Kienne
"Aray, Ma'am! Dahan-dahan naman po. Ang sakit.", nangingiwi kong sambit.
Kasalukuyang ginagamot nya ang mukha ko dito sa sofa ng living room nya."Don't move. Malapit nato.", tugon nito habang idinidikit ang band-aid sa pisngi kong may galos na sa tingin ko ay nadaplisan sa Kiko nyang matutulis at mahahaba.
Lagyan nya pa sana ng isa pang band-aid ang mukha ko nang pigilan ko ang Kamay nya.
"Huwag na po, Ma'am. Okay na po ito. Hindi na rin naman po masakit.", saglit kaming nagkatitigan at maya-maya lang ay bumuntong-hininga ito at ibinalik sa lalagyan ang hawak nitong band-aid na Sana ay ididikit pa nya sa mukha ko.
"Okay fine.....and I'm sorry.",
Sabihin nyong nananaginip lang ako. Totoo ba tong naririnig ko?
Professor Yvon Versoza ay humihingi ng tawad?
Di man makapaniwala ay nagawa ko pa ring maging kalmado sa harapan nya.
"Ano po ulit yun, Ma'am?", malinaw ko namang narinig Yun Pero gusto ko lang ipaulit sa kanya kung totoo bang nasabi nya iyon ng bibig nya.
At isa pa, gusto ko lang makasigurado.
"Pwedeng pakiulit po yung sinabi mo? Baka multo kasi yung narinig ko?",
Tinaasan nya ako ng kilay saka sya sumandal sa sandalan ng sofa at Tila naiinis sa sinabi ko.
Eh masisisi nya ba ako kung bigla nalang nag-iba ang ugali nya.
Hindi naman ito ang normal na Ma'am Versoza na nakilala ko.
Hindi nga Yun bumabati at ngumingiti.
Kung ngingiti man ay pilit pa tas akala mo naman dala-dala nya ang problema sa mundo sa sobrang katarayan at kasungitan nya.So therefore I conclude that it is impossible for her to apologize however here she is.
I heard her saying sorry.
Achievement nya na ba to?
From 100% dangerous tigreng-dragon to 99.99%.
She's still dangerous but pwede na ,kaya ng amuhin.
"Too bad if you didn't hear clearly. Sana nirecord mo nalang yun dahil hindi ko na yun uulitin.",
Ang damot naman nito Pero inaasahan ko na ito. I already know her dahil Isa rin ito sa class rules nya.
Pag sinabi na nya at pag lumabas na sa bibig nya. Wala ka na talagang aasahan pang pangalawang beses dahil sa 'no repeat, just once' nyang class rule.Kaya sobra kaming nangangapa pang nagpapaquiz sya sa amin dahil sa rule na yan.
Kailangan talaga pag papasok ka sa klase nya ay ready na ang tenga sa pakikinig sa kanya. Dapat malinis at wala ng floorwax sa loob ng tenga para malinaw at dinig na dinig di lang ang sinasambit ng bibig kundi pati na rin ang puso nyang hindi pala ikaw ang tinitibok!"Ahm Ma'am, alis na po ako para makapagpahinga na rin kayo.", Sabi ko sa kaharap Kong nakapikit na ang mga mata habang nakasandal sa sofa.
I think she's really exhausted Lalo na't may body pain syang nararamdaman kanina pa."Yeah, you may go now.", tugon nya saka tumayo na ako at saglit muna syang tiningnan para Sana magpasalamat kaso ayaw ko na syang maistorbo kaya tumalikod na ako at nakaisang hakbang pa lamang ako ay narinig ko ang boses nya.
"Wait.", Pigil nito sa akin kaya napahinto at napalingon ako sa kanya na ganun pa rin ang posisyon nya kanina.
Kahit nakapikit ang mga mata nito ay batid Kong nararamdaman nya pa rin ako. Hindi na ako nagsalita pa't hinintay ang kanyang susunod pang sasabihin at naiintindihan nya rin naman ata Yun.
BINABASA MO ANG
HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)
RomanceGirlXGirl PROFXSTUDENT MAKUHA KA SA KAMANDAG! Kung ang ahas ay may makamandag na lason. Si Ma'am naman ay may makamandag na alindog. SHE GOT ME WITH HER VENOMOUS CHARM. Di nakakamatay pero nakakabaliw. -JANELLA KIENNE P. MATIENZO