Chapter 01

233 6 0
                                    



Chapter 01


"Thank you sa paghatid!"

Simpleng tango lang ang sagot ni Achilles, alam ko na ayaw niya talaga akong ihatid pauwi pero wala siyang nagawa dahil si Tita Lucia na mismo ang pumilit sa kanya. Hindi nga niya ako pinansin kanina kaya ang awkward tuloy.

"Ayaw mo bang pumasok muna sa loob? Bumati ka kay papa." Hindi ko parin tinanggal ang malambing na ngiti sa labi ko.

"Maybe next time, bumaba kana." Tamad na sagot niya.

Matamis parin akong ngumiti. "Sige, babalik nalang ako sa inyo bukas ha." Hahawakan ko sana ang kamay niya pero umiwas siya.

"Huwag na, isa kang malaking abala." Malamig na ani Achilles. Saglit akong natigilan pero kahit na nasaktan ay pinilit ko paring ngumiti.

"Babalik parin ako." Matigas na saad ko bago bumaba sa sasakyan.

Pagpasok ko sa gate ay nagsisigaw agad ako.

"Yaya! Yaya!"

Ilang segundo pa ay tumatakbo na ang isang babae palabas ng main door.

"Bakit ba ang tagal mong lumabas!" Sigaw ko.

"Pasensya na po kayo may inutos kasi sa'kin ang Mama mo." She explained.

"How many times do I have to tell you? She is not my mother and she will never be! Dalhin mo na ito sa kwarto ko."

Pagpasok ko sa loob ng mansion ay sinalubong agad ako ng asawa ni papa.

"Saan ka galing?" Nakatikwas ang kilay nito.

Damn this bitch, bakit niya ba ako kinakausap? I hate her voice, I hate her presence.

"Sa lugar na wala ka."

"Wala ka talagang respeto!" Sigaw niya.

Tumikwas ang kilay ko at nilampasan na siya. Siguro umalis si papa kaya may lakas ng loob siya na sigawan ako, kapag kasi ng nandito si papa ay para siyang anghel kung umasta. I really hate her, kahit tawagin siyang mama ay hindi ko gagawin. Over my dead gorgeous body.

"I really can't stand you, Charlotte. Kung ako sa'yo? Bagohin mo iyang ugali mo."

"I will not change my attitude just because you say so, ulamin mo nalang yang advice mo."

"Maldita ka talaga!" Sigaw ng babae na um-echo sa paligid.

"Matagal na!" Sigaw ko pabalik at nanakbo na papunta sa kwarto ko.

Maldita naman talaga ako at mas naging maldita pa nang iwan ako ni mama sa bahay na ito. Hindi kasi papayag si mama na maging masaya si papa kasama ang mistress niya na naging dahilan nang paghihiwalay nila at mas lalong ayaw ni mama na mapunta lahat kay Pia ang kayamanan ni papa.

At hindi rin ako papayag. I am Charlotte Clarksville, ako lang ang nag-iisang tagapagmana. At hindi parin siya magtatagumpay kahit na magpa buntis pa siya kay papa. What's mine is only mine and I don't want to share.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong hinarap ang punching bag at doon binuhos ang gigil ko. 

Kinabukasan ay tumakas ulit ako at pumunta sa mansion ng mga Del Friuli. Wala sa mansion sila Tita Lucia pero sabi ng guard ay nandito daw si Achilles kaya hinanap ko siya sa buong mansion hanggang makarating ako sa pool area. My feet immediately stop when I saw Achilles sitting on a rattan chair and beside him is a girl.

Maganda ang babae at mabait ang bakas ng mukha pero naiinis ako dito dahil magkasama sila ni Achilles. Naglakad ako palapit sa kanila, may pinag-uusapan silang dalawa at mukhang seryoso yon kaya hindi nila napansin na nandito ako.

"Achilles." Mariin na tawag ko sa pangalan niya.


Seryoso parin ang mukha na lumingon sa'kin ang lalaki. Hindi man lang siya na gulat sa presensya ko.

"You're here again." He said coldly.

Nakatikwas ang kilay na sumagot ako. "Obviously." I said.

Tumayo siya at sumunod naman ang babae. Tinaponan ko ito ng tingin at inirapan.

"Sino siya?" Tanong ko.

"Hi, I'm Beatrice but you can call me Bea." Nakangiting pakilala ng babae.

Why is she smiling, mukha ba akong masaya sa presensya niya?

Masama ko siyang tiningnan kaya nawala ang ngiti niya at bahagya din siyang napaatras.

"What are you doing here?" Tanong ni Achilles na para bang ayaw niya ako na nandito.

Oh, I almost forgot that this gorgeous man hates my presence.

"I'm here to visit you!" 

"Aalis na ako Achilles, mag usap muna kayo." Sabi ni Bea na hindi naman pinansin nitong si Achilles.

"Get lost!" Sigaw ko sa babae na agad naman umalis.

"What's wrong with you?"

"Sino siya?" Tanong ko.

"She already introduced her self to you."

"Sagotin mo ako ng maayos!" Sigaw ko.

Maikli ang pasensya ko ngayon dahil wala akong maayos na tulog. I feel so lonely last night, nag overthink ako at umiyak dahil sa sinabi niya sa akin kahapon.

"She's my friend, na sagot ko na ang tanong mo kaya pwede kanang umalis. Lubayan mo na ako!" He raised his voice too.

Naiinis ako at naiiyak, noon paman ay ayaw ko nang nakikita siya na may kasamang ibang babae. At ang masakit pa ay alam ni Achilles na matagal ko na siyang gusto pero ayaw niya sa akin kaya siya na mismo ang gumagawa ng paraan para lubayan ko siya.

And I am jealous of that girl because he can talk to him whenever she want without getting him annoyed.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa aking pisngi bago naglakad papasok sa Mansion.

"Where is Achilles?" I asked Manang.

"Nasa kwarto niya hija." Sagot ng matanda.

Mabilis akong umakyat at tinungo ang kwarto niya. Basta nalang akong pumasok at nadatnan siyang nakaharap sa laptop niya.

Napatingin siya sa'kin pagkatapos ay hinilot ang sentido. Nakita ko din na umigting ang panga niya. Did he really hate me?

"Not now Charlotte." He said. 

Busy busyhan naman ang ganap niya ngayon. I know that he is just trying to avoid me kaya hindi ako lumabas. Hinubad ko ang heels na suot saka ako sumampa sa kama niya.

"Dito muna ako." Sabi ko sa mahinang boses.

Hindi siya nagsalita at nag focus lang sa ginagawa niya sa laptop, sumilip ako at tahimik na humiga nalang sa kama ng makitang gumagawa pala siya ng report.

Nahiga ako sa kama at lihim siyang kinuhanan ng litrato. I posted it on my IG. Napangisi ako ng kunin ni Achilles ang cellphone niya at parang may chineck siya. Mayamaya pa ay humarap siya sa'kin ng nakasimangot.

"What the hell is this?!" He shouted.

Inosente kong tiningnan ang cellphone niya saka ako muling ngumisi. Nakabukas doon ang group chat nila at may screen shot na naka send doon na galing sa kaybigan niya na follower ko.

Hindi lang ang picture niya ang ikinagalit niya pati narin ang caption ng photo.

It says.

My man *blushing emoticon*

The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon