Chapter 52

113 25 2
                                    

CASELINE

"Papatunayan ko sayo"

Paulit ulit lang ito na tumatakbo sa utak ko simula noong gabi na'yon. Paano naman kasi bakit? Bakit Jaden? Deserve ko ba ng pag mamahal mo? Mga tanong na tumatakbo sa isipan ko habang naka tingin sa kisame. Tumingin ako sa calendar at napansing halos isang buwan na nga lang pala gragraduate na kami, sawakas! Matatapos na ang pag hihirap na'min.

Bumaba na'ko para kumain nakita ko naman si Christian na nag lalaro sa sofa na'min. Umupo na'ko sa lamesa at kumain ng pag kain saturday nga pala at walang pasok wala akong ibang maisip na gawin kaya naman niyaya ko ang kapatid ko na gumala sa mall kahit wala kaming pera. Ang lakas ng loob diba?

"Chris tara? Mall." sambit ko.

"Sige ate sama natin si kuya Jaden." nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh? Bakit?" nag tatakang tanong ko.

"Kasi malapit na siyang umalis eh, ayaw mo ba bumuo ng memories sa kaniya sayang naman!" malakas na bulalas ng kapatid ko.

Pumasok nanaman sa isipan ko, naalala ko nanaman na aalis siya nabigla ako sa pag kakasabi niya sa'kin noong nakaraan. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na lungkot. Hindi ko alam kung saan ako nalulungkot sa pag alis niya ba?
O baka naman kasi hindi ko pa nasasabi ang importante kong sasabihin bago siya umalis?

Sobrang laki ng pinag bago ni Jaden, sa pananalita sa bawat kilos niya pati porma niya. Pati hubog ng katawan---- teka teka parang may mali bakit ko naman iniisip yung hubog ng katawan niya aber! Hindi porke nakita ko---

"Argh!" iritang bulalas ko, sabay baba ng tinidor.

"Ano nanamang nangyayari sayo te? Nag iimagine ka nanaman isali mo naman ako." pabirong sabi ng kapatid kong magaling sa kalokohan!

"Wala! Bilisan mo at aalis tayo." sabi ko. Umakyat na nga ako sa kwarto ko para maligo at mag bihis ng damit.

Sa mall

"Hi Ms. Gusto mo ba itry itong bagong pabango na buy one take one?" sabi noong sales lady.

Umiling naman ako kasi wala nga akong pang bili. Habang nag lalakad lakad kami ng kapatid ko nadaan kami sa isang timezona kung saan pwde mag laro. Dahil nga wala kaming kapera pera nag picture picture nalang kami ng kapatid ko at minyday ko ito.

Habang nag nakatayo ako sa isang sulok may isang lalaki naman ang lumapit sa'kin, kinakausap ako nito kahit hindi naman ako interesado iniiwasan ko nga dahil nakakailang, pero tuloy tuloy siya sa mga tanong niya. Sobrang nakakairita! Umakma na'kong aalis patalikod ng bigla niya akong hawakan sa balakang! Oo sa balakang! Ang kapal ng mukha! Pag kaharap ko sakaniya para sampalin nagulat ako ng nakita kong---

"Jaden--" bulalas ko. Nakita kong hawak hawak niya ang kamay ng lalaki. Nakatingin siya dito na akala mo papatayin niya.

"Bakit pre? Ang arte kasi ne'tong babae na'to pakipot ayaw pa----" hindi natuloy yung sinasabi noong lalaki biglang sinungaban ni Jaden ng isang malakas na suntok!

Sobrang wala akong masabi sa mga oras na'to, kakaiba ang aura ni Jaden parang walang makakapigil sakaniya! Nag sigawan ang mga tao sa labas dahil nakitang bumulagta talaga yung bastos na lalaki sa sahig ng mall. Mabilis naman lumapit yung mga gruad pinigilan si Jaden dahil halatang galit na galit siya.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko, sa sobrang pag ka gulat nabigla talaga ako sa mga pang yayari. Napansin ko nalang na inaakay na'ko ni Jaden palabas ng mall. Hawak hawak niya ng pahigpit ang kamay ko.

"Sinaktan kaba?" bulalas niya ng nasa labas na kami ng mall. Umiling naman ako.

"Bakit ka nandito?" pag tatakang tanong ko.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon