WAKAS

203 8 1
                                    



Maraming salamat sa pananatili hanggang sa huling kabanata.

_____



YEARS passed by and I am now a mother of two. Yung pinangarap ko noon na maging house wife ay naranasan ko na ngayon and it's really challenging pero okay lang dahil masaya naman ako.



I have my husband's cards and the company that I inherited from my parents kaya nabibili ko parin ang gusto at pangangailangan namin.



Kagaya ng mga nagdaang araw ay maaga akong gumigising. Bago ako lumabas ng kwarto ay nilingon ko muna ang asawa ko na nakadapa sa kama at mahimbing na natutulog.



Pinuntahan ko sa kwarto si Elizabeth. Gising na ito ng silipin ko.




"Samahan mo ako mag prepare ng breakfast baby." Saad ko.



"Okay, Mom." Patalon itong bumaba sa kama at sumunod sa'kin. Sinilip muna namin ang three years old na batang lalaki. Nang makita namin na tulog pa ay agad na kaming bumaba.



I cooked fried rice, eggs, tocino and hotdog for our breakfast. Nagpakulo muna ako ng tubig bago ako umakyat ulit sa second floor para gisingin si Achilles.



"Gising kana pala." Nakangiti na saad ko ng makasalubong ko sila sa hallway. Buhat niya ngayon ang anak naming si Arc.



"Mommy!" The little boy called me.



"Good morning, baby." Nilapitan ko ang bata at hinalikan sa noo.


"Good morning, wife." Nakangiti na ani Achilles at siniil ako ng halik.


Pagbaba namin ay agad kaming dumulog sa lamesa. Inutosan ko si Elizabeth na ibaba muna ang cellphone niya dahil isa iyon sa rule ko. Bawal mag cellphone kapag nasa harapan ng pagkain.



"Oo nga pala, saan tayo after sa church?" Tanong ko kay Achilles.


Every Sunday pumupunta kami sa Church at pagkatapos ay namamasyal kami, minsan naman ay nag pi-picnic at kung wala kaming planong mag tagal sa labas ay nasa bahay lang kami at nanonood ng movie.


"I don't have plans." He said.


Sinalinan ko ng kape ang tasa niya.



"Daddy, can we go shopping?" Nakangiti na ani Elizabeth.


Tumingin si Achilles sa'kin, hinihintay ang pagpayag ko at nang tumango ako ay agad siyang ngumiti.



"Sure, sa mall tayo pagkatapos."


Sa sobrang excited ni Elizabeth ay nakalimotan na niya na tumulong sa pagliligpit. Umakyat na agad siya sa itaas upang mag shower. Dinalian ko nalang din sa pagliligpit para makapag shower na at maasikaso si Arc.

Nakahanda na kaming gumayak maliban kay Achilles na bumalik pa sa loob ng mansion dahil nakalimotan niya ang susi ng sasakyan.



"Sa susunod isabit mo sa brief mo yang susi para di makalimotan."  Nakasimangot na saad ko ng bumalik siya sa parking space ng bahay.



Ngumiwi lang ang labi niya at hindi na sumagot pa. Inalalayan niya nalang kami na makapasok sa sasakyan.

Habang nasa byahe kami papunta sa church ay binuksan ko ang Instagram account ko. Nag browse ako at namilog ang aking bibig ng dumaan ang bagong post ni Creed.



"Omg, look!" Tinapat ko kay Achilles ang cellphone ko dahil sakto na stop sign.


"Sweet." Nakangisi na ani Achilles at muling nagmaneho.



The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon