"Mama!","Mama!",
"Mama!", matinis na boses nitong sigaw sabay yugyog at pagdamba nito sa likod ko.
Nagising ako roon dahil kahit maliit pa lang ito ay ramdam mo pa rin ang bigat ng batang ito.
Maglilimang taon palang pero parang isang sakong bigas na ang bigat.Hinawakan ko sya sa likod ko saka tumihaya ng higa at isinakay ito sa tiyan ko. Nasanay kasi akong matulog na nakadapa at itong butihing anak ko ay ginagawa akong kabayo tuwing umaga. Ito ang habit nya kapag nakikita nyang nakadapa pa ako sa kama.
Mas nauuna kasi itong magising kaysa sa akin eh kaya ang ginagawa nya ay lumilipat sya dito sa kwarto namin ni Vanessa para inspeksyonin kung tulog pa ba ako.
Sa katunayan, ako lang ang hindi morning person sa pamilyang to dahil si Vanessa ay maaga rin nagigising. Gulat nalang ako paggising ko, may nakahain na sa lamesa, nakasampay na ang mga damit at malinis na ang bahay."Baby, bakit?", inaantok ko pang tugon sa kanya.
"Mama, si Mommy tinatapon po yung mga damit mo!", agad naman akong napadilat nang sambitin iyon ng anak ko.
Shuta.
Ang aga-aga, tinotopak na naman ang asawa ko.
"Ha? Bakit daw?", nakaupo ko ng tanong sa kanya habang nasa kandungan ko pa rin sya.
"Hindi ko po alam pero base po sa itsura nya mukhang galit po. May ginawa na naman po ba kayong kalokohan, mama?", itong batang ito, walang tiwala sa ina.
Nang marinig ko iyon ay agad ko syang ipinaupo sa kama saka ako tumayo para puntahan ang asawa kong may regla araw-araw.
"Jan ka lang, Ken Lee ha. Huwag kang aalis dito.", utos ko sa anak ko.
"Opo", tugon nito sabay tango. Ginulo ko naman ang buhok nito saka umalis na ng kwarto.
Pababa palang ako ay rinig na rinig ko na ang kalabog sa baba. Jusko.
Ano na naman bang ginawa kong kasalanan?
Umattend lang naman ako ng victory party kagabi.
Wala naman akong naalalang iba ko pang pinuntahan o ginawa kagabi.Nang makababa ay eksaktong humarap sya sa akin saka walang pasabing ibinato ang pantalon ko. Sapul sa mukha mga mare. Agad ko naman iyong tinanggal sa mukha kong nakatabon saka tiningnan sya ng nakapagtataka.
"Baby, bakit? Anong ginawa ko?", una kong tanong nito. Mahinahon lang tayo mga mare dahil kapag magtatapang-tapangan ako rito ay mas higit pa ang ibubuga nya sa akin. Mahirap na, ayokong kalabanin ang mahal ko.
"Oh, ask yourself, baby.", mahinahon rin nitong sambit pero kita at ramdam ko yung gigil nya.
Based on her face, mukhang ang laki ngang nagawa kong kasalanan."Kung tungkol ito sa pag-attend ko sa victory party kagabi, sorry na. Nalate lang ako ng uwi dahil inasikaso ko pa ang mga kasama ko. I'm the director at bilang nakatataas sa kanila ay kailangan ko munang siguruhing safe silang makauwi. Yun lang, baby umuwi na ako pagkatapos nun.", pagpapaliwanag ko ulit sa kanya. Actually, nagpaliwanag na ako kagabi pagkauwi na pagkauwi ko pero akala ko magiging panatag na ang loob nya.
"Really? Then what is this?", sabay angat ng pulang lipstick at ipinakita sa akin.
"I don't use dark red lipstick. Sa babae mo ba to?", hasik nya sa akin. Ayan na naman sya sa mga hinala nyang hindi naman totoo.
Inaalala ko ang nangyari kagabi, nandun ang mga kaibigan ko. Kahit wala silang parte sa blockbuster hit na pelikulang dinirek ko ay inimbita ko pa rin sila. May ambag rin naman sila sa tagumpay na yun dahil sa kabilaang block screening ang ginawa nila at siguradong-sigurado ako na isa sa kanila o silang lahat ay may kinalaman dito sa lipstick nato.
BINABASA MO ANG
HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)
RomanceGirlXGirl PROFXSTUDENT MAKUHA KA SA KAMANDAG! Kung ang ahas ay may makamandag na lason. Si Ma'am naman ay may makamandag na alindog. SHE GOT ME WITH HER VENOMOUS CHARM. Di nakakamatay pero nakakabaliw. -JANELLA KIENNE P. MATIENZO