Chapter 5

15.9K 392 33
                                    

Professor Versoza in the media.

Kienne

"Hoy Addy, bwiset ka! San ka ba nagpunta nung Sabado?", bungad ko sa kanya pag-upo namin. Nandito kami sa cafeteria.

Napaaga kaming naparito dahil absent si Professor Versoza.
Nag-Iwan lang sya ng coverage sa ididiscuss nya pagbalik nya.
Di ko naman masisisi si Ma'am kung wala sya ngayon.

Mahirap magturo Pag heartbroken.

"Sikretong malupet.",

"My god, Addy! Don't tell me, your having sex with a stranger that night?" tanong naman ni George.
Di na ako nagtataka kung Yun nga yung dahilan ng paglaho nya.
Pare-pareho lang sila ng lalaking Yun.

"Secret nga eh. Ano bang secret sa Inyo?", sus, affected masyado.

"Nga pala, bakit kaya wala si Professor Versoza ngayon?", biglang tanong ni Yna.
Gusto ko mang sabihin sa kanila kung anong nangyari ng gabing Yun Pero ayoko.
It's too personal para Kay Ma'am at tsaka isa pa, wala naman akong karapatan sabihin Yun.

"Oo nga, wala tuloy akong ganang pumasok ngayon.",

"Manahimik ka, Addy!", sita ko sa kanya.

"Bat ba ang init ng ulo mo sakin? May gusto ka ba sakin ha?", Wow, Yabang!

"Kapal mo naman, ano ka gold?",

"Will you just shut your fucking mouth? Ang sakit pa ng ulo ko",
Thanks to Kylie dahil kung hindi, magpapatayan talaga kami ng kumag nato.

**********

Ito ang unang araw ko sa condo, di ako sanay Pero sa tingin ko mabubuhay naman ako dito kahit papano.
Marunong naman akong magluto. Minsan, di nga lang gaanong masarap Pero okay na yun. Pagkain din naman Yun.
At Isa pa, excited ako ngayon dahil unang Gabi ko ngayon bilang radio DJ ng Isang sikat na radio station sa bansa.
Abot langit ang excitement ko.

Pagkatapos Kong makapagluto ng fried egg at tuyo ay kumain na ako para makapag-prepare na ako for tonight's video.
Yung fried egg at tuyo pala is a perfect pair for a meal especially breakfast.
Ternohan pa ng suka yung tuyo.

So yummy!

Bago ko nilisan ang kusina ay naghugas muna ako ng pinggan then diretso akong shower room.
Habang nagbibihis ako ay di ko maiwasang mag-alala Kay Professor Versoza.

Ano kaya yung ginagawa nya ngayon?

Sana kung umiiyak pa sya hanggang ngayon, Sana may taong masasandalan nya o kasama nya man lang.

Nag-aalala ako.
Alam ko, hindi ko to dapat maramdaman Pero kitang-kita ko kung pano sya niloko ng boyfriend nya.

Pero Sana maging maayos na sya at Sana pumasok na sya sa klase namin.
Yun lang.
Okay na ako dun.

***********

"Good evening, hotties! Tune in now sa ating favorite station ng bansa HOT Radio 91.7 Ang init!.
And speaking of init, eto na ang magpapainit sa inyong gabi. Your one and only Habibi, DJ Abbi at your service.", pinindot ko yung palakpak effect.
"Lovelife nyo ba'y nanlalamig? O di kaya papunta na sa malamig?", at may pa sad effects pa akong nalalaman.
"Naku, easy lang mga ka-hotties. Kwento nyo yan sa ating 'Lovelife mo, Advice ko' hatid ng nag-iisang hottie on air, yours truly DJ Abbi.", nilagyan ko ng kaunting mellow music background saka nagpatuloy.
"So eto na ka-hotties, wag na nating patagalin to. Dial number 095478***** and later on, call call na tayo.
For now, bigyan ko muna kayo ng pangmalakasang heartbreak song.
Kaway-kaway sa mga gusto pang kumapit jan. Higpitan ang kapit, hotties! Enjoy!", at ipinatugtog ko ang "Gusto ko ng Bumitaw" ni Sheryn Regis.

HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon