Chapter 25

148 5 1
                                    

Chapter 25


Nakauwi na kami galing sa Batanggas at nadatnan namin si Creed sa bahay na kausap si Elizabeth.

"Mommy, Daddy!" Yumakap agad sa'min ang bata.

"Welcome back, kumusta honeymoon?" Nakaismid na tanong ni Creed. May black eye pa ang lalaki at cast sa kaliwang braso.

"Ikaw kumusta bakasyon, gusto mong bumalik doon?"

Hinawakan ko agad sa braso si Achilles dahil parang gusto na niyang sugorin ang lalaki.

"Wala ka talagang utang na loob." Ani Creed.

"Ano ba kayo?"

"Tss." Umismid si Creed at nginuso ang envelope na nakapatong sa ibabaw ng center table.

"Mga papeles yan ng fashion company sa France, nilipat ko kay Elizabeth ang pangalan. You're welcome ha."

Nito ko lang din nalaman na bigay pala ni Achilles ang fashion company ni Creed sa France. Kaya pala sinasabi niya sa'kin na pansamantala lang yon.

"That's yours." Ani Achilles.

"Wag na, magtatayo nalang ako ng bago."

"Follow me on my study room, may pag uusapan tayo." Ani Achilles at tinalikuran na ang lalaki.

Tumikwas naman ang kilay ko kay Creed dahil parang wala pa siyang balak sumunod.

"Middleton!"

Napapalatak nalang siya ng marinig ang boses ni Achilles sa hagdanan, nilampasan na niya ako para sumunod kay Achilles.

"Nag aaway po ba sila mommy?" Tanong ni Elizabeth.

Yumuko ako at hinalikan sa noo ang bata. "May kunting misunderstanding lang pero maaayos nila iyon."

"Are you sure mommy?"

Tumango ako. "Yes sweetheart, sige na maglaro kana doon. Mamaya kwentohan mo kami ni Daddy ng mga kaganapan ninyo sa Disneyland ha?"

"Opo!"

Nakangiting pinanood ko ang bata na manakbo papunta sa mga dolls niya na nakakalat na naman sa sahig.

Mahigit isang oras din silang nag usap sa study room at nang bumaba si Creed ay nakangiti na siya. Mukhang okay na nga sila.

"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya sa'kin.

"Tara sa garden." Balak ko rin naman siyang kausapin.

Nang makarating kami sa gazebo ay agad ko siyang hinarap at tinanong.

"May dahilan pala ang pagiging pakialamero mo."

Ngumisi siya. "Pasensya kana, ginagawa ko lang ang pabor na hiningi sa'kin."

"Tsk, baliw kayong pareho."

Saglit kaming tumahimik bago siya muling nag salita.

"I like you Charlotte, wala sa plano namin na magustohan kita pero nangyari e."

"May asawa ako."

Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya.

"Kahit gusto kitang agawin hindi ko rin naman magagawa. Mahal ko ang kaybigan ko kahit hindi kami palaging magkasama at kahit baliw siya, mahal din kita Charlotte kaya mas pipiliin ko kung saan ka masaya kahit masaktan ako."

"I'm sorry Creed."

"Don't be sorry, hindi mo naman kasalanan. Ako nga dapat ang mag sorry sa'yo dahil sa mga ginawa ko."

The King Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon