambihira naman kasi itong mga manliligaw ko eh walang pinipiling oras.

Sa araw na to, may limang kape at anim na chocolate na akong natanggap ngayon.

Pero binigay ko lahat dito sa mga busaw kong mga classmates.

At ngayon may panibago na naman.

Di na maipinta ang mukha ni Ma'am sa galit.

Anumang oras ay bubuga na sya ng apoy.

"G-good Morning, Ma'am. For Kienne Matienzo po.", ngiting sabi ng magandang babae sa labas sabay angat ng kanyang dalang milktea.

Uy, favorite ko yan. Di ko yan tatanggihan.
Pero sana naman cookies and cream flavor yan.

Hindi pinansin ni Ma'am ang babae sa halip ay lumingon ito sa gawi ko at pinukolan ako ng masamang tingin.

Nakatingin rin sakin mga chismosang classmates ko.

"Lagot ka, Kienne.", pananakot pa nitong katabi ko.




"Matienzo.",





"M-maam.", shit. Ba't ako natatakot?






"GET OUT.", madiin nyang sambit. Pag ganito na tono ng boses nya. Matic galit na.

Wala sa oras naman akong sumunod sa utos nya at dahil nasa pintuan pa sya ay yumuko ako doon at diretsong naglakad palabas.

Sakto namang pagtapak ko palabas ay sya ring pagsara nya ng pinto.

Di lang yan mga mare. Padabog pang sinara.

Grabe naman, parang di nanglandi nung isang araw ah.

Napakamot nalang ako sa batok at nginitian ang magandang babae na nasa aking harapan .
Ibubuka ko na sana bibig ko para magsalita nang tumunog ang phone ko.

Dinampot ko naman ito sa bulsa saka binuksan.



Maam Hottie Ganda 🔥❤️

TALK TO YOUR ADMIRERS TO STOP GIVING YOU SUCH STUPID THINGS!

Nawala agad ang takot ko dahil sa message nya.





Me.

Bakit ko naman po gagawin yan, Ma'am? Eh manliligaw ko ang mga yun?

Napangisi ako sa naging reply ko. Kung hindi ko kayang umamin sa kanya eh di sya paaminin ko.
Problem solve.

Di nagtagal ay nagreply ulit sya.
Akala ko ba bawal magcellphone while in class?

Napaka-unfair naman kung ganun.

At tsaka ang importante ko naman masyado para maglaan sya ng oras para lang dito.


Maam Hottie Ganda 🔥❤️

Whatever, Matienzo.

Just follow my order or else.....

Naintriga ako kaya nagreply ulit ang mare nyo.



Me.

Or else ano, Ma'am?





HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon