Chapter 07
"How are you feeling, baby?" Tanong ni Mama nang pumasok siya sa kwarto ko. Tatlong araw na siyang pabalikbalik dito sa mansion.
Sinabi niya kay papa na kung ayaw kong sumama ay siya nalang daw ang palaging pupunta dito. Ang kinalabasan ay hindi na umuuwi dito ang madrasta ko. Buti naman dahil umiinit ang dugo ko sa babaeng iyon.
"Okay na ako mama, pupunta po ako ngayon kina Achilles."
"Sige, dalhin mo iyong isang box ng cupcakes at cookies na ginawa na'tin kanina." Nakangiti na ani mama.
"Akala ko para sa'yo ang mga yon?" I asked.
Tumikwas ang kilay ni Mommy at umismid pa.
"Galing ako doon kanina para bumisita kay Lucia."
"Oh?" Nagtataka akong humarap sa salamin at inayos ang suot kong crochet croptop.
"May pumuntang babae and her name is Beatrice. May dalang cheesecake, kaya pumunta kana doon at wag kang magpapatalo!" Ani mama.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.
"For real?!"
Bakit ba hindi nalang lumayo kay Achilles ang babaeng iyon?
"Yes at hindi ako papayag na magaya ka sa'kin, wag kang pumayag na agawin ang sa'yo."
Agad ko nang kinuha sa kitchen ang dalawang box na may lamang cupcakes at cookies. Dapat para kay Mommy to e, dadalhin niya sa bahay niya pero dahil competitive siya kagaya ko ay binigay niya nalang sa'kin.
Pagdating ko doon ay agad kong tinanong si Manang kung nasaan si Achilles.
"Nasa play station kasama si Beatrice." Ani Manang.
Agad akong naglakad papunta sa ground floor kung saan nandoon ang play station at mini bar.
Bukas ang glass sliding door kaya sumilip ako. Nakita ko si Beatrice na pinapanood si Achilles maglaro ng billiards.
"Achilles!" Sigaw ko pag pasok dahilan para mapalingon siya.
"Ang ingay mo." Ani Achilles.
"Bakit nandito na naman siya?" Tanong ko sabay irap kay Beatrice. Napansin ko na naka cast ang braso niya.
Nabalian ba siya? Hmp, buti nga sa kanya!
"Bumisita lang ako." Ani Beatrice at ngumiti sa'kin.
"Labas!" Sigaw ko sa kanya.
"Lottie, stop." Marahang hinawakan ni Achilles ang braso ko at naiiling siyang lumingon sa kaybigan.
"Umalis kana, Bea." Sabi niya dahilan para mapangisi ako.
"Pero kararating ko lang." Sabi ng babae na sinadya pang palungkotin ang boses.
"Gusto mo bang madagdagan yang cast mo." Inis na sabi ko.
"Charlotte wag ka ngang ganyan." Saway sa'kin ni Achilles.
Napanguso ako at nag iwas na nang tingin sa babae dahil baka mamatay na siya sa sindak.
Sa huli ay wala ring nagawa si Beatrice kung hindi ang umalis. Nang kami nalang mag isa ni Achilles ay nginitian ko siya ng matamis.
"May dala akong cookies at cupcakes." Sabi ko.
"Kakakain ko lang ng cheesecake." Sagot niya at muling nag laro ng billiards.
"Mas gusto mo pala ang cheesecake niya kaysa sa ginawa ko." Nakasimangot na sabi ko.
Hindi makapaniwalang umawang ang mga labi niya nang muli siyang tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The King Has Fallen
RomanceCharlotte Clarksville is a spoiled brat and she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay hindi pa maamin ni Achilles ang nararamdaman niya para kay Charlotte, ngunit hindi nag tagal ay nanalo din ang pagmamaha...