Chapter 15

166 5 0
                                    


Chapter 15



Hindi parin ako makapaniwala at para akong nakalutang sa hangin habang nakatingin kay Achilles at Elizabeth na naglalaro sa living area. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kanina pa ako tahimik dito. Nang pumunta siya dito kahapon ay hindi ko siya maayos na hinarap, umiyak lang ako at tumakbo sa kwarto para mag tago.

Natatakot ako dahil baka kukunin  niya sa'kin ang anak namin. Hindi pa ako handa. Sa kabilang banda ay nakaramdam din ako ng galit para kay Creed, ang walang hiya kasi ay hindi na nagpakita sa'kin simula kahapon. Natatakot siguro na sakalin ko siya dahil sa ginawa niya.

Ang paalam niya lang sa'kin ay ipapasyal si Elizabeth pero may ibang binabalak pala ang gago. Dinala niya si Elizabeth kay Achilles, pinangunahan niya ako!

Ganoon nalang ang pagsinghap ko ng tumingin sa'kin si Achilles. Seryoso ang mga mata niya dahilan para panlamigan ako ng mga kamay. Tumalikod ako para pumunta sa kusina nang hindi ko na matagalan ang titig niya.

"Charlotte."

Hindi ako nagulat nang sumunod siya sa'kin sa kusina. Alam ko na dadating ang araw na kakausapin niya ako, pero hindi pa ako handa ngayon.

"Achilles." Hinarap ko siya.

"Can we talk?"

Umiling ako habang nakatingin sa kanya. Hindi pa ako handa sa kung ano man ang lalabas sa bibig niya.

"Please." Napahikbi ako.

"Kukunin ko si Elizabeth, sa ayaw at sa gusto mo."

Napaatras ako nang dumaan sa mga mata niya ang galit. Pero nang maalala ko ang sinabi niya ay pinatatag ko ang loob ko. Kaylangan kong maging matapang, anak ko ang kukunin niya, hindi ako dapat matakot sa kanya!

"Hindi mo siya makukuha sa'kin, anak ko siya." Usal ko.

"Anak ko din siya, nilayo mo, inagawan mo ako ng karapatan!"

Tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Anim na taon, nilayo mo siya sa'kin ng anim na taon at kung hindi pa ako gumawa ng paraan hindi ko makikita ang paglaki ng anak ko!"

Puno nang panunumbat ang mga mata ni Achilles.

"Pagod na akong tingnan siya mula sa malayo, Charlotte. Kaya ako naman, ako naman ngayon."

"You don't understand, Achilles." 

"I begged you to stay, remember? But you didn't listen. You left me, you left me while you're having my child. Bakit hindi ako ang intindihin mo ngayon?"

"Tangina naman Achilles, ginawa ko yon para sa'yo!"

Nag iwas siya ng tingin sa'kin at walang kasing pait ang boses niya ng magsalita.

"Para sa'kin ba talaga o para sa'yo?" Tanong niya.

"Sa tingin mo ba maaabot mo yang mga pangarap mo kung nanatili ako?"

Ginawa ko lahat nang ‘yon para sa kanya, alam ko na wala pa sa plano niya ang magkaroon ng anak noon, dahil alam ko na hindi pa siya handa at marami pa siyang mga pangarap. Kaya kahit sinabi niya sa'kin na pananagutan niya ako ay umalis parin ako.

I suffered from depression while I was pregnant. I only had my self that time, ilang beses kong pinalangin na sana dumating siya at samahan ako sa tuwing nahihirapan ako. Lahat ng sakit tiniis ko para sa kanya. Na kahit ubos na ako pinili ko paring bumangon at mag simula ulit para sa anak namin.

Umigting ang panga niya at hinawakan ako sa braso.

"I won't accept that reason."

"Nasasaktan ako, Achilles." Mariin na saad ko dahil ang higpit nang kapit niya sa braso ko.

"Kaya ko noon, Charlotte. Maaabot ko parin naman ito kahit nasa tabi ko kayo noon. N-Nagkulang ka lang sa tiwala."

Natigilan ako ng pumiyok ang boses niya at tumulo na rin ang kanyang mga luha. Binitawan niya ako at tumalikod siya.

"Achilles."

Akma ko siyang hahawakan nang umiwas siya.

"Isasama ko na siya bukas." Aniya at iniwan akong tigagal.

Nang makabawi ay agad ko siyang sinundan pero si Elizabeth nalang ang naabotan ko sa living area. She smiled at me.

"Umalis na po si Daddy, sabi niya isasama niya raw po ako bukas!"

Napaluhod ako niyakap siya ng mahigpit, tahimik akong umiyak sa balikat niya.

Ilang minuto ang nakalipas ng dumating si Creed. Tumayo ako mula sa sahig at sinalubong siya ng malakas na sampal.

"This is all your fault!" I shouted.

"W-What?"

"Ilalayo niya sa'kin ang anak ko! Hindi ka nag iisip Creed, nag desisyon ka nang walang pahintulot ko!" Napahagulhol na ako.

"Mommy."

"Wala kang karapatan para mag desisyon! Dahil sa'yo malalayo sa'kin ang anak ko!"

"Charlotte calm down, natatakot si Elizabeth."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko kaya!"

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago siya lumapit sa'kin.

"I'm sorry, pero ginawa ko lang ang sa tingin kong makabubuti kay Charlotte."

"Wala siyang karapatan na ilayo sa'kin si Elizabeth, wala siyang karapatan."

"May karapatan siya sa bata."

Naiiyak akong tumingin sa kanya, napakaseryoso nang mukha ni Creed.

"Bakit gusto mong ibigay ko si Elizabeth sa kanya?"

"Dahil alam ko ang tama at mali at kung ano ang nararapat at ang hindi, Charlotte."

Tinabig ko ang kamay niya at sinimangotan siya.

"What do you mean?" I asked.

Tumingin siya kay Elizabeth.

"Pareho ninyong anak si Elizabeth, pareho kayong may karapatan at pareho din kayong nagkulang.

Umiling ako.

"Pareho kayo na may pinagdaanan Charlotte. Pareho kayong nasaktan. Unawain niyo muna ang isa't isa at mag usap kayo."

"But he is mad at me." I said.

"Lilipas din iyon. Mag usap kayo kung kaylan handa na kayong dalawa, everything takes time." He said.

Napayuko ako at bumuntong hininga, dahil sa sinabi ni Creed ay gumaan ang pakiramdam ko, pero naiinis parin ako sa lalaki.

"Tsk, naging adviser pa tuloy ako, epekto ng sampal." Napapakamot sa ulo na lumayo na siya.

"Nakakainis ka."

Ngumisi siya sa'kin. "Alam ko."

"Umalis kana sa harapan ko."

Tumango siya. "Mag pahinga kana, may pupuntahan lang ako." Saad niya.

Nang umalis na ang lalaki ay muli kong hinarap si Elizabeth na nakatingin sa'kin. Yumuko ako at muli siyang niyakap, nakakaintindi na yumakap naman pabalik ang bata sa'kin.

"I'm sorry baby, I'm sorry."

Naramdaman ko ang paghaplos nang maliit niyang kamay sa buhok ko. This is her way to comfort me.

"Everything will be okay, mom."

The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon