Kienne's POV
Nagising akong mabigat ang pakiramdam. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at agad na inilibot ang paningin sa paligid.
Wala na ako sa ospital.
I'm in someone's room pero may hula na ako kung kaninong kwarto ito bilang sya lang naman ang kahuli-hulihang kasama ko bago ako nawalan ng malay sa di ko malamang dahilan.
Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay pilit akong tumayo mula sa kama dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. Dahil na rin siguro sa may naaamoy akong mabango at nakakatakam sa kusina nito.
Paika-ika akong nagtungo doon at napangiti naman ako dahil hindi nga ako nagkamali sa hinala kong sya ang may-ari nitong unit.
I'm busy staring at her while cooking something delicious when my stomach creates a loud sound that makes her catch her attention.
Napalingon ito sa kinaroroonan ko. Bahagya pa nga itong nagulat sa presensya ko bagama't nakabawi naman kalaunan.
Yung gulat nya ay napalitan ng pag-aalala."Kienne, bakit ka bumangon? Baka lumala pa yang lagnat mo. Baka magcollapse ka pa ulit. You may wait in the room, ihahatid ko doon ang pagkain mo. In your condition,you should rest.", pagsaway nito sa akin.
Bigla kong naalala si Inang Pim. Ganitong-ganito ang eksena pag may sakit ako. Hindi nya ako pinapayagang bumangon sa kama. Gusto nya pag may sakit ako, nagpapahinga lang ako at dinadalhan ng pagkain sa kwarto ko.
Ayaw na ayaw nyang naglalakad ako o gumagalaw baka daw masinat pa.
Because of Miss Jasmine, I remember my mother.
O baka ganito lang talaga silang mga nanay. They're so overprotective and caring."Okay lang po, Miss. Kaya pa naman ng katawan ko. At tsaka mukhang nakakatakam po kasi yang niluluto nyo kaya di ko mapigilang bumangon.",
"Bolera. Ang sabihin mo ay nagugutom ka lang kaya mo yan sinasabi.",
"Mukha ba akong nagbibiro, Miss?",
"Okay, sabi mo eh", tanging sambit lang nito saka nagpatuloy sa paghahalo-halo ng pagkain sa kawali na alam kong adobong manok dahil sa amoy palang ng pinagsamang suka at toyo. Adobong-adobo na.
Nang maluto ito ay agad syang kumuha ng bowl para paglagyan ng niluto nya.
Tutulungan ko sana sya sa paghahanda ng mga plato at kutsara nang pigilan nya ako saka pinaupo.
"No need. Just relax and rest there, okay?", kahit labag sa kalooban ay tumango at sumunod na lamang ako sa kanya.
She's also have the aura of Vanessa. Isang utos, napapasunod agad. And speaking of my woman, I have to be back at hospital once my fever get lower.
Hindi ko hihintaying saka na ako pupunta dun kapag magaling na talaga ako.
She needs me there lalong-lalo na sa paggising nya. Gusto ko na sa paggising nya ay ako ang unang tao ang bubungad at makikita nya.
Kaya susunod ako sa mga utos ni Miss Jasmine para bumaba kahit papano ang lagnat ko.Masarap ang naging kain ko dahil di nga ako binigo ng adobo ni Miss. Ang sarap. Nakadalawang plato pa nga ako. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagngiti ni Miss pero di ko na pinansin iyon dahil ang buong atensyon ko ay sa pagkain.
"After you eat, take your medicine para bumaba ang lagnat mo.", sabi nito saka inilatag sa tabi ko ang tubig at gamot.
Di ko namalayang tapos na pala ito kumain habang ako papatapos pa lang sa ikalawang plato ko.Kahit na nahihiya na ako sa alaga na pinaparamdam nya sa akin ay tumango na lamang ako.
Napansin ko namang napatitig ito sa akin saka idinampi ang likod ng palad nito sa noo ko.
BINABASA MO ANG
HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)
RomanceGirlXGirl PROFXSTUDENT MAKUHA KA SA KAMANDAG! Kung ang ahas ay may makamandag na lason. Si Ma'am naman ay may makamandag na alindog. SHE GOT ME WITH HER VENOMOUS CHARM. Di nakakamatay pero nakakabaliw. -JANELLA KIENNE P. MATIENZO