Chapter 10
He will going to marry me and I can't wait for that day to come. Gusto ko na tuloy bumilis ang takbo ng panahon para maka graduate na ako. Pagkatapos nga nang nangyari sa pagitan namin ni Achilles ay hindi ko na siya nilubayan pa, mas lalo lang akong na baliw sa kanya. Palagi akong nakasunod kay Achilles kahit sa kompanya nila kaya ang ending sumasakit ang ulo niya.
Palagi kaming mag kasama pwera kanina dahil pumunta ako sa exhibit kasama si Mama. Pag uwi nga namin ay agad akong dumiretso sa mansion ng mga Del Friuli.
"Where is Achilles?" Iyon agad ang bungad ko pagpasok ng main door.
"Nasa garden po si sir." Sagot nang kasambahay.
Nilampasan ko ang babae at naglakad papunta sa garden, naririnig ko ang paglalagatokan ng heels ko sa tiles na sahig.
"Achilles my love!"
"Nandito ako."
Napatingin ako sa gazebo at nakita ko siyang nakasalampak sa sahig at may hawak na gitara. Hindi ko alam kung bakit trip niyang umupo sa sahig e meron namang upoan doon.
"Namiss mo ba ako?" Malambing akong ngumiti sa kanya.
"Yeah, kumusta ang lakad niyo?" He asked.
"Okay lang, natuwa ako sa mga nakita kong paintings."
Hinila ko siya sa kamay at nagpahila naman siya.
"I missed you, wala ka bang gagawin ngayon?" Niyakap ko siya at hinalikan siya sa panga.
"Pupunta ako ngayon sa kompanya, hinintay lang talaga kitang makabalik para personal na makapag paalam."
Nagliwanag ang mukha ko. "Isasama mo ba ako?"
Ngumisi siya. "Wala akong magagawang trabaho kapag sumama ka."
"Meron kaya, ang galing mo nga e." Nginisihan ko siya.
Pinisil niya ang tongki ng ilong ko. "Naughty Lottie."
Tumawa ako at niyakap ulit siya, kahit saglit lang akong nawala ay namiss ko parin siya.
"Umuwi ka muna sa inyo, marami pa akong tataposin." Ani Achilles.
"Gusto kong sumama sa’yo."
"Charlotte, you can't."
I understand, maybe it's true that I am a big distraction to him, yan kasi ang sabi sa'kin nang isa sa board member nila na nakasabay ko sa elevator noon. Palagi daw kasing wala sa sarili at hindi mapakali si Achilles sa meeting dahil sa'kin. Noong isang araw din ay may nangyari ulit sa amin doon sa office niya.
Bumuntong hininga ako. "Fine, go now. Magkita nalang tayo bukas."
Ngumiti siya at yumuko para halikan ako pagkatapos ay umalis na agad siya. Malungkot na napatingin nalang ako sa naiwan niyang gitara.
Hindi ako umuwi sa mansion at nanatili lang ako sa gazebo. Tulala ako sa patak ng ulan habang hawak ko ang pinitas na bulaklak kanina. Malapit nang dumilim at hindi pa umuuwi si Achilles pati narin ang parents niya. Siguro magtatagal talaga siya doon sa kompanya dahil marami silang ginagawa ngayon.
Mabigat ang loob na umalis ako sa gazebo at pumasok nalang sa mansion. Nadaanan ko si Manang na mukhang pupunta sana sa garden.
"Buti naisipan mo nang pumasok, malamig pa naman sa labas. Dito ka ba kakain? Nagluto ako ng mainit na sabaw."
"Hindi po ako kakain."
"Bakit?"
Malungkot ko siyang tiningnan bago ako naglakad palabas ng mansion. Umuwi ako sa mansion namin at gaya nang nakasanayan ay wala akong nadatnan. Wala si Mama at Papa, wala din ang mga kasambahay dahil umuwi sa kanilang mga probinsya.
BINABASA MO ANG
The King Has Fallen
RomansaCharlotte Clarksville is a spoiled brat and she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay hindi pa maamin ni Achilles ang nararamdaman niya para kay Charlotte, ngunit hindi nag tagal ay nanalo din ang pagmamaha...