Chapter 17

161 5 2
                                    



Chapter 17

Nakatulala lang ako habang kinakasal kami sa kilala niyang Mayor. Walang singsing at naka silk night dress lang ako. Ang naging witness naman ay mga katulong nang kaybigan niyang Mayor.

Ito ang gusto ko pero nasasaktan ako dahil alam ko na wala na siyang nararamdaman sa'kin. Harapharapan din niyang pinamukha sa'kin kanina na para lang ito sa anak namin.

"Puntahan mo na si Elizabeth, susundoin ko kayo mamaya." Iyon lang at iniwan na niya ako sa labas ng gate nang bahay ni Mama.

Pumasok ako sa loob at dumiretso agad ako sa kwarto ni Elizabeth. Nandoon siya kasama ang isang may edad na babae na tinawagan kanina ni Achilles.

Pagkatapos kong mag pasalamat sa matanda ay umalis narin agad ito ng bahay. Nalaman ko na katulong pala siya ng lalaki.

HINDI ako natulog kaya ang laki ng eyebags ko. Habang naliligo ay sinasariwa ko ang nangyaring kasalan kagabi. Kasalan na hindi nakikitaan ng pag-iibigan.

Pero hindi ako nagsisisi dahil kapalit naman nito ang pananatili sa tabi ng anak ko at sa iba pang dahilan. Mahal ko si Achilles at kahit kaylan hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kanya.

Pagkatapos kong mag shower ay nagbihis agad ako at inasikaso na si Elizabeth. Nakapaghanda na kami nang dumating si Achilles.

"Daddy!"

"Goodmorning, princess."

Sobrang aliwalas nang mukha niya habang nakatingin sa anak namin.

"I missed you, bakit hindi ka po pumunta dito kahapon?" Elizabeth asked.

"Pumunta dito ang Daddy mo kaso natutulog kana." Saad ko.

Tumingin sa'kin si Achilles na para bang ngayon niya lang ako napansin.

"Goodmorning." Usal ko.

Tumango lang siya at tumingin na ulit kay Elizabeth, ako naman ay tumalikod na upang kunin ang mga gamit namin na dadalhin sa bahay ni Achilles. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya sa tawag ko nalang pinaalam sa parents ko ang lahat. Nagulat sila at pinagsabihan ako dahil sa padalosdalos kong desisyon.

Lumipas ang ilang araw na magkasama kami sa bahay ni Achilles. Kompleto nga kami pero pakiramdam ko ay hindi ako buo.

Hindi ako pinapansin ni Achilles at kahit taponan ako ng tingin ay hindi niya ginagawa. Palagi lang siyang nakatutok kay Elizabeth. Magkahiwalay din kami ng kwarto, iyong guest room ang gamit ko.

"Kumusta?"

Bungad agad ni Creed nang sagotin ko ang tawag niya.

"Ayos lang, sobrang saya." I lied.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero alam ko na pilit lang iyon.

"Matigas parin ba ang puso ng gagong iyon? Tsk, bahala na talaga siya sa buhay niya."

"Creed, may dapat ba akong malaman tungkol sa inyo?"

Hindi sumagot ang lalaki, kaya pala dahil binaba na nito ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako at muling tiningnan ang mag ama ko na naghahabulan sa lawn. Sa mga bonding nila na ganito ay hindi ako kasali, hanggang tingin lang ako. Pero sapat na iyon sa'kin.

Malungkot akong napangiti at pinahid ang luha na namuo sa gilid ng mga mata ko.

Kaysa mabagot ay tumulong nalang ako kay Manang Erna sa paggawa nang meryenda. Si Manang Erna rin pala iyong pumunta sa bahay para bantayan si Elizabeth.

The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon