Chapter 11
Sinama ako ni Achilles sa kompanya pero hindi ako gumawa nang kahit ano na pwedeng maka distract sa kanya. Sobrang tahimik ko lang dito sa sofa habang umiinom ng tsaa, hindi din nag tagal ay nakatulog rin ako dahil sa antok.
Gumigising lang ako kapag nararamdaman kong lumalapit si Achilles sa'kin. Ganado din ako sa pagkain at nag request pa ako ng mangga na may bagoong. It feels so weird dahil hindi ako kumakain ng bagoong noon.
"Pwede ba akong lumabas, gusto kong mamasyal." Saad ko pagkatapos kumain.
"Sure, may garden dito at malapit na mall. Gusto mo bang samahan kita?"
"Hindi na."
Kinuha ko na ang bag ko at hinalikan siya bago umalis. Sa malaking kompanya ng Del Friuli lang ako namasyal, tiningnan ko lahat ng sulok. Malaki ang kompanya nila at every floor na pinupuntahan ko ay may janitor akong nakikita kaya sobrang linis at kintab din ng floor.
Pagkatapos kong mamasyal sa loob ng kompanya ay lumabas ako sa garden nila. Doon ako umupo at lumanghap ng fresh air.
"Hi Miss."
Napatingin ako sa lalaking may hawak na kape, nakangiti ito sa'kin.
"What?" Masungit na tanong ko.
"Sungit mo naman, ikaw lang mag isa?"
"May nakita ka bang kasama ko?"
Ngumisi ang lalaki. "Wala, ibig sabihin single ka."
What? Ang layo nang narating ng tanong niya ah.
"I am not single, may fiance ako."
"Oh, dito ba nag ta-trabaho. Anong department?"
Sasagot na sana ako nang bigla kaming makarinig ng announcement na galing sa kung saan.
Calling the attention of Mrs. Del Friuli please go to the CEO's office.
Mrs. Del Friuli, si Tita Lucia?
Again, calling the attention of Mrs. Charlotte Clarksville- Del Friuli, the CEO is looking for you.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, napatingin din ako sa lalaking kausap ko na nagtataka ang tingin sa'kin.
"I have to go, the CEO is looking for me." Saad ko at tinalikuran na siya.
Bumalik ako sa office ni Achilles at naabotan ko siyang naka upo sa swivel chair niya at nakasimangot.
"Bakit kaylangan mo pang gawin yon, alam mo bang pinagtitinginan ako ng tao sa labas?"
Nakakahiya dahil lahat ng tao sa kompanya ang nakarinig at alam ko din na narinig iyon ng Papa niya na nasa kabilang opisina lang.
"Who's that man?" Tanong niya.
Huh?
"You're talking to a man, nakita ko sa monitor."
Napatingin ako sa isang monitor na kaharap niya. Naka connect ito sa lahat ng CCTV cameras dito sa malaking building.
Pinapanood niya ako dyan kanina pa, hindi siya nag trabaho?
"Hindi ko siya kilala, he approached me first."
Nakasimangot parin siya kaya hindi ko na napigilang ngumiti. Hindi ko alam na kaya niyang gawin iyon dahil nagseselos siya, ano nalang ang sasabihin ng mga nakarinig na ang akala ay single siya?
"I hate your smile." Ani Achilles.
"Of course, you hate everything about me."
"I love everything about you except your teasing smile."
Mas lalong lumapad ang ngiti ko na nauwi sa mahinang pagtawa.
"Hindi na ako lalabas, padalhan mo nalang ako ulit dito ng mangga please." Nag puppy eyes ako sa kanya.
"Mangga na naman?"
"Yes, gusto kong kumain at saka strawberries."
Kumunot na ang noo niya at hindi rin nakaligtas sa'kin ang pagsulyap niya sa tyan ko.
"Are you pregnant?"
Bigla akong kinabahan sa narinig. Hindi pa naman ako umiinom ng contraceptive pills at hindi rin kami gumagamit ng any protection dahil ang alam niya ay nag pi-pills ako.
"T-That's impossible." Umupo na ako sa sofa at umiwas sa mapanuring mga mata niya.
He is not ready to have a child, maging ako ay hindi rin handa. I am only eighteen and he's twenty one.
Hindi na nawala sa isipan ko ang tanong ni Achilles. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko dahil sa kaba at takot. Malaki ang posibilidad na tama siya lalo na at naramdaman ko na rin nitong mga nakaraang araw ang symptoms.
"Are you okay?" Hinalikan niya ang kamay ko ng maka uwi kami sa mansion nila. Dito ako matutulog ngayon dahil wala akong kasama sa bahay.
"Pagod lang ako."
Tinitigan niya ako ng matagal bago siya tumango at inalalayan akong makaakyat sa hagdanan. Pagpasok namin sa kwarto niya at hinalikan niya ulit ako.
"I love you, Charlotte."
"Yeah, I love you too."
"Sasabay ka ba sa'kin mag shower?" He asked.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. As I expected, may nangyari ulit sa amin sa loob ng shower.
"Mahal na mahal kita." Bulong niya sa punong tainga ko pagkatapos.
I love you too.
Maaga akong nagising kinabukasan, mahimbing pa ang tulog ni Achilles sa tabi ko kaya iniwan ko muna siya. Bago bumalik sa mansion ay dumaan muna ako sa malapit na pharmacy para bumili ng pregnancy test.
Tinawagan ko na rin si mama at pinapunta sa mansion namin.
"Ano ang result?" Bungad ni mama nang lumabas ako sa banyo.
"M-Ma." Gamit ang nanginginig na kamay ay inabot ko sa kanya ang dalawang pregnancy test.
Napahikbi ako nang yakapin ako ni Mama. Umiiyak din siya habang bumubulong ng assurance sa'kin.
"It's okay, this is a blessing." Pinahid niya ang mga luha ko.
"You're not mad at me?"
"No sweetheart."
"S-Si Papa." Muli akong napahikbi.
"Ako na ang bahala sa kanya, don't be scared sigurado ako na hindi magagalit ang papa mo."
Mahigpit ko siyang niyakap at umiyak ako sa balikat niya. Natatakot ako sa kung ano man ang magiging reaksyon ni Achilles.
"Sasabihin mo ba agad ito kay Achilles?"
"No, ayaw ko mama."
Hindi pa siya handa, mahihirapan lang siya at ayaw ko na mangyari iyon.
"Mama, tuloy po ba kayo sa France?" I asked her.
Napatingin siya sa'kin at parang alam na niya ang sasabihin ko.
"Charlotte, he deserves to know the truth."
Umiling ako. "Mahihirapan siyang mag adjust, ayaw ko, marami pa siyang pangarap mama."
"Charlotte."
Napahikbi ulit ako. "Sasama po ako sa inyo sa France, please po, isama po ninyo ako sa France."
Malamlam ang mga mata na tumango nalang si mama sa desisyon ko. Pero bago ang lahat gusto ko munang makita kahit sa huling beses ang ama ng anak ko. Gusto kong makita si Achilles.
BINABASA MO ANG
The King Has Fallen
RomansaCharlotte Clarksville is a spoiled brat and she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay hindi pa maamin ni Achilles ang nararamdaman niya para kay Charlotte, ngunit hindi nag tagal ay nanalo din ang pagmamaha...