Chapter 29

12.3K 359 60
                                    

⚠️ HEAVY EMOTIONS AND DEADLY WEAPON INVOLVEMENT AHEAD

33 years ago

➡️Nelson Yapchengco & Bernadette Yvon De Javier wedding day

Here I am, nakaupo, pinapanood at pinapakinggan ang kanyang panata sa magiging asawa nya simula ngayong araw.
Labag man sa kaloobang dumalo sa kasal ng babaeng minahal ko ng buong-buo pero kinakailangan kong pumarito.

Kailangan kong magpakita alang-alang sa pagkakaibigan ng aming pamilya.

Yapchengco and Puertoville are great friends and partners. Not only of business world kundi katuwang na rin namin ang isat-isa. Kung may problema ang isa sa pamilya namin ay handa ang lahat dumamay at tumulong. We build stronger support system habang patagal ng patagal.

At ito ang isa sa dahilan kung bakit inilihim namin ang nabuong romantic relationship namin ni Yvon.
It all started when we are tasked to meet a client. A business client to be specific.
Pauwi na sana kami nun nang bumuhos ang malakas na ulan so wala kaming nagawa kundi ang manatili muna sa kotse dahil delikadong bumiyahe habang malakas ang ulan pag nagkataon.

Aaminin kong nahihiya ako sa kanya dahil sino ba namang lalaki ang hindi mahihiya sa sobrang ganda nya, ang amo ng mukha nya. She's everybody's ideal woman.
Pero kahit na ganun ang nararamdaman ko ay nilakasan ko ang loob kong wag mahiha at maging komportable sa harap nya.

Napapansin ko naman syang nilalamig dahil na rin sa suot nyang sleeveless top kaya walang pag-alinlangang hinubad ko ang aking tuxedo at ibinigay sa kanya.

"Suot mo muna, nilalamig ka.", may ngiti kong sambit saka iniabot sa kanya ang damit ko.
At first, akala ko hindi tatanggapin but to my surprise she accepted it kaya walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko.
Parang achievement na to para sa akin. Eh kasi naman madalas kong naririnig tungkol sa kanya ay suplada, mahirap amuhin at palaging nakasimangot.
May mga naririnig pa nga akong maraming naliligaw sa kanya ngunit lahat yun basted sa kanya.

Tumagal ng ilang oras ang ulan bago ito tumila at sa loob ng ilang oras na yun ay napagtanto kong mali pala ang mga naririnig ko tungkol sa kanya.

Masaya naman pala syang kausap at kasama. Ngumingiti at tumatawa pa nga eh at mas lalo syang nagiging maganda pag ganyan lagi ang nakaukit sa kanyang mukha.

Para syang anghel.

Mula sa simpleng interaksyon na yun ay naulit ng naulit ng naulit at naulit.
Palagi na kaming magkasama. Kung asan ang isa, nandun ang isa. We became inseparable hanggang sa may mga selosan ng nangyayari.

Naiinis ako pag may kasama syang ibang lalaki o sa mga pumoporma sa kanya at ganun din sya sa akin. Ayaw nyang may nanlalandi sa akin na ibang babae.

Hanggang sa dumating ang araw na nakita nya ako sa bar na may kasama at kahalikang babae. Walang pag-alinlangang sinabunutan nya yung babae at agarang hinila nya ako sa madilim at walang taong lugar.

And the next thing she said that night makes me jump in happiness.

"Siraulo ka! Hayop ka! Nagawa mo pa talagang makipaghalikan sa ibang babae habang ako litong-lito na sa nararamdaman ko!", mangiyak-ngiyak nyang sambit habang hinahampas ako sa dibdib.

Masakit ang mga hampas nya pero mas masakit ang makita syang umiiyak. Hindi ko kayang nakikita sya ng ganito.

"Mahal kita, Alfonso! Dapat malaman mo yan!",

HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon