Chapter 10

17.6K 411 28
                                    

Kienne

"Apo, sino naman ang pagbibigyan mo nyan, aber? Wag mong sabihing may nililigawan ka na?",

Andito ako ngayon sa flower farm ni Lola.
Ayaw kasi akong bigyan ng Esperanza eh isang bouquet lang naman.
Pero kalaunan binigyan din naman ako mga mare.

Andami nga lang tanong.
Dinaig pa si Boy Abunda kung makapag-interview.




"La, hindi po ako nanliligaw. Ibibigay ko lang ito sa paboritong professor ko kasi nga po Teacher's Day ngayon.",



"Siguraduhin mo lang, Janella Kienne dahil kung hindi isusumbong kita sa Tatay mo.", hay! Ang lola Kong sumbungera.




"Lola naman.", ipinulupot ko ang aking Kamay sa beywang nya at isiniksik ko ang aking mukha sa leeg nya.


"Naku, naku, naku. Wag mo akong madaan-daan sa lambing mong yan ha.", walang halong biro. Gusto ko lang talaga manglambing.
Prank ko nga to si Lola.







"La, may sasabihin po ako sa inyo.", seryoso Kong sabi habang nakasiksik pa rin ang mukha sa leeg nya.






"Ano Yun?",




"La, wag kang mabibigla ha.",



"Ano nga Yun? Pinapakaba mo naman akong bata ka.",


"Basta promise nyo po sa'king wag po kayo mabibigla.",



"Pinagtitripan mo ba ako?", minsan parang barkada ko na rin tong si Lola eh.
Lakas maka-bagets.




"La...", huminto muna ako saglit para may thrill at pilit iseneryoso ang boses para kapani-paniwala ang acting.



"La, nakabuntis po ako.",pilit Kong di matawa sa acting Kong to.

Hinihintay ko ang reaksyon ni Lola Pero nanatili lang itong tahimik.
Aangat na Sana ako ng tingin para makita ang mukha nya nang bigla nyang kinurot ang tagiliran ko.

Shit!

Masakit pa sa break up ang kurot ni Lola.
Napabalikwas ako sa pagkayakap sa kanya dahil mahapdi ang kinurot nya mga mare kaya napahawak ako dun.



"Yan na nga ba sinasabi ko sayo. Jusko, ang bata-bata mo pa, magiging nanay ka na. Sino yang babaeng nabuntis mo ha? Pakilala mo sa amin nang mapag-usapan na ang kasal nyo.
May apo na ako sa tuhod, jusko.",

Tangina.

Parang nagsisisi ata ako sa prank na to.

Ba't may kasal ng involve?

Lola naman di mabiro.

Pero kung si Ma'am Versoza naman ang nabuntis ko ay sige lang.
Walang problema.

G na g ako.

"Hehe, chill lang la. Joke lang po yun. Binibiro lang po kita haha.", nangingiwi kong paliwanag.
Ang sakit pa kasi ng kurot eh.



"Hay naku. Alis ka na nga. Aatakihin ako sa puso sayong bata ka.",

Mula sa pagkakaupo sa mahabang wooden chair dito sa Kubo ay agad na akong tumayo sabay dampot ng bouquet ng Esperanza sa table saka ngising-ngising umalis.

"Bye po, Lola. Labyu!", pagpapaalam ko sa kanya sabay kaway.

"Sandy, ikaw na bahala Kay Lola ha pati na rin Kay Lolo.", bilin ko sa kanya nang makita ko sya sa labas ng Kubo na tumitips ng guitar habang nakaupo sa wooden bench.

HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon