Chapter 22

18.6K 372 40
                                    

Kienne's POV

"Kumpleto na ba ang lahat?", tanong ni Miss Jasmine sa amin nang mapansing madami-dami na kami.

Andito kami ngayon sa entrance ng University. Hinihintay pa ang iba pang estudyante na sasama sa training sa Albay.
Albay ang napili ng University para sa aming mga Film Production ang kinuha samantala ang ibang kurso ay magkaibang lugar naman. Hindi ko lang memoryado kung saan, nakichika lang naman ako kay Yna.

Bawat  kurso ay may assigned professors na magmomonitor sa amin. At sa aming kurso, sina Miss Jasmine, Miss Farrah at syempre ang natatanging  tigreng-dragon na tanggap ko , Professor Yvon.

Hindi nga lang sya makakasabay sa amin ngayon dahil may importanteng aasikasuhin daw muna sya kaya susunod nalang ito.

"Andito na po ang lahat, Miss", sigaw ni Addy habang nakangising sumalubong sa bagong dating na SSC officers na sasama sa amin, sina Kylie at George.
Bukod kasi sa assigned professors ay may assigned SSC officers din sa bawat kurso at kung sinuswerte nga naman, napunta sila samin kaya bilang mga kaibigan nila ay napangiti kami dahil sa hinaba-haba ng panahon na hindi masyadong nagkikita ay eto parang nagkaroon kami ng reunion.

"Okay, make sure wala kayong nakalimutang gamit ninyo. We will go in five minutes.", anunsyo ni Miss Jasmine sa amin na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Mga siswak! Long time no see!", Shuta. Naging busy lang kami, may ganyang endearment na sya sa amin.
Patakbo si George palapit sa amin habang si Kylie naman ay parang model kung lumakad. Nagbigay atraksyon din ang dala nitong maleta na akala mo naman, sa Tagaytay na maninirahan.

"Shutacca, George. San mo napulot yang endearment na yan? Ang pangit.", komento pa ni Yna.

"Sa pinanood kong video kanina.",

Nakalapit na sila sa amin at ang iba ay abala na sa pagsakay sa bus. Isang uri ng bus na ginagamit sa pang-okasyon na byahe. A coach bus sabi nila.

"Hey, frennies. Long time no see.", si Kylie na akala mo naman beach ang pupuntahan dahil sa maiiksi nitong suot ternohan pa ng shades nya.

 

"Wow, isa ka pa. Ireremind ko lang ha training pupuntahan natin hindi bakasyon.", kantyaw na naman ni Yna sa Isa. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Kylie. Nang-aamoy pikonan na naman.

"May I remind you also na hindi kami kasali sa training. We're only here to help the professors in monitoring and guiding all of you when we get in Tagaytay. Its SSC officers matter so better shut your mouth, okay?", mahabang litanya naman ng isa sabay walk-out pa nito patungong loob ng bus.
Napanganga at natulala naman kaming tatlo sa kanya.

Sabay kaming napalingon kay George, tinging nagtatanong kung anong kilos yun. Bakit ganun lang makaasta ang babaeng yun?

"Hayaan nyo na yun. Epekto ng wasak na puso kasi.", nakangisi nitong sambit.

"Wasak?", nagtatakang tanong ni Addy habang abala sa pagbubuhat ng aming mga gamit.

"Yeah. May kalandian kasi syang professor. Nag-aminan, nag-went to heaven multiple times then without knowing may asawa't anak pala ang bruhang professor na yun.",

"Sinong Professor?", tanong ni Yna.

"Sa ibang University. Basta di nyo kilala yun",

Kaya pala. Broken pala ang beshy namin.

"Pero don't worry mga siswak, nabigyan ko na sya ng advice. Nasa kanya na ang desisyon kung magpakamartyr sya dun sa babaeng yun. Ginawa ba namang kabit siste natin.",

Parang nakarelate din ako. Ang kaso nga lang sa akin ay fiance lang pero pagbalik-baliktarin man ang mundo, kabit pa rin ang tawag dun.
At kasalanan pa rin yun.

HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon