Chapter 26

140 5 0
                                    

Chapter 26



Hindi na ako na gulat ng sabihin ng doktor ang pagbubuntis ko. I was already expecting this at hindi narin ako makapaghintay na  ipaalam kay Achilles ang masayang balita.

Bago ako umuwi sa bahay ay hinatid ko si Paula sa kanila bilang pasasalamat narin dahil hindi niya ako iniwan.


Si Manang Erna ang sumalubong sa'kin pagdating ko, kasunod niya si Elizabeth na may bitbit pang cellphone.


"Hi mommy!"


"Hello baby." Niyakap ko ang bata. "How was your day huh?"


"Ayos lang po mommy, pumunta po dito si Tito Creed kanina."



"Oh, nakabalik na pala siya from France?"


"Saglit lang daw siya mommy, babalik din siya agad sa France."


Iba talaga ang nagagawa kapag may sariling private jet.



Naglakad na kami papasok sa bahay.


"Wala pa po si Achilles?" Baling ko kay Manang.


"Ay kanina pa dumating."


Bakit hindi niya ako sinalubong?


"Where is he?"



"Nandoon siya sa kwarto ninyo, puntahan mo na at mukhang wala sa mood iyon."


Ano kaya ang nangyari, nag away na naman ba sila ni Creed? Napabuntong hininga at umakyat na sa second floor. Sa kwarto ko siya naabotan, nakahiga siya sa kama habang nakatakip ang braso niya sa kanyang mukha.



Tinanggal ko ang heels na suot ko saka ako sumampa sa sikmura niya.


"May problema ba?" Malambing kong tanong.


Inalis niya ang pagkakatakip sa mukha niya pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang bewang ko.


"Wala."



"Sinungaling."



Napangiti si Achilles na ikinapagtaka ko.


"Para ka namang tanga." Saad ko.



"Wala naman talagang problema, pagod lang ako."


Yumuko ako at hinalikan siya sa labi agad din naman niyang ginantihan ang labi ko.


"Tell me the truth Achilles." Usal ko nang bahagya akong lumayo sa kanya.



"Nagkaroon ng problema sa itatayong hotel sa France. Ginagawang ng issue ng mga kalaban ko sa negosyo."


"Iyon lang?"



Tumango siya at hinaplos ang likuran ko.



"Palagi nalang nilang ginagawan ng issue ang mga negosyo ko, mga issue na hindi naman nila napapatunayan na totoo sa huli. Nauubos na ang pasensya ko sa kanila, bakit hindi nalang sila manahinik at tanggapin nilang mas magaling ako sa kanila."


"Wag ka nalang pa apekto sa kanila. Just keep making businesses at patunayan mo sa kanila na hindi ka nila mahihila pababa."


Nararamdaman ko talaga na galit siya lalo na at namumula ang buong mukha niya.


"Kumalma kana." Masuyo kong hinaplos ang kanyang pisngi.



"Nakakagalit lang kasi e."




The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon