Chapter 6

15.5K 428 46
                                    

Professor Versoza in the media.

Kienne

"Kienne! Partner!",

"Tumahimik ka Addy, kung ayaw mong mawala yang mukha mo.", kasalanan to ng mga ka-block mates namin eh.
Pano ba naman kasi, nagbigay ng option si Ma'am Versoza either 'choose your own partner' o 'counting' para sa major output daw namin this semester which is gagawa daw kami ng movie review.
Ang mga loko pinili nila ang counting at tadhana nga naman. Si Addy pa ang natyempuhang kapareha ko ng number.

"Easy lang tol, alam kong ayaw mo sa pagmumukha ko Pero Grado natin nakasalalay dito.", sabi nya nang nakaupo na sya sa table namin.

Andito kami ngayon sa cafeteria. Kakatapos lang ng klase ni Professor Versoza. And speaking of her, masaya ako dahil pumasok na sya.
Hindi naman sa assuming ako Pero mukhang effective yung pakiusap ko sa kanya nung Isang araw.

Yun nga lang, tinambakan naman kami ng quizzes at activities sa pagbabalik nya. At tsaka meron pa itong major output na ayokong atupagin dahil sa kasama ko.

"Ano ba yan! Para kayong mga aso't pusa. Sige kayo baka kayo pa magkatuluyan Nyan.", saway samin ni George.

"No!",

"Asa sya!",

Sabay naming tutol ni Addy.
It's a capital NO for me.

Mani nga ang gusto ko diba!!!!?

"Yan? Makakatuluyan ko? Ay naku, wag nalang. Makakalbo agad ako sa Sama ng ugali Nyan.",

"Wow! Kala mo naman papatulan kita. Nahiya naman magandang lahi ko sayo.", bira ko pa sa kumag na to.

Aga-aga, pinapakulo nya dugo ko.

"Yna, magswap nga tayo ng partner. Baka di ko mapigilan sarili ko sa Isang to eh.", pakiusap pa ni Addy.

Si Yna kasi partner nya si James. At tsaka sya pala yung James na tinutukoy ni Addy dun sa groupchat. Gwapo naman Yun, may pagka-badboy ang dating. Crush ata ni Yna o yung James ang may gusto. Makalimutan Kong itanong.
Busy kasi ako sa life.

"Wag na, kaya nyo na yan.", kita mo na, Pati na rin si Yna nakikiship na rin samin sa kumag na to.

Well, sorry nalang sila.
Di kami talo.

Napabuntong hininga naman si Addy na para bang ikamamatay nya yung pagiging partner ko sa Isang project.

Don't worry Addy, the feeling is mutual.

Ngumisi naman ako sa kanya. May Gana akong asarin sya ngayon kaya lubus-lubusin ko na.

"George, Ms. President called a meeting right now. We have to go.", nakuha ang atensyon naming lahat Kay Kylie habang nakatuon ang tingin sa phone nya.

Lingid sa inyong kaalaman, si Kylie at George ay mga SSC officers.
Si George secretary at si Kylie naman ay Treasurer.
Di nga lang halata sa itsura nila na may posisyon sila dito sa AU Pero Yun ang totoo. SSC officers sila.

"Guys, maiwan na namin kayo ha. See you!", tumango naman kaming tatlo. Ngumiti lang sa amin si Kylie saka tumayo at umalis.

Sa totoo lang, boring kabonding tong si Kylie. Isang iritadong nilalang. Ayaw ng maingay Pero ingay ng bar. Ayaw ko nalang magtalk.

Akala ko pa naman makakasundo ko sya though magkasundo naman kami Pero di gaanong tumatalab charm ko sa kanya kahit na sinabi ni Yna na crush nya ako. Parang di ko naman feel.
Baka prank lang Yun ni Yna.

Saktong tumunog na ang bell para sa next subject pagtayo namin sa table.
Tapos na kaming kumain. Busog na rin ako. Feeling ko sasabog na tong tyan ko sa sobrang busog.

HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon