Chapter 19
Hindi parin maayos ang pakiramdam ko kaya nasa kwarto lang ako at kahit isang beses o minuto man lang ay hindi ako pinuntahan ni Achilles. Hanggang sa umayos ang pakiramdam ko ay wala akong narinig maski isang salita sa kanya.
Nagtatampo ako pero natatakot akong mag reklamo dahil baka sigawan at pag dabogan niya lang ulit ako.
Sumama kami ngayon kay Achilles sa kompanya, nasa office lang kaming mag ina habang nasa meeting si Achilles. Nakakatuwa nga dahil parang kaylanlang noong ako pa ang mag isang naghihintay dito. Ngayon kasama ko na ang anak namin na naghihintay sa kanya.
Pero hindi na kami katulad noon dahil marami nang nagbago. Hindi na niya ako mahal.
Nang makabalik si Achilles ay kasama na niya ang parents niya. Masaya ang mga ito na makita ako lalo na ang nag iisa nilang apo. Matagal din kaming nag kwentohan at sa lahat nang iyon ay nakikinig lang si Achilles.
"I heard from your mother na kinaylangan mo raw noon na mag seek ng psychiatrist."
Natigilan ako sa sinabi ni Tita Lucia. Nasa mga mata niya ang lungkot habang nakahawak sa kamay ko.
"Matagal na po iyon, Tita. Ayaw ko nang balikan pa." Saad ko sabay sulyap kay Achilles na parang wala namang pakialam sa narinig.
"I understand, darling."
Nagpaalam narin agad ang parents ni Achilles dahil meron pa raw itong pupuntahan. Isinama nila si Elizabeth kaya naiwan kaming dalawa ni Achilles sa opisina. Tahimik lang ako, natatakot na may masabing ikaiinis niya o di kaya ay magkamali. Nagbasa nalang ako ng magazines at nakita ko sa front page ang under construction na hotel na pag-aari ni Achilles sa France.
Napatitig ako sa pangalan ng magiging luxury hotel.
Elizabeth Hotel and Casino
"Hindi ako uuwi sa bahay ngayon, ipapahatid nalang kita sa taohan ko."
Napatingin ako kay Achilles nang mag salita siya.
"Bakit?"
"Marami akong gagawin dito kaya bukas na ako uuwi. And si Elizabeth, doon daw muna siya sa mansion ng parents ko matutulog."
"Ako lang mag isa sa bahay?"
Wala rin kasi si Manang Erna ngayon dahil nag paalam ito kahapon na uuwi sa kanila.
"Yeah." Tipid niyang sagot at hindi na ako pinansin.
Nang dumating ang taohan niya na maghahatid sa'kin ay nag dalawang isip pa ako kung sasama ba o hindi. Sa huli ay sumama nalang ako. Nang makauwi sa bahay ay dumiretso agad ako sa guest room at dumapa sa kama.
Ako na naman mag isa, palagi nalang.
Hindi na ako nakapag emote nang biglang bumukas ang pintoan. Napatanga ako ng makita kong pumasok si Creed at nahiga sa kama ko, hinubad niya pa ang suot niyang t-shirt.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka nga!"
"Dito muna ako." Aniya.
"Wag tayo dito, doon tayo sa living area, hindi maganda na nasa iisang kwarto tayo lalo na at may asawa ako!"
Ngumisi siya. "Asawa mong walang pakialam sa'yo? Ang lakas din manarantado ng lalaking iyon e."
"Baliw ka, lumabis na nga tayo!"
Tumayo ako at lalabas na sana ng kwarto nang bigla niya akong hilahin at ihiga sa kama. Nanglaki ang mga mata ko at hinampas siya sa balikat.
"Gago ka, umalis ka nga!"
BINABASA MO ANG
The King Has Fallen
RomanceCharlotte Clarksville is a spoiled brat and she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay hindi pa maamin ni Achilles ang nararamdaman niya para kay Charlotte, ngunit hindi nag tagal ay nanalo din ang pagmamaha...