Chapter 28

12.5K 358 31
                                    

Kienne's POV

"Are you able to handle a gun?", tanong sa akin ni Yvon pagkatapos nyang mapatumba lahat ng bantay dito sa kada pintuan.

Marami kasing pintuan rito. Parang motel ang pagkakagawa ng bahay sa dami ng kwartong nandidito.

"Hindi eh pero marunong ako sa tirador", kunot-noo noo itong lumingon sa akin na parang kinikwestyon kung anong connect ng tirador sa pag-operate ng baril. Sa reaksyon nyang yun ay napakamot ako sa batok saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Magkaiba ang dalawa pero halos parehas lang naman ng paraan kung paano gamitin kaya baka marunong ako. Try natin.", inilahad ko ang kamay ko para ibigay sa akin ang isa pa nyang baril pero nakatunganga lang ito.
"Bakit?",

"Wag na lang. Baka kung saan-saan mo pa iputok and the gun is far different from slinger, idiot",  bagsak ang balikat ko sabay baba ng palad Kong nakalahad sa harap nya Pero wag kayo, matigas ang ulo ko eh.

"Halika nga dito.", mabilisan ko syang kinabig sa pamamagitan ng kamay nya saka walang pasabing binigyan ng halik sa labi. Smack lang dahil nasa devil's house kami ngayon  eh.
Nang magawa ko yun ay binigyan ko sya ng pagkatamis-tamis na ngiti.

"What was that for?", pagtataka pa nito sabay iniangat ang isang kamay kong may hawak-hawak ng baril mula sa binti nya.

I used the kiss to distract her so that I can grabbed her another gun.
Pero hindi lang naman yun ang ang dahilan. Kanina pa talaga ako gustong magawa yun, pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Hampas naman sa dibdib ang natamo ko mula sa kanya.

"Stubborn.", umirap ito saka tinalikuran ulit ako.
"Let's go na nga. Baka mga bangkay nalang ang maabutan natin.", ang nega naman nito, bangkay agad.

Pinasok namin ang bawat kwarto. At kada pasok namin ay hindi mo malamang kung ano ang magiging reaksyon mo sa nasasaksihan.
They're abusing women. Physically and sexually.

Ganito na ba talaga sila kadesperado at kating-kati makipagtalik?

Kung mag-asawa nalang kaya sila para araw-araw, gabi-gabi. May unlimited sex?

Hindi sa ganitong paraan nila ibuhos ang kalibugan mayroon sila.

Mga masamang damo.

Nagsilbi akong back-up assistant ni Yvon. Sya ang tagapagbagsak ng mga malilibog at mapang-abusong foreigner bilang sya naman ang marunong makipaglaban sa aming dalawa habang ako ay tagasira ng mga CCTV at tagatanggal ng mga posas ng mga kapwa ko estudyante.

Kahit papano may ambag din naman ako sa misyong to.

Isa, dalawa, tatlo, apat na kwarto ang aming pinasok, ganun ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa ikalimang kwarto at biglang nag-apoy ang aking damdamin sa nakita.
Ang kaibigan kong si Yna, inaabuso ng puting dambuhalang kano.
Jusko, buti nalang napaaga ang pagdating namin dahil kung hindi sabog ang matres ni Yna. Jusko ka.

Medyo nahirapan naman si Yvon sa pagpapatumba sa dambuhala kaya tinulungan ko na.

Ilang beses na itong pinutukan ng baril pero eto nakatayo pa rin. Shuta, pusa ata ito. May siyam na buhay.

At para tuluyan na itong mapabagsak ay may nahagip akong mahabang bakal sa gilid gaya dali-dali ko iyong kinuha at walang pasabing hinampas sa ulo nya.

"Ayaw mong mamatay-matay ha!", at yun na nga, saka pa bumagsak.
Pinahirapan pa kami.

"Okay ka lang?", tanong ko kay Yvon. Hiningal kasi eh.

"Yeah, I'm okay. Unlocked the handcuffs now.", tukoy nya sa mga posas na nakaposas kay Yna.

HER VENOMOUS CHARM (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon